CHAPTER 5 (GRAD)

10 1 0
                                    

After kong mag check ay lumabas na din ako ng room, nauna na si Marvin dahil may gagawin pa daw sya.

Habang nasa Library naman ako ay nag text naman sakin si Reign.

From: Reign
Punta ka sa Rooftop ng Third Building andito kami nila Mae-mae

To: Reign
Now ba?

From: Reign
Oo, hindi ka pa ba tapos mag check dyan?

To: Reign
Tapos naman na

To: Reign
Papunta na ko

From: Reign
Okay ingat :)


Pumunta ako sa Rooftop ng Third Building, iniwan ko muna sa Library yung librong binabasa ko. Baka kasi masira mag bayad pa ko.

Pag ka akyat ko sa Rooftop ay nakita ko sila don na nag kakatuwaan na.

"Ann!" Tumayo si Mae-mae at niyakap agad ako

"Wala na andyan na yung favorite bff nya" pag paparinig ni Madeline

"Heh, manahimik ka nga dyan!" Tumingin si Mae-mae kay Madeline

"Last Day na pala natin toh bilang Senior High noh? Nakakamiss" sabi ni Reign

Oo nga

Last day na

At after nito ay College na kami

"Ikaw Ann, sa BUNI University ka ba mag aaral?" Tanong sakin ni Madeline

"Oo naman" tumango ako "Nakapag apply na ko ng requirements e" ngumiti ako kay Madeline

"Kelan ba kasi uuwi yung tatlo? Hindi na tayo na kompletong Pito" malungkot na sabi ni Reign

"Si Aerish for sure uuwi pa yon, di ko lang alam kay Louise at Marie kase alam nyo naman" sabi ni Mae-mae

"Miss na miss ko na sila" sabi ko

"Tara puntahan kaya natin sila?" Tumingin samin si Madeline

"Mema! Ang mahal ng plane ticket!" Binatukan ni Mae-mae si Madeline

"Aray ha! Sana hindi ka ma crush back ng Crush mo!" Bulyaw ni Madeline kay Mae-mae

Ouch

May crush pala si Mae-mae?

So rejected na pala agad ako :(

Kinuha ko ang selpon ko at pumunta ako sa twitter para mag tweet

@Mysterious_A
Rejected na pala agad ako kay Crush agoii

@priv_34: shaket naman non Miss A

@Kadelovesyou: Miss A kelan upload mo ng tutorial to how survive ABM strand?

@Ionledezma: Dito ka nalang saken Miss A bubusugin kita ng pag mamahal ko XD

@Athena_Mad: Resbakin na ba natin?

"So this is our last bonding?" Tumingin sakin si Mae-mae

Pauwi na kami ngayon galing sa School, kakatapos lang din namin mag practice para sa Graduation namin.

"No of course not" tumingin ako kay Mae-mae

"Ma bu-busy ka na kasi after ng graduation, bibisita ka sa Mommy mo sa province" malungkot na sabi ni Mae-mae

"Hindi ako sasama kay Mommy sa Province okay?" Huminto ako sa pag lalakad

"You promise?" Tanong nya sakin

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now