Warning: Read at your own risk
Ewan ko pero ang gaan ng pakiramdam ko sakanya, parang bang gusto ko syang yakapin na ewan?
Ganun siguro kapag nakaharap mo yung mabuting tao noh?
Tignan mo pati Hair clip na napulot nya ay pinag tatanong nya talaga para maibalik
Pero kung napaka bait naman ni Sir Charles bakit ganon ang ugali ng bunsong anak nya na si Charlotte?
Posible kayang ampon lang si Charlotte?
"Happy First Monthsarry!" Napatalon ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Mae-mae
Nasa garden ako ngayon at inaayos ko yung mga halaman ni Ma'am Keanna.
"I miss you Dutch Mill ko" niyakap nya ko
"Happy First Monthsarry din, Cookies ko" sabi ko
Grabe isang buwan na pala ang relasyon namin
"For you" napa wow ako nang binigyan nya ko ng isang bouquet na red roses
"Wow, thank you" ngumiti ako kay Mae-mae
"Change your clothes" sabi ni Mae-mae
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sakanya
"Secret" ngumisi sya sakin
Kaya naman ay pumunta ako sa kwarto namin ni Mamang at nag palit ng damit, nag suot lang ako ng white dress na hindi lalagpas sa tuhod ko.
"Pupunta na naman tayong Cavite?" Tumingin ako kay Mae-mae, pa cavite kasi ang daan namin
"Yes, Dutch Mill ko" tumango sya at ngumiti sakin
"Pupunta ulit tayo sa Cafe?" Tanong ko sakanya
"No" umiling sya
"Eh saan tayo pupunta?"
"Basta, It's surprise" hinawakan nya ng mahigpit yung kamay ko
Habang nasa byahe kami ay nag papatugtog si Mae-mae ng hindi ako pamilyar sa kanta
"Pwede mag request ng song?" Sabi ko kay Mae-mae
Nabuburyo na kasi ako
"Sure" tumango naman sya
Kaya naman ay kinuha ko yung phone nya at pumunta sa spotify
Nag taka ako dahil nakita ko sa playlist ni Mae-mae yung kantang "Pasipsip Naman" by Abaddon
May pag ka geng geng naman pala tong gf ko
Napangiti ako nang pindutin ko yung kanta na yon
"Pasipsip naman nang yong labi pakagat kahit konti" pag kanta ko
"Dutch Mill, bakit ganyan ang pinatugtog mo?" Narinig ko ang pag tawa ni Mae-mae
"Why? Maganda naman yung kanta ah" tumingin ako sakanya
"Yeah, but-"
"Mag maneho ka nalang dyan" ngumiti ako sakanya
"It's Bold song" sabi nya
"Eh ano naman? We're 18 na, Cookies. Hindi na tayo bata" ngumisi ako sakanya
"Kahit na" inis na sabi nya
"Bakit? Natatakot ka bang matukso?" Pang iinis ko sakanya at inilapit ko yung mukha ko sa mukha nya
"Stop! Pag tayo nabangga" inilayo nya yung mukha ko gamit ang isa nyang kamay
"Sungit" inirapan ko siya
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...