"Bakit mo ba kasi ginawa yon? Bakit ginagawa mo lahat ng toh? Wala naman ng tayo" tanong ko kay Mae-mae
"Dahil mahal na mahal kita, gusto ko bago ako mag propose sayo. Ayos na ang lahat, wala ng sagabal" sabi nya
"Mae-mae, bakit ako pa? Bakit ako parin ang gusto mo? Paano kung iwan ulit kita?" Tumingin ako sakanya, naramdaman ko naman ang pag hawak nya sa kamay ko
"Iiwan mo pa ba ako? Ngayong may tatlo tayong mga anak?"
"Ayoko lang na mangyari ulit ang mga nangyari noon... Ayokong masaktan na naman kita, ayokong iwan na naman kita" pag papaliwanag ko sakanya dahil nangangamba ako na iwan sya ulit
"Hindi ka pa ba handa na maging tayo ulit?" Tanong nya sakin
Umiling naman ako sakanya at umiwas ng tingin
"Naiintindihan kita kung hindi ka pa ready, siguro ayusin muna natin ang lahat" ngumiti sya ng tipid sakin
Tumango lang din ako sakanya at ngumiti. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, pero di ko parin maiwasang hindi masaktan sa mga sinabi sakin ni Liyan.
Ipinakita din sakin ni Aiko ang DNA namin ni Liyan, ewan ko kung bakit ibinigay ni Nadine si Liyan kay Louise...
"Hayaan mo muna si Liyan, naguguluhan pa sya sa mga nangyayari" sabi ni Aiko sakin
"Ano pala ang mga hilig nya? Mga gusto nyang gawin, ano ang pangarap nya?" Tumingin ako kay Aiko
"She love's eating kwek-kwek and brownies, she's good at math, gusto nya lang after school or weekends ay mag stay sa bahay at matulog mag hapon. Pangarap nya maging isang Madre balang araw, dahil na rin sa Tita Lhianne nya kaya nya gustong mag madre" sabi ni Aiko habang nakatingin sa may picture frame na hawak nya
"Aiko, Thank you for taking good care of my first born. Salamat" ngumiti ako sakanya
"Wala yon, hindi mahirap mahalin si Liyan. Isa sya sa mga dahilan para mapangasawa ko si Louise. Sya ang nag lapit ng loob ni Louise saakin. Kaya mahal na mahal ko si Liyan. Siya din ang ka una-unahang bata na inalagaan ko" wala akong masabi kay Aiko, tinuring na nya na parang tunay na anak si Liyan
Sana hayaan nya muna kong makapag paliwanag sakanya mamaya
Para maunawaan nya kung bakit ko sya kinailangan na ipamigay...
"Can we talk?" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Louise
"Sure" tumango ako sakanya, tumalikod naman sya sakin at sinundan ko sya papuntang veranda
Hindi ko alam kung galit ba sakin si Louise o hindi?
"Ann, alam mo naman na si Liyan ang nag bigay sigla sa buhay ko noon diba? Yung mga panahon na nasasaktan ako... Nung mga panahaon na nahihirapan ako... Si Liyan ang nag pasaya sakin... So please, huwag mong kunin si Liyan sakin? Mahal na mahal ko ang anak mo... Mahal na mahal ko si Liyan... Ayokong mawala sya sakin.." pag mama kaawa sakin ni Louise
Hindi ako makapag salita dahil mas nauunang tumulo ang mga luha ko...
Wala naman akong balak na kunin sakanya si Liyan...
"Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, Ann. Huwag mo lang kunin sakin ang anak ko... Hindi ko kayang mawala'y sakanya... Masakit para sakin yon. Kaya Ann, huwag mong kunin sakin si Liyan." Napa atras ako ng lumuhod sya sa harap ko
"Louise, tumayo ka dyan" sabi ko sakanya
"Ayoko... Hindi ako tatayo hangga't hindi mo sinasabi sakin na hindi mo kukunin ang anak ko.." umiling-iling sya saakin
"Hindi ko kukunin sayo si Liyan, ang importante lang naman sakin ay makilala ko sya at kung anong buhay na meron sya." Napaupo ako at hinawi ko ang buhok ni Louise na nasa mukha nya
Basang basa ang mukha nya dahil sa mga luha nya, magang maga na din ang mga mata nya kakaiyak.
"Se-seryoso ba yan?" Tanong nya sakin
"Oo" tumango ako sakanya "Kaya tumahan ka na, ayokong nakikita kitang nasasaktan" sabi ko sakanya
"Salamat, Ann. Salamat nya" niyakap nya ko ng mahigpit at ramdam ko sa boses nya ang sayang nararamdaman nya
Marami nang nawalang tao kay Louise, at sa pag kakataong ito ayokong mawala sakanya si Liyan.
"Tita Ann, tawag po kayo ni Momma sa loob" sabi ni Akira na hingal na hingal, paano kakatakbo. Nag tatakbuhan kasi sila nila Jhohann dito sa garden.
Ngayon ang birthday celebration ni Aiko, tumutulong ako sa pag aayos dahil wala naman akong ginagawa.
"Anak, kausapin mo ang Tita Ann mo ng maayos okay?" Huminto ako sa pag lalakad ng marinig ko ang boses ni Louise
"Hayaan mo syang makapag paliwanag sayo, huwag mong babastusin ang Tita Ann mo" rinig kong sabi ni Aiko
"Mama!" Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang sumulpot sa kung saan si Maerey
"Pawis na pawis ka" lumapit ako sakanya, kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko at pinunasan ko ang mukha nya pati na rin ang likod nya
"Ann, andyan ka pala" napatigil ako sa pag pupunas sa likod ni Maerey, tumingin naman ako kay Aiko
"Sabi ni Akira, pinapatawag daw ako ni Louise" sabi ko
"Yes" tumango naman si Louise sakin at ngumiti
"Ahh ganun ba? Bakit?"
"This is your chance na mag paliwanag ka kay Liyan, malay mo mag kaayos kayo. And gusto ni Aiko na maging maayos ang ugnayan nyo bilang mag ina" lumapit sakin si Louise at binigyan ako ng napakalaking ngiti sa labi
Tumango lang ako sakanya at iniwan na nga nila ako sa may labas ng kusina. Pumasok ako at nakita ko si Liyan na nakatingin saakin at walang imik.
"Halika, sa sala tayo" ngumiti ako sakanya at inalok ko ang kamay ko sakanya
Matagal syang napatitig sa kamay ko, mukhang hindi pa sya komportable sakin ah.
Aalisin ko na sana ang kamay ko pero nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko, at nauna na sakin sa pag lalakad.
"Uhm, ano po ba ang itatawag ko sainyo?" Tanong nya sakin at umupo sa tabi ko
"Mama or Nanay, ikaw bahala anak" ngumiti ako sakanya
"Si-sige po, Mama" nahihiya nyang sambit saakin
Grabe, ang saya ng pakiramdam ko ngayon..
Mukhang mag kaka ayos na kami ni Liyan...
Follow me on IG: sulatni_sunny
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...