"Apo anong nangyari? Ilang araw ka nang wala sa sarili mo" naramdaman ko ang pag upo ni Mamang sa kama ko
Simula nung makauwi ako sa Mansion ay hindi na ko lumabas ng kwarto, kumakatok si Mae-mae pero hindi ko pinag bubuksan.
"Nag aalala na kami sayo, Apo. May problema ba? Andito ang Mamang, makikinig ako" malambing na sabi ni Mamang
"I'm okay Mamang" ngumiti ako kay Mamang at bumangon
"Hindi ka okay, Apo. Kilala kita, hindi ka mag kukulong dito sa kwarto kung wala kang problema"
"Medyo masama lang po yung pakiramdam ko" tumingin ako kay Mamang
Tutal totoo naman yon. Nitong mga nakaraang araw ay, gusto kong matulog mag hapon, tinatamad din akong bumangon agad pag gising sa umaga, tapos sumasakit din ang ulo ko.
"Andito si Mae-mae, gusto ka daw nyang kausapin" tumayo si Mamang at binuksan ang pinto
Nakita ko si Mae-mae sa may pinto, nakangiti at may dalang Dutch Mill at Brownies
Pag ka pasok ni Mae-mae sa kwarto ay lumabas naman si Mamang.
"May nangyari ba, Dutch Mill ko?" Iyon agad ang sabi nya sakin
"Wa-wala" umiling ako at umiwas ng tingin
"Hindi, may nangyaring hindi maganda. Dahil nag iba ka simula noong umuwi ka dito sa Mansion" sabi ni Mae-mae
"Kaya sagutin mo ang tanong ko, Ann. May nang yari bang masama sayo nung araw na yon?" Seryosong sabi ni Mae-mae
Shockss
Ano ang sasabihin ko?
"Mae-" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang maramdaman kong na duduwal ako
Bumangon agad ako at pumunta sa Cr para doon ko iluwa ang suka ko.
"Hey are you okay?" Naramdaman ko ang pag hagod ni Mae-mae sa likod ko
"Yeah I'm okay" tumango ako at tumingin sakanya
"Ang init mo" sinalat nya yung leeg ko pati na din yung noo ko "Teka kukuha lang ako sa may pantry ng gamot" sabi ni Mae-mae at lumabas ng kwarto namin ni Mamang
Hindi naman ako nag kakakain ng ilang araw, hindi din ako sakitin. Baka nalipasan lang ako ng gutom, kaya ganto ako.
"Apo, may sakit ka daw?" Nagulat ako nang pumasok si Mamang sa kwarto
Halata na nag mamadali pa sya dahil hawak hawak pa nya yung sponge na may sabon pati na rin yung isang baso
"Sinat lang po, Mamang" tumingin ako kay Mamang
"Ano ba ang nangyari? Hindi ka naman sakitin" lumapit sakin si Mamang
"I'm okay, Mamang. Don't worry" ngumiti ako kay Mamang
Tumango lang si Mamang at lumabas na ng kwarto, bumalik din naman agad si Mae-mae may dala dalang gamot at isang planggana na may tubig, may panyo din.
"Pa check up ka na kaya?" Sabi ni Mae-mae habang pinupunasan ang katawan ko
"Huwag na, gagaling din naman ako" sabi ko
"Nag punta ka pala sa Condo ni Charlie" kinabahan ako nang sabihin yon ni Mae-mae "Nang hindi mo sinasabi sakin"
"H-huh? Required ba?" Tumingin ako sakanya
"Of course, Ann! Girlfriend mo ko dapat sinasabi mo lahat sakin" seryosong sabi ni Mae-mae
"I'm sorry" humina ang boses ko
"Sige na, mag pahinga ka na. Lalabas lang ako" ngumiti sya ng tipid sakin at lumabas na ng kwarto
Napa buntong hininga nalang ako pag ka labas ni Mae-mae
"Paniniwalaan ba ko ni Mae-mae pag sinabi ko yung totoo?" Tanong ko sa sarili ko
To: Marie
r u free today?From: Marie
Yes bebeFrom: Marie
Why po?To: Marie
Punta ka here sa Mansion :(From: Marie
Okie, otwTo: Marie
Sige, ingat!!"Nakausap ko si Mae-mae, nalaman nya na nag punta ka kay Charlie ng hindi mo sinasabi sakanya" sabi ni Marie
"Iyun nga din ang sabi sakin, paano nalaman ni Mae-mae yon?" Tumingin ako kay Marie
"Sabihin mo na kaya?" Saad ni Marie
"Marie, kung sasabihin ko paniniwalaan ba ko ni Mae-mae?"
"Oo naman, matagal nang galit na galit si Mae-mae sa mga Forbes. Lalo na sila Tita Keanna" mahinahong sabi ni Marie
"Hindi ko na alam ang gagawin ko.." yumuko ako "Hindi ako makalabas ng Mansion dahil na aalala ko yung nangyari nung gabi na yon.. Hindi ko maka usap ng ayos si Mae-mae dahil sa kalagayan ko.."
"Napaka sahol talaga ng Charlie na yan! Pumayag ka na kasing ipa puli natin sya, ako naman ang mag babayad" sabi ni Marie
"Ayoko, Marie. Pag nalaman yon ni Charlie, ikakalat nya yung picture namin ni Mae-mae. At masisira naman ang pangalan ni Mae-mae sa mga tao, ayokong mangyari-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang maramdaman kong nasusuka na naman ako
Tumayo ako at pumunta sa Cr, sumuka ako sa may bowl.
"May sakit ka ba?" Tanong sakin ni Marie habang hinahagod ang likod ko
Hindi ko sya nasagot dahil walang tigil ang pag suka ko
"Oo" tumango ako at kinuha yung twalya ko para punasan ang bibig ko
"Sinisinat lang ako" sabi ko pa
"Sure ka ba?" Tanong sakin ni Marie
"Yes" sagot ko
Bumalik ako sa kama ko at humiga ulit, ilang araw ding nanatili dito si Marie para mabantayan ako. Dahil si Mae-mae ay busy sakanyang inaasikaso.
"Hi Cookies ko" ngumiti ako kay Mae-mae nang makita ko sya sa may loob ng Mansion
Hindi naman kami masyadong nag uusap ni Mae-mae dahil sa kalagayan ko, pero kami parin. Ewan ko, nawawalan na ko ng oras para sakanya.
"Are you okay na?" Tanong nya sakin
"Slight" sabi ko
"Saka na tayo mag usap, aalis na ko" sabi nya at hinalikan ako sa noo ko
Nalungkot ako nang malaman kong aalis si Mae-mae, saan kaya sya pupunta?
"Dami mong binili na pagkain" sabi ko kay Marie habang nag wawalis sa may kwarto
"Si Mae-mae bumili nyan, dumaan sya dito para hindi na daw ako mag luto" saad ni Marie habang inaayos ang mga pagkaing binigay ni Mae-mae
"So sweet naman nya" ngumiti ako
"Totoo, ang swerte nyo sa isa't isa" tumingin sakin si Marie
After kong mag walis ay sabay na kaming kumain ni Marie.
To: Cookies
Salamat sa FoodFrom: Cookies
No problemTo: Cookies
Uhm, kelan ang balik mo? Ipag luluto kita ng Mexican Chicken SoupFrom: Cookies
Sa isang araw pa, Dutch Mill. May inaasikaso lang akoTo: Cookies
Oh okay, ingat poFrom: Cookies
You tooKinabukasan pag gising ko ay dumiretso agad ako sa Cr dahil naduduwal ako
Follow me on IG: sulatni_sunny
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...