CHAPTER 41 (HELLO FRANCE)

11 1 0
                                    

Mag sasalita pa sana si Madeline nang mag salita si Louise

"Oh baka mag away pa kayo" sabi ni Louise

"Oh sya, mauna na kami baka maiwan kami ng eroplano" sabi ko at hinawakan ko na yung hand carry na maleta ko

At doon na nga umiyak ang tatlong bata, mas malakas ang pag iyak ngayon kaya medyo nahihiya ako

"Rose, Liyan, Ren-ren don't cry na. Uuwian nalang namin kayo ng maraming toys" lumapit si Mae-mae sa mga bata

Isa isa kong niyakap ang tatlo, pero iba ang naging pakiramdam ko nang yakapin ko si Liyan

Bago pa kami tuluyang makapasok ng Airport ay may ibinigay sakin si Rose na keychain na merong number 2 ganoon din si Liyan pero number 1 naman sakanya

Sumikip ang pakiramdam ko nang marinig ko ang sigaw na iyak ni Rose at ni Liyan...

Iniisip ko, ganoon din kaya ang reaksyon ng anak ko nung iwan ko sya kay Nadine?....

Napatingin ako kay Mae-mae nang hawakan nya ang kamay ko

"Tawagan mo nalang mamaya pag ka land natin don" sabi nya at ngumiti sya sakin

Tumango lang ako sakanya at binigyan ko sya ng matipid na ngiti

Nang nasa eroplano na kami ay tahimik lang kaming dalawa ni Mae-mae, siguro ay mamimiss nya ang family nya pati na din ang naging routine nya dito sa Pinas.

18 hours ang naging byahe namin, mula Manila hanggang sa Nylon Paris.

"Malapit na tayo! Makikita na natin yung Paris!" Excited na sabi ni Mae-mae at pumapalakpak pa

"Hindi ka ba nananawa sakin? Pati sa Paris ay nakasunod ka sakin" tumingin ako kay Mae-mae

"May dahilan ba para manawa ako sayo?" Tumingin din sya sakin

"What if maging cold ako sayo?" Tanong ko sakanya

"Hindi ka Cold, Dutch Mill. Ang hot mo kaya" hirit nya kaya naman ay nahampas ko sya "Aray!"

"Manahimik ka na nga lang dyan!" Inirapan ko sya at tumalikod na sakanya

Pag ka land namin sa Paris ay kinuha lang namin yung mga bagahe namin at sumakay na din kami ng taxi ni Mae-mae

10am na kami nakarating dito sa France so mga nasa 4pm na sa Pinas, kaya naman ay tinawagan ko muna si Louise

[Hello nakarating na kayo?] Iyon agad ang binungad sakin ni Louise

"Yeah, Uhm. Si Liyan? Umiiyak pa din ba?" Tanong ko kay Mae-mae

[Hindi naman na masyado, basta pag may kinakain. Kayo dyan? Kamusta?]

"Eto papunta na sa apartment, medyo pagod lang" I sighed at tumingin sa bintana

Grabe pala ang ganda ng France noh?

First time ko lang makapunta dito

[Okay sige, pahinga muna kayo. Then tatawagan nalang kita mamaya pag nasundo ko na si Liyan sa school nya]

"Okay sige" sabi ko at pinatay na yung tawag

"Oh balita kay Liyan?" Kinalabit ako ni Mae-mae kaya naman ay humarap ako sakanya

"Ayon, medyo hindi na daw umiiyak" ngumiti ako ng tipid kay Mae-mae

"Sa Apartment mo nalang tawagan yung kambal, sabi ni Jrose tulog pa daw e" sabi nya

"Okay" tumango ako at isinandal ko yung ulo ko sa balikat nya

Inabot ng isang oras ang byahe namin papuntang Apartment, sa isang apartment muna kami titira ni Mae-mae ngayon.

Kasya naman ang dalawang tao sa nakuhang apartment ni Mommy, dalawang maliit na kwarto. Mag ka lapit din halos yung kusina at yung dining table at medyo malaki naman yung space sa may sala.

Then yung Laundry Area ay nasa likod lang ng apartment.

"Bukas na natin ayusin ang mga gamit natin, pahinga muna tayo" humarap ako kay Mae-mae na naka higa agad sa couch

"Yes please" ngumiti sya sakin

Pinasok ko muna yung mga maleta namin sa isang kwarto at inayos ko muna yung kusina para makapag luto ako ng makakain namin.

"Dutch Mill huwag ka munang mag luto" naramdaman ko ang pag lapit ni Mae-mae sakin

"Why?" Tanong ko sakanya

"May baon akong cup noodles, iyun muna ang kainin natin" sabi nya gamit ang nakakapagod na boses

Mukhang pagod na pagod talaga si Mae-mae ngayong araw, sabagay at ilang oras din kaming nakaupo.

Nag painit nalang muna ko ng tubig at nang kumulo na ay inilagay ko na sa cup noodles

"Hinahanap ka daw ni Rose pag gising" sabi ni Mae-mae kaya naman ay napatigil ako sa pag kain

"Nakaka awa naman sila" malungkot kong sabi

"Madali lang ang panahon, Dutch Mill. Baka kinabukasan ay nasa Pilipinas na tayo" sabi ni Mae-mae at hinawakan ang kamay ko

After naming kumain ay humiga kami ni Mae-mae sa may sala, inilabas lang namin yung isang kama at doon kami humiga.

Simula nang tumira ako sa Manila ay kasa-kasama ko na sa bahay si Mae-mae, pati ba naman dito sa France?

Sana nga talaga hindi sya manawa sakin....

Nagising na lamang ako kinabukasan nang makarinig ako ng ingay sa kusina, bumangon ako at tinignan ko yung oras sa selpon ko.

Nagulat ako nang makita kong 9am na ng umaga? Grabe din pala ang pagod ko

Bago ako tumayo ay inayos ko muna ang buhok ko, pumunta ako sa kusina at nakita ko si Mae-mae na nag luluto ng fried chicken at nakita kong nilagyan nya yon ng spicy powder

"Good morning" bati ko sakanya

Humarap naman sya sakin at niyakap ako

"Good morning, Dutch Mill ko!" Masaya nyang bati sakin

"Oh katawagan mo pala si Rose" sabi ko nang makita ko si Rose na pinapainom ng gamot ni Jrose

[Hi Tita Ann!] Masiglang sabi ni Rose at kumaway sakin

"Hello, Rose. How are you?" Tanong ko sakanya habang nakangiti ako

[I'm fine Tita. By the way, I really miss you] sumimangot sya

"Don't worry, Rose. Malapit na kaming umuwi dyan" hirit ni Mae-mae habang nag luluto

Nang makaluto naman na si Mae-mae ng umagahan namin ay sakto namang aalis si Rose para mag pa check up.

"Uhm bukas aalis ako, mag a-apply ako sa mga Big Company" sabi ni Mae-mae habang kumakain

"Bukas din ang unang pasok ko sa Company bilang isang Assistant Accountant" ngumiti ako ng tipid kay Mae-mae

"Sana nga makuha agad ako, para naman makatulong ako sayo dito sa bahay" sabi pa ni Mae-mae

"Madami ka nang nagawa sakin, Mae-mae. Ngayon ay ako naman, ako naman ang babawi sayo" mahinahong sabi ko at ngumiti sakanya

After naming kumain ay nag simula na din kaming mag ayos ng bahay, balak ko sanang paibahin ng pintura. Dahil ayoko sa kulay blue, pero sabi ni Mae-mae ay saka nalang daw.

"Dutch Mill, saan toh ilalagay?" Tanong sakin ni Mae-mae habang hawak hawak nya yung picture naming pito noong grumaduate kami ng Elementary

"Dyan nalang" sabi ko at tinuloy ko na ulit ang pag aayos ng mga gamit sa kusina

Sa unang linggo namin sa Paris ay hindi naging madali, nahihirapan pa kami sa pag sasalita ng Pranses pero may alam naman kami kaunti ni Mae-mae.

Medyo strikta din ang naging boss ko, at si Mae-mae ay halos mawalan na ng pag asa dahil ilang linggo na syang hindi natatanggap sa trabaho.

Lahat ng Company na pinupuntahan nya ay rejection ang nakukuha nya

Follow me on IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now