"Nga pala, bakit naiwan don si Nadine?" Tanong sakin ni Mamang
"Napasarap po don, napakabait po kasi ng Amo namin. And baka po next month bumalik na din po sya dito" pag kwe-kwento ko
Sana nga ganon nalang ang nangyari
"Si Mae-mae po pala?" Tumingin ako kay Mamang
"Ayon, inumaga na sa bar. Kakauwi lang kaninang umaga, alam mo bang ikaw lang ang gusto nyang makita at makasama sa mga buwan na nag daan." Pag kwe-kwento ni Mamang
"Galit po ba sya?" Tanong ko
"Hindi ko alam, Apo. Mabuti pa mamaya puntahan mo sya" ngumiti sakin si Mamang
Tumango naman ako at inayos na yung mga damit sa cabinet ko
Habang nag aayos ako ng mga gamit ko ay nag ring ang selpon ko, si Nadine tumatawag
"Hello Nadine?"
[Ann, bumalik ka nalang dito ulit oh. Ang anak mo hindi ko mapatahan, nap time nya dapat ngayon pero iyak padin sya ng iyak] iyon agad ang bungad sakin ni Nadine at naririnig ko din ang malakas na pag iyak ng anak ko
Parang tinutusok ang puso ko nang marinig ko ang pag iyak ng anak ko
"Ilapit mo sakanya ang selpon mo, kakantahan ko" sabi ko kay Nadine
[Okay sige]
"Tulog na baby ko, na napaka ganda. Tulog na baby ko mahal ka ni Nanay, tulog na baby ko mahal na mahal kita, tahan na baby ko andito na si Nanay. Tahan na baby ko mahal ka ni Nanay..." Pag kanta ko at naramdaman kong tumulo ang luha ko
[Okay na, Ann. Tumahan na sya at nakatulog na din] sabi ni Nadine
"Si-sige" sabi ko at pinatay na yung tawag
Mas hinigpitan ko pa yung pag kakahawak ko sa selpon ko, dahil ngayon ko lang na realize na deserve ng anak ko ng isang Ina. Deserve nya ng pag mamahal ko...
Pero hindi magiging maganda ang magiging kalagayan nya kung nasa puder ko siya...
"Apo, nasa baba na si Mae-mae. Puntahan mo na sya" pumasok si Mamang sa kwarto ko
"Si-sige po" tumango ako kay Mamang at bumangon na
Kinakabahan ako, dahil ilang buwan din akong walang paramdam kay Mae-mae.
"Hi" ngumiti ako sakanya
"What are you doing here?" Seryoso nyang sabi sakin
"I'm back!" Nakangiti kong sabi at niyakap sya ng mahigpit
Nag taka ako nang bigla nya kong itulak
"Mae-mae anong nangyayari sayo? Bakit nag kakaganyan ka?" Tanong ko sakanya
"Don't ever touch me, cheater" nag salubong ang mga kilay ko sa sinabi nya
"Cookies ko, kahit anong mangyari hinding hindi kita lolokohin" sabi ko
"Kung di mo ko niloko, saan ka nag punta sa loob ng tatlong buwan?" Tumingin sya sakin
May alam ba si Mae-mae?
Kung meron man, paano? Paano nya nalaman?
"Nag trabaho kami ni Nadine" sambit ko
"Liar!" Sigaw nya at tumalikod na sakin
"Mae-mae naman, pakinggan mo naman ako. Tsaka hindi ko magagawa sayo yon, mahal na mahal kita." Sabi ko habang sinusundan sya sa may kwarto nya
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...