CHAPTER 22 (FIRST BORN)

8 1 0
                                    

Parang nang hina ako nang sabihin yon ni Marie, parang may part sa puso ko na ayaw kong ipamigay ang anak ko.

Pero wala syang mapapala sakin, hindi pa ko handa maging isang Ina

"Ganon ba? Sige sino ba yan?" Tumingin ako kay Marie

"Si Gavin" sabi ni Marie

Ang familiar ng pangalan nya, hindi ko alam kung saan ko sya nakita o narinig ang pangalan nya

Inihatid lang kami ni Nadine dito sa Rest House nila at umalis din agad si Marie para umuwi sa Manila. Oh diba sana all madaming pera.

Dito ko na nga sa Cebu pinag patuloy ang pag bubuntis ko, nag aaral din ako at the same time pero home schooling.

Ganoon din naman si Nadine, dalawang buwan na ang nakalipas simula noong umalis kami ng Manila.

Medyo malaki na din ang tyan ko, at every time ay pwede akong manganak.

From: Cookies
Happy 10th Monthsarry Dutch Mill ko!!

From: Cookies
Kamusta ka? Okay ka lang ba dyan?

From: Cookies
It's been, 2 Months na Dutch Mill ko :(

From: Cookies
Sabi mo di mo na ko iiwan? May Plano ka pa bang bumalik?

Napaiyak ako sa mga text sakin ni Mae-mae, gusto ko syang replayan pero baka magalit lang siya sakin.

Nangangamba din akong bumalik ng Manila, baka mamaya ay wala na kong Mae-mae na babalikan.

Baka iwan na nya ko

"Sabi ni Ka Amy, sa Saturday daw ang last check up mo sakanya" sabi ni Nadine habang inaayos nya ang mga gamit na kakailanganin ko sa panganganak

"May balita ka ba kay Mae-mae" tanong ko sakanya

"Oo, nakausap ko si Yaya Lulu. Batak daw kumuha ng mga projects, and masyadong mainitin daw ang ulo. Lahat ay inaaway" pag kwe-kwento ni Nadine

"Kami pa kaya pag balik ko sa Manila?"

"Oo naman, kase kung mahal ka talaga ni Mae-mae bakit sya makikipag hiwalay sayo? Tsaka sa isang buwan lang naman ay uuwi ka na ng Manila" tumingin sakin si Nadine

"Wala lang, baka magalit lang sakin si Mae-mae" mahinang sabi ko

Habang nag huhugas ako ng pinggan ay naramdaman ko ang pag sipa ng anak ko

Ewan pero napatigil ako at nakaramdam ako ng kasiyahan sa puso ko.

"Sumipa si Baby?" Nagulat ako nang lumabas sa may Cr si Nadine

"Hindi" umiling ako at bumalik sa pag huhugas ng pinggan "May naalala lang ako"

"Okay, kaya pala abot hanggang tenga ang ngiti" mapang asar na sabi ni Nadine sakin

"Epal!" Sigaw ko

After kong mag hugas ay pumasok na ko sa kwarto ko, napahawak ako sa bewang ko nang kunin ko yung mga gamit ng anak ko sa sahig.

"Sana maging maayos ang buhay mo sa kukuha sayo" I sighed

"Patawarin mo sana ang Nanay, hindi ko talaga kayang alagaan ka anak ko" sabi ko at umupo sa kama ko


"Ann, baka gabihin ako ng uwi. Pero padating naman na si Marie" sabi ni Nadine habang nag susuot ng medyas

"Sige lang, tsaka mga anong oras dadating si Marie?" Tumingin ako sakanya habang nag bu-burda ako sa isang baby shirt

"Mga hapon lang siguro" nakita ko syang tumayo "Oh sya aalis na ko" paalam nya sakin

"Sige mag iingat ka" sabi ko

Wala akong maisip na pangalan sa anak ko, dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko naman sya mamahalin. Pero pang bawi sakanya ay binurda ko yung salitang "mon premier "  na hango sa salitang French. Pero sa English ay "My First Born" hindi ko kasi kayang bigyan sya ng pangalan.

Bago dumating si Marie ay natapos ko naman ang ginagawa ko, pumunta ako sa bag niya at doon ko nilagay ang ginawa ko.

Habang inaayos ko naman yung mga gagamitin ko ay dumating na din si Marie.

"Nako yang jowa mo pana'y kulit sakin" sabi ni Marie

"Mag kikita naman na ulit kami, after kong manganak" ngumiti ako kay Marie

"Sure ka ba dyan? Hindi na ba mag babago ang isip mo Ann?" Tanong sakin ni Marie

Natahimik naman ako at hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya

Sure na nga ba ako?

"Kung hindi ko ipapamigay ang anak ko? Mapupunta lang sya kay Charlie, ayokong lumaki ang anak ko sa walang hiya nyang Tatay" sabi ko

"Ang tanong, sa pag bibigyan mo ng anak mo? Mapapabuti din ba sya don? Malay mo masamang pamilya ang makakuha sa Anak mo" mahinahong sabi ni Marie at sabay naman kaming umupo sa may couch

"Marie, bakit nila kukunin ang anak ko kung sasaktan lang din pala nila? Pero mas lalong hihirap ang buhay nya pag nasa puder sya ng Tatay nya" tumingin ako kay Marie

Hindi na naka imik si Marie. Niyakap nya lang ako at hinawakan ang malaki kong tiyan

"Pauwi na si Aerish, and alam nya ang tungkol sayo" natigilan ako sa pag ti-tiklop nang sabihin yon ni Marie

"Pa-paano nya nalaman?"

"Nawawala din kasi si Madeline, tapos na i-open ko yung topic na yon. Na i-stress na din kasi ako" mahinahong sabi ni Marie

"Ano ang reaksyon nya?" Tanong ko sakanya

"Iyon, tulad ng reaksyon ko ay galit na galit. At sabi pa na pag nakita nya dito si Charlie sa Pilipinas ay susuntukin daw niya" pag kwe-kwento ni Marie

"Si Louise ba kelan ang uwi?" Tumingin ako kay Marie

"Wala pang update, alam mo naman si Louise. Hindi pala gamit ng social media" saad ni Marie

Lumabas din si Marie nang kwarto ko at dahil tutulungan pa nya si Nadine na mag luto sa kusina.

Habang nag titiklop ako ng mga damit ko at ng mga damit ni Nadine ay naramdaman ko ang pag hilab ng tyan ko.

Pinilit kong tumayo at nakita kong may tumutulo na sa hita ko

"Marie! Nadine! Manganganak na ata ako!" Sigaw ko

Dali dali namang pumasok si Nadine sa kwarto at inalalayan ako

"S-si Marie nasan?" Nahihirapan kong sabi dahil sobrang sakit ng panubigan ko

Ganto pala kasakit manganak

"Nasa kotse na" sabi ni Nadine

Nakakalakad pa naman ako at isinakay ako ni Nadine at ni Marie sa may sasakyan

"Kaya mo yan Ann! Kaya mo yan!" Pag cheer sakin ni Nadine habang papunta kami sa may hospital

Tangina, feel ko hindi ko na kaya

"Hindi ko na kaya, Nadine! May magagawa ka pa ba kung hindi ko na kaya?" Maldita kong sabi

"Nanganganak ka na nga dyan, nag mamaldita ka pa!" Rinig kong sabi ni Marie

"Pwede bang manahimik ka nalang? At bilisan mo ang pag mamaneho mo! Napaka sakit!" Sigaw ko

Hindi ko na alam kung paano kami nakarating sa hospital at kung paano ako isinakay sa may wheel chair, papunta sa delivery room.

Follow me on IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now