Grabe ang sayang nararamdaman ko nang makarating kami sa Ilocos, nagulat din ako nang sa Poblacion kami pumunta ni Mae-mae.
"Cookies ko.." tumingin ako kay Mae-mae nang inihinto nya ang sasakyan
"Kay Mamang ko nalaman kung saan kayo noon nakatira" tumingin sakin si Mae-mae
Bumaba na ng sasakyan si Mae-mae kaya bumaba na din ako, andito kami ngayon sa isang Park na walang masyadong tao.
Parang kami lang ata, tago din kasi ang lugar na toh.
"Na miss ko ang Ilocos" masayang sabi ko at tumatalon pa ko
"Hindi naman halata" sabi ni Mae-mae habang inilalatag ang dala nyang blanket
"Thank you, Cookies ah? Palagi mo kong pinapasaya" tumigil ako sa pag talon ko, at lumapit kay Mae-mae
She is my life...
"Mga masasayang ngiti mo lang ang medisina ko sa nakakapagod na mundo" mahinahong sabi ni Mae-mae saakin at inilapag nya sa may blanket yung mga dala nyang pagkain
"Ang dami mo nang ginawa para sakin, Cookies ko... Andyan ka para pasayahin ako palagi"
"Dahil mahal na mahal kita, Dutch Mill ko. Kaya huwag na huwag mo kong iiwan ah? Hindi ko kayang mabuhay na wala ka" ngumiti ng tipid sakin si Mae-mae
"Pangako, mananatili ako sa tabi mo." Tumingin ako kay Mae-mae at ngumiti din sakanya
Nakita kong tumayo sya at tumabi sakin ng upo
"Apat na taon na tayong nag mamahalan" sabi ko habang kinakain na namin yung mga dalang pagkain ni Mae-mae
"Ako hindi lang apat na taon" sabi nya "12 year's na kitang minamahal, Dutch Mill. At mamahalin parin kita kahit maputi na ang buhok ko"
Arghhh
Apat na taon na kami pero kinikilig parin ako sa mga salita nya
This is the best relationship ever!!!
Napaka green flag ni Mae-mae, kahit kelan ay hindi pa nya ko nagagawang saktan...
"Sure ka dyan ah? Baka mamaya mag break lang tayo may iba ka na" biro ko at binutasan na yung isang Dutch Mill
Hindi talaga mawawala saamin yung Dutch Mill sa tuwing nag kikita kami ni Mae-mae
"Pangako, Dutch Mill ko. Ikaw lang ang iibigin ng puso ko" malambing na sabi ni Mae-mae at hinalikan ang noo ko
"Napaka sweet mo! Swerte talaga ng magiging asawa mo balang araw" I sighed at umiwas ako ng tingin
"Swerte ka talaga" sabi ni Mae-mae
Madami pa kaming pinag kwentuhan ni Mae-mae about sa mga sarili namin
Napaka swerte ko dahil meron akong sya...
"Cookies ko?" Pag tawag ko sakanya
Nakahiga kami ngayon sa nilatag nyang blanket kanina
"Hmm?" Tumingin sya sakin
"Hintayin mo lang akong manalo sa buhay, pangakong babawi ako sa lahat ng mga mabubuting ginawa mo para sakin" mahinahong sabi ko at hinawakan ko ang kamay nya
"Mag hihintay ako, at mananatili sa tabi mo. Kahit na anong mangyari" ngumiti sya at hinalikan ang labi
koArghh
I love her so much
"Here, this is my Anniversary gift for you" napatigil ako sa pag aayos ng blanket ng may ibinigay na maliit na box si Mae-mae sakin
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...