Napangiti ako nang makita ko ang anak ko na nag lalaro sa may crib, may hawak hawak syang isang laruan at nakita ko din ang ginawa kong damit sakanya noon.
Kasya pa pala sakanya yon
Lalapitan ko sana ang anak ko pero may isang babae ang lumapit dito at binuhat nya ang anak ko
"Kakain na ang Bebe Liyanille ko" rinig kong sabi ng babae
Liyanille?
Iyon ang pangalan ng anak ko?
Napangiti naman ako nang makita kong masayang kumakain ang anak ko, mukhang mabait ang nakakuha sakanya
"Ann, gising!" Napadilat ako nang naramdaman kong ginigising ako ni Mae-mae
"Cookies, napanaginipan ko ang anak ko" tumingin ako kay Mae-mae at yung nararamdaman ko ay hindi ko maipaliwanag dahil feeling ko ay totoo
"Alam ko, sinasabi mo ang pangalan nya habang tulog ka" sabi ni Mae-mae habang may hawak hawak na isang tasa ng kape
"Bakit ko kaya napanaginipan ang anak ko?" Tanong ko sa sarili ko
"Siguro para ipaalam nya sayo na nasa mabuting kalagayan sya" humarap sakin si Mae-mae at ngumiti
"Gusto ko syang makita" lumungkot ang boses ko, tumayo na ko at pumunta sa may cabinet para kumuha ng pamalit na damit
Nagulat naman ako nang yakapin ako ni Mae-mae habang nakatalikod ako sakanya
"Do you want a baby? Hmm?" Malambing nyang sabi sakin
"Ayoko pa, I'm not ready" sabi ko at humarap kay Mae-mae
"Oh okay" ngumiti sya ng tipid at umiwas ng tingin sakin
Naguguluhan tuloy ako kung gusto nya na ba ng baby?
Hindi pa naman kami kasal
Gusto ko lang ding makita ang anak ko dahil miss na miss ko na sya
"Paano mo nakakayanang mawalay sa anak mo?" Sabi ni Madeline sakin habang gumagawa kami ng sari-sarili naming mga school works
4th year na ko at malapit na din akong grumaduate si Madeline naman ay 3rd year palang dahil na late sya masyado.
"Iba naman kasi tayo ng sitwasyon" sabi ko habang inaayos ang mga ipapasa ko
"Kahit na, Ann. Anak mo yon, laman at dugo mo yon. Paano mo sya nakakayanang tiisin? Hindi mo man lang ba sya kukunin?" Tanong saakin ni Madeline habang kinakain nya yung binili nyang fishball kanina
"Mag sulat ka na nga lang dyan, nang matapos na tayo" inis akong tumingin sakanya
"Okay po" nakangisi nyang sabi sakin
Nang matapos na kami ay lumabas na din kami ng University, pumunta dapat kami sa Pancake House na sinasabi nya kaso sinundo sya ni Axl at nung anak ni Axl. Kaya hindi na kami natuloy.
Umuwi nalang ako sa Mansion dahil wala naman na kong pupuntahan pa, si Mae-mae naman ay nasa taping pa ata.
"Oh, Apo andyan ka na pala" sabi ni Mamang, nakita ko sya na kausap si Sir Cedric
"Mano po, Mamang" nag mano ako kay
Mamang "Good Afternoon po Sir" magalang kong sabi kay Sir tumingin ako sakanya"Good afternoon" nakangiting sabi ni Sir Cedric saakin
Ngumiti lang din ulit ako at pumunta na sa may kusina, Na shock ako nang makita ko si Marvin
Grabe after Many year's ay ngayon lang ulit sya nag pakita samin
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...