CHAPTER 58 (MAMANG)

6 1 0
                                    

"Okay ka ba? Wala bang masakit sayo?" Sinalat ko ang leeg nya pati na rin ang noo nya

Baka mamaya ay nilalagnat na sya ng hindi ko alam

"Okay lang po ako, Mama" ngumiti sya sakin

Pag katapos naming mag lambingan ni Jhohann ay inihatid ko na sya sa kwarto nila, at nakita kong payapa nang natutulog ang dalawa.

Bumaba ako para kumuha ng tubig, hindi ko alam na gising pa si Mae-mae.

"Sabi ni Mommy, dalawin natin si Mamang. Maayos naman na ang panahon" sabi ni Mae-mae sakin

"Sige, ipag papa alam ko nalang ang mga bata sa eskwelahan" ngumiti ako ng tipid sakanya at umupo ako sa harap nya

"Pasensya na pala kanina, tama ka hindi dapat ako mag de-desisyon ng ako lang" pag hingi nya ng paumanhin sakin

"Ayos na yon, hindi naman nag ka sakit ang tatlong bata" sabi ko sakanya

Natahimik ako ng mapag tanto kong nakatitig na pala sakin si Mae-mae, shocks bigla akong nanigas sa kina uupuan ko...

"Uhm, di ka pa ba matutulog?" Tumayo ako at inilagay ko sa lababo yung hawak kong baso

"Saan ka ba matutulog?" Tanong sakin ni Mae-mae

"Sa kwarto sana nila Jhohann, pero ikaw kung gusto ko ikaw don tapos ako sa kwarto ko nalang" humarap ako sakanya

"Pwede bang sayo nalang tumabi?" Nakangising sabi nya sakin

Aba! Gumaganon?

"Walang tayo kaya mag tigil ka dyan" pananaray ko sakanya

"Sungit naman" nakita kong ngumuso sya

"Matulog ka na Mae-mae, good night" tumingin ako sakanya at tuluyan na nga akong umakyat

Pumasok na ko sa kwarto ko at kinuha ko ang selpon ko, nakita ko kasing tumatawag si Mommy.

"Hello Mommy?"

[Anak, bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko?] Tanong sakin ni Mommy

"Pasensya na po, may ginawa lang"

[Kamusta pala kayo dyan ng mga apo ko? Wala bang problema sa bahay?]

"Ayos naman po kami, and sa bahay naman po binabaha na po kami dito" umupo ako sa kama ko

[Hindi ba kayo makaka punta sa manila? Punta ka sa bahay ng Mamang mo, mag uusap tayo]

"Nakauwi na po kayo?"

Grabe after 3 year's uuwi na ulit si Mommy

[Paalis palang kami dito sa dubai, then may pupuntahan pa kami sa manila bago sa bahay ng Mamang mo]

"Ah sige po, ingat po kayo"

[Mag iingat din kayo]

After kong makipag usap sa tawag kay Mommy ay lumabas muna ko ng kwarto ko at tinignan sila Mae-mae.

Ang cute nilang tignan....

Hindi ko akalain na silang tatlo ay makakamukha nila ang kanilang Mamay.

Samantalang ako ilong lang ang nakuha nila sakin

"Mama, let's go na po!" Rinig kong sabi ni Maerey habang ni lo-lock ko yung pinto

Ngayon ang alis namin papuntang manila, medyo maayos naman na yung panahon and kailangan talaga naming umuwi ng Manila. Dahil may pag uusapan kami ni Mommy and yung birthday pa ni Aiko.

"Nelaiza, Jm tignan tignan nyo nalang ang bahay ah" sabi ko sa dalawa

"Yes naman, mag iingat kayo don ah" ngumiti sakin si Nelaiza

"Tsaka Ann, pag may kailangan ka or nag karoon ng problema don tawag ka lang sakin" sabi ni Jm at niyakap ako

"Sige na, alis na kami. Salamat" ngumiti ako sakanila at kumaway

Sumakay na ko sa sasakyan at nakita ko ang pag sama ng mukha ni Mae-mae

Anyare dito?

"Yehey! Makikita na naman natin sila Ate Raya!" Masayang sabi ni Jhohann

"Wala ang ate Raya nyo don" sabi ni Mae-mae habang nag mamaneho

"Bakit naman wala?" Tumingin ako kay Mae-mae

"Nasa training sya"

Ay oo nga pala, at pangarap ni Raya na maging dancer balang araw.

Pero sobrang bata pa niya, para sa ganon.

Baka hindi nya ma e-enjoy ang kabataan nya, pero buhay naman nya yon at suportado naman sya ni Madeline at Hans.

"Hey, andito na tayo" naramdaman ko ang pag gising sakin ni Mae-mae

Shocks, nakatulog na pala ko habang papunta kami dito sa manila, tinignan ko ang paligid at laking gulat ko nang nasa malaking bahay kami.

"Don't tell me eto ang bahay ni Mamang?" Tumingin ako kay Mae-mae

"Yes, yan nga" ngumiti sya sakin

Grabe ang laki naman nito?

Grabe talaga ang mga De Jesus...

"Wow, Mama ang laki ng house!" Namamanghang sabi ni Yvonne sakin

"Pasok na tayo sa loob, nag hihintay na sila" ngumiti samin si Mae-mae at sumama naman sakanya si Maerey at si Jhohann

Pag pasok namin sa bahay ni Mamang ay nakita ko ang napaka lawak na living room, grabe mas dinaig nya pa yung Mansion nila Mae-mae.

"Ann! Apo ko!" Napangiti ako nang makita ko si Mamang na kasamahan nya yung personal nurse nya

"Mamang! Namiss po kita!" Lumapit ako kay Mamang at niyakap sya

"Napaka laki mo na, apo ko! Kamusta ka? Ano may kompanya ka na ba sa france?" Tanong sakin ni Mamang

Grabe wala pa ding pinag bago si Mamang, ganon na ganon pa din sya...

"Mano po" napa atras ako nang mag mano ang mga anak ko kay Mamang, ganoon na din si Mae-mae

"Sino ang mga toh?" Tumingin sakin si Mamang

"Uhm, Mamang. Sila Jhohann, Maerey, Yvonne mga anak ko po." Pag papa kilala ko sa mga anak ko kay Mamang "Mga anak, introduce yourself sa Lola ni Mama"

"Hello po, My name is Jhohann Yvrey De Jesus I'm 7 year's old"

"Good day po, I'm Maerey Albert. I'm 7 year's old din po"

"Hi po, Yvonne Rey De Jesus po"

"Sino ang mga ama nito?" Tanong sakin ni Mamang

"Wala po kaming Daddy, we have a 2 Mommies po! And si Mamay Mae-mae ang isa pa po naming Mommy!" Sabi ni Jhohann at tinuro si Mae-mae

"Pa-paano nangyari yon?" Nag tatakang sabi ni Mamang

"Siguro po nag IVF po sila" sabi ng Personal Nurse ni Mamang

"Tama po ang nurse nyo, Mamang" sabi ni Mae-mae

"Oh hala na, kumain na tayo at handa na rin ang tanghalian" sabi ni Mamang at tumalikod na saamin

Sumunod naman kami sa kanila.

"Wow, Mama ang dami pong food!" Sabi ni Maerey at itinuro ang mga pagkain na nasa lamesa

"Ano ba ang paborito nyo?" Tanong ni Mamang kay Maerey

"Adobong sitaw po" si Yvonne ang sumagot "Pero lahat po ng pagkain kinakain po namin" sabi nya pa

Umupo na ko na katabi si Mae-mae, katapat naman namin ang aming mga anak.

Follow me on IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now