CHAPTER 53 (LIE)

4 1 0
                                    

"Yakap nga kay Mama" lumapit ako sakanilang Tatlo, at hinigpitan ko silang niyakap.

Alam kong nag tataka sila, Hindi lang nila sinasabi sakin pero nahahalata ko sa mukha nila.

"Wala nang dating pagtingin
Sawa na ba saking lambing
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla na lang nang iwan..." Nagulat ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses...

After so Many years, ngayon ko nalang ulit narinig ang boses na yon

"Kumakanta si Ms. Janna, Mama!" Masayang sabi ni Jhohann habang pumapalakpak

Tumingin naman ako sa may Stage at nakita ko ngang nandon si Mae-mae

Wala paring bago, napakagaling nya parin sa Musika. Mag katulad sila ni Reign...

"Di na alam ang gagawin
Upang ika'y magbalik sa'kin
Ginawa ko naman ang lahat
Bakit bigla na lang naghanapshocks yung puso ko, ang lakas ng kabog

"Ang galing talaga nya, Mama!" Sigaw pa ni Jhohann kaya napapangiti naman ako

Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng matagal...

Pag kanta lang pala ng Mommy nya ang dahilan, edi sana matagal ko na syang pinuntahan noon sa France.

"Someday ako naman po ang kakanta dyan!" Sabi din ni Yvonne habang pinapanood ang Mommy nya na kumanta

Ganyan pa kaya sila kasaya pag nalaman nilang, Mommy nila ang kumakanta ngayon?

"Hindi magbabago
Pagmamahal sa iyo
Sana'y pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito" 

Napakurap ako nang mag tama ang mga tingin namin ni Mae-mae, nataranta ako bigla at hindi ko alam ang gagawin ko.

"Mama, okay ka lang po?" Tanong saakin ni Maerey

"Yes anak" tumango ako kay Maerey at ngumiti ng tipid

Grabe, hindi ko inaasahan na mag ta-tama ang mga tingin namin.

"Mama, saan po toh ilalagay?" Napatingin ako kay Yvonne at nakita kong hawak hawak nya na yung mga tray

Tapos na ang Event kaya nag liligpit na kami

"Sa loob ng cooler anak" sabi ko habang inaayos yung mga mga iba pang tray

Ginala ko naman ang tingin ko para hagilapin kung nasan ba ang dalawa ko pang Anak, nagulat naman ako nang kausap nila si Mae-mae.

At naka kandong pa silang dalawa kay Mae-mae, shuta nakakahiya...

"Yvonne, anak. Puntahan mo nga ang dalawa mong kuya, tulungan kamo tayo dito" seryosong sabi ko habang tinitignan sila Jhohann na masayang nakikipag chikahan sa Mommy nila

"Okay po, Mama" matulin namang sumunod sakin si Yvonne 

Habang hinihintay kong makabalik si Yvonne kasama ang dalawa nyang kuya ay inayos ko na yung mga gamit na handa nang ilagay sa bulog.

"Can we talk?" Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ng malapitan ang boses nya...

"Uy, Mama. Gusto ka daw po kausapin ni Ms. Janna" binunggo ako ni Maerey

"Busy ako" sabi ko at bumalik na sa ginagawa ko

"Please?" Rinig kong sabi nya

"Mama, payag ka na po" lumapit sakin si Jhohann at pinipilit ako

"Kailangan nating makauwi ng maaga para makatulog na kayo" tumingin ako kay Jhohann at sinamaan ko sya ng tingin

"Please, Mama?" Pag papa cute ni Yvonne at ginaya naman sya ng dalawa nyang kuya

Napa buntong hininga nalang ako sa ginawa nilang mag kakapatid, alam na alam talaga nila kung paano ako kunin eh.

"Fine" pag payag ko

Napa palakpak naman sila sa tuwa dahil pumayag akong makipag usap sa Mommy nila, well hindi naman nila alam na nanay din nila si Mae-mae.

Natatakot lang din ako...

Baka hindi kami matanggap ng mga anak namin, lalo na kay Jhohann at Maerey...

Ayaw na ayaw nila sa mga both genders relationship

Umalis kami ni Mae-mae sa harap ng mga anak namin, sinundan ko lang sya at napunta nga kami sa likod lang ng Event.

"Ano ba ang pag uusapan natin?" Tanong ko kay Mae-mae at humarap naman sya sakin

"Anak ko ba ang tatlong yon?" Napa atras ako ng kaunti nang marinig ko ang sinabi ni Mae-mae

Nakakahalata kaya sya?

Nakikita ba nya yung sarili nya sa mga anak ko?

"Tell me, dahil kung mga anak ko talaga sila ay kukunin ko sila sayo. At bibigyan ko ng magandang buhay" hinawakan nya ng mahigpit ang pala-pulsuhan ko

Tangina?

Ako ang nag hirap na alagaan at buhayin ang mga anak namin, tapos kukunin nya lang sakin na parang tuta lang?

No way!

Hindi nya makukuha ang mga anak ko saakin.

"Sumagot ka Ms. Romero" nakita kong naningkit ang mga mata nya saakin

"No, Hindi mo sila mga anak. Anak ko sila" sabi ko at tinanggal ko ang kamay nya sa pala-pulsuhan ko

"Are you serious? Kamukha ko ang mga bata" sabi nya

"Ano naman kung kamukha mo? Pinag lihian lang kita kaya ganon" pabalang na sabi ko

"So, habang nasa Paris tayo. You have a secret boyfriend" dahan dahan nyang sabi saakin

"Seryoso ka? Ms. De Jesus? Kahit kelan hindi ko magagawa yan" pag tatanggol ko sa sarili ko

Aba, pag hihinalaan nya pang Anak ko sa ibang tao ang mga anak nya

"Iba ka talaga, Ms. Romero. After mo sakin, nag pa buntis ka sa iba" kiniyom ko ang kamay ko at pinipigilan ko ang sarili kong magalit sakanya

"Alamin mo muna ang totoo, bago ka Mang husga" sabi ko sakanya bago ako umalis sa harapan nya

Tangina, lahat ng inis ko sa katawan ay napunta na kay Mae-mae.

"Halos mabaon ako sa utang, maipagamot ko lang si Jhohann. Tapos kukunin nya lang ang mga anak ko sakin?" Inis na inis kong sabi habang nag ti-timpla ako ng kape

Kakauwi lang namin galing sa event kanina, medyo nang late kaya nauna ng natulog ang mga anak ko.

Ako naman ay bawal matulog dahil kailangan kong gumawa ng mga tinapay para bukas.

[Bakit naman hindi mo na sinabi ang totoo? Chance mo na yon para malaman nya ang totoo] sabi ni Reign

"Napangunahan ako ng takot, ayokong pati sila ay mawala pa. Sila nalang ang buhay ko" umupo ako at humigop na ng tinimpla kong kape

[Pero she deserve know the truth] nagulat ako ng sumingit sa usapan namin si Jrose

"Hindi pa siguro right time para malaman nya" I sighed

Hindi ko na din alam ang gagawin ko...

Mahal na mahal ko si Mae-mae pero bakit naman nya kukunin ang mga anak ko saakin?

Nawawalan na ko ng pag-asa na mabuo kami...

"Maerey, Yvonne mag si gising na kayo" binuksan ko ang pinto ng kwarto nila at nakita ko silang payapang natutulog

Napakunot naman ang noo ko nang makita ko ang mga picture ni Mae-mae na naka dikit sa ding ding

"Bakit sila nangongolekta ng mga ganto?" Tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga larawan ni Mae-mae

"Ma, huwag mo pong tignan yan" rinig kong sabi ni Yvonne kaya naman ay napatingin ako sakanya

Nakikita ko talaga sakanya si Mae-mae pag bagong gising, ang lakas ng dugo ng mga De Jesus. Sakanilang Tatlo ay wala akong kamukha sakanila, tanging ilong lang ang namana nila sakin.

Follow me on IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now