Inirapan ko lang sya at tumingin sa may bintana ng kotse, mabilis lang ang naging byahe namin dahil hindi naman traffic.
Napa awang ang labi ko nang pumunta kami ni Mae-mae sa bahay ng Ampa nya which is si Sir Yvon
"Bakit tayo nandito?" Tumingin ako kay Mae-mae at ibinalik ko naman yung tingin ko sa bahay
"Nangako ako kay Ampa, na dadalhin ko sa bahay na toh ang papakasalan ko balang araw" lumapit sakin si Mae-mae at inakbayan ako
"Cookies, hindi mo masasabi na ako ang pakakasalan mo" sabi ko
"Dutch Mill ko" inalis nya ang pag kaka akbay nya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay "Forever na toh okay? Magiging matatag at healthy ang Relationship natin" ngumiti sya sakin
"Mahal kita" niyakap ko sya ng mahigpit
"Mahal na mahal na mahal na mahal din kita" mas hinigpitan pa niya ang pag kaka yakap saakin
Pumasok na kami sa loob at nakita ako ang ganda ng pag kaka ayos ng bahay ni Sir Yvon, andun lahat ng mga picture ni Ma'am Keanna nung bata hanggang sa mag dalaga.
Nag pa handa pa si Mae-mae ng mga pagkain, eh sapat naman na samin yung cookies at Dutch Mill lang. Iyon lang naman ang pinag sasaluhan namin pag sumasapit ang Monthsarry namin.
"Ang dami naman" sabi ko habang tinitignan ang mga pagkaing pinahanda nya
"Para saatin lahat yan!" Nakangiting sabi nya at pinag usog pa nya ko upuan
"Tayong dalawa lang ang kakain nito?" Tanong ko kay Mae-mae
"Of course not, pag hindi natin naubos pwede nating ipakain sakanila" ngumiti sya sakin
Tahimik na kami habang kumakain at hindi na nag papansinan, nakaugalian na kasi namin ni Mae-mae na kapag kumakain ay hindi na kami nag uusap.
After naman naming kumain ay pumunta kami sa isang Simbahan dito sa Olongapo
Sabay kaming lumuhod ni Mae-mae at nag dasal
"Lord, maraming salamat at ibinigay nyo po si Mae-mae sa buhay ko. Sana po ay mas tumagal pa po ang pag sasama naming dalawa, Lord pakibantayan po ang anak ko. Sana po nasa mabuting kalagayan sya. And sana po kayanin po namin ni Mae-mae ang lahat ng pag subok na pag dadaanan namin, mahal na mahal ko po si Mae-mae at walang makakapantay sakanya. Yon lang po, Amen." Sabi ko sa isip ko at pag katapos nag sign of the cross
Tumayo ako at umupo na, si Mae-mae naman ay nakaluhod pa at nag da-dasal.
"Tapos ka na?" Tanong ko kay Mae-mae nang makita kong tumayo na sya
Tumango naman sya sakin
Lumabas na kami ng simbahan na mag kahawak ang kamay, grabe pala kapag may ganitong jowa. Yung matured mag isip, mas lalong tatatag ang relasyon nyo pag matured mag isip ang jowa mo.
"Sana pag umabot tayo ng sampung taon sweet ka pa din sakin" sabi ni Mae-mae habang nilalaro nya ang kamay ko
"Ano ka ba, baka hindi lang sampung taon sweet pa din ako sayo" ngumiti ako
Habang palabas kami ni Mae-mae ng simbahan ay may matanda akong nabunggo
"Hala, sorry po Lola" sabi ko sa matanda at pinag pu-pulot ko ang mga gamit na nalaglag sakanya
"Salamat Iha" nakangiting sabi ng Matanda at iniabot ko na sakanya yung mga gamit nya
Medyo hindi lang ako naging komportable sakanya nang matagal nyang hawakan ang kamay ko
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...