CHAPTER 65 (LOVE)

17 1 0
                                    

Masaya, masaya ang pag sasama namin ni Ann. Wala kaming alitan, napaka healthy ng relationship namin. Sya ang pahinga ko sa tuwing napapagod ako, habang tumatagal mas lalo ko syang minamahal.

Ngunit isang araw lang ay umalis si Ann ng walang pasabi, pero bago mangyari yon ay umuwi nalang sya sa Mansion na parang wala sa sarili nya. Pana'y sabi din sya ng sorry kaya nag tataka ako kung bakit sya nag so-sorry sakin. Wala naman syang nagawang kasalanan.

"Marie naman, baka andyan si Ann oh." Sabi ko kay Marie kanina pa ko andito sa labas ng condo nya

Alam kong andito lang si Ann sa condo nya dahil wala naman ng ibang pupuntahan si Ann kundi dito na lang.

"Mae-mae, umuwi ka na. Wala dito si Ann" sabi ni Marie

"Please? I want to see her, miss na miss ko na si Ann" pag mamakaawa ko kay Marie

Hindi nga ako nag tagumpay na makita ko si Ann, basta malakas ang loob ko na andon si Ann sa loob ng Condo nya.

"Mommy, miss na miss ko na po ang Dutch Mill ko..." Umiiyak kong sabi habang nakayakap ako kay Mommy

Miss na miss ko na sya, ano ba ang dahilan kung bakit ayaw nyang mag pakita sakin?

Tatlong buwan, tatlong buwan ko na syang hindi nakikita...

Sumaya din naman ako ng makita ko si Ann, pinag luto nya ako ng Mexican Soup na paborito ko. Napansin ko din ang pag umbok ng tyan nya, nararamdaman ko na parang may bata... Ewan ko pero after non ay umalis na nga si Ann ng walang pasabi sakin...

Hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin, wala na sya sa condo ni Marie, hirap na hirap na ko kung ano ba talaga ang problema ni Ann. Bakit nyang kailangan na umalis?

"Mae-mae ano ba! Inom ka ng inom!" Inaagaw sakin ni Shella ang isang bote ng alak

"Ano bang pake mo? Hindi ka naman si Ann para sundin ko!" Lasing kong sabi at pilit kong kinukuha yung bote ng alak sakanya

"Sa tingin mo ba matutuwa si Ann pag nakita kang ganyan?!" Lumakas ang boses ni Shella

Hindi ko na sya pinansin at lumabas na ko ng bar, nawalan na ko ng ganang uminom ngayon!

"Ouch" napahawak ako sa ulo ko pag gising ko

Iginala ko ang tingin ko at napag tanto ko na nasa condo ako ni Marie

"Gising ka na pala" sabi ni Marie habang nag hahanda ng almusal

"Paano mo nalaman na nasa bar ako?" Inaantok kong sabi

"Nag text sakin si Shella, lasing na lasing ka Mae-mae! Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati" sunod sunod na sabi ni Marie sakin

"Pasensya na, namimiss ko lang si Ann" tumingin ako kay Marie

"Hindi babalik si Ann pag ganyan padin ang ginagawa mo. Hindi matutuwa si Ann nyan" sabi nya pa

"Kelan ba sya babalik?" Tanong ko sakanya at kumuha na ko ng kanin at inilagay sa pinggan ko

Hindi ako sinagot ni Marie at bumalik ulit sa kusina, feeling ko may alam sya...

"A-ano buntis si Ann?" Nag tataka kong tanong habang tinitignan ko ang litrato nya sa may Cebu na malaki ang tyan

Ipinahanap ko si Ann sa private investigator namin, at natunton nga siya sa may Cebu.

"Putangina, cheater!" Sigaw ko at pinilas ko ang litratong hawak ko

Kaya ba wala sya kase buntis sya? Kung buntis sya sino ang ama? Si Charlie? Si Charlie ba ang ama ng dinadala nya?

Tangina pati si Marie at Nadine dinamay nya!

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now