"Ang swerte mo, Ann" napatingin naman ako kay Mae-mae nang mag salita siya
"Hmm?"
"Ang swerte mo dahil may tatlo kang mga anak, lalo na si Yvonne napaka genuine nyang bata." Ngumiti sya ng tipid sakin
Swerte din ako dahil mga anak mo sila...
"Sino ba ang tatay nila?" Tanong sakin ni Mae-mae kaya naman ay nataranta ako
Shet, sino ang babanggitin ko?
Ano ang sasabihin ko?
"Uhm si Mamang pala? Kamusta na?" Tanong ko sakanya, para maiba ang topic namin
"She's fine, malakas pa din tulad ng dati. Hindi na sya nag ta-trabaho sa Mansion. Dahil binigyan sya nila Mommy and Daddy ng House and Lot, she's have a personal nurse, two maids and one driver" napakurap ako nang titigan ako ni Mae-mae habang sinasabi nya sakin ang tungkol kay Mamang
I miss my Mamang...
"Gusto mo ba syang, bisitahin? Miss na miss ka na non. Akala nya nga nasa france ka pa hanggang ngayon e" sabi nya
"Pag nag bakasyon nalang siguro ang mga bata, dun ko bibisitahin si Mamang" ngumiti ako ng tipid sakanya at umiwas ako ng tingin
Mabuti naman at hindi na sya galit sakin...
Paano ko ba sasabihin sakanya ang tungkol kila Jhohann? Paano?
Ayokong mabigla sya...
"Birthday ni Aiko next week, gusto ni Louise na andon ka" sabi ni Mae-mae habang nag hahanda ng dinner namin
Nakauwi na kami ngayon sa bahay at sa bahay ko muna pina tuloy si Mae-mae. Dahil napaka lakas ng ulan, may bagyo kasi at baka madisgrasya pa sya kung uuwi sya ng Manila ngayon.
"Ang bango naman po nyan" sabi ni Jhohann na kakatapos lang na maligo
"Asan na ang mga kapatid mo?" Lumapit ako kay Jhohann at pinunasan ko pa ang likod nya para hindi sya tuyuan ng pawis
"Naliligo pa po si Yvonne, si Maerey naman po ay nag lilinis ng kwarto" sabi ni Jhohann "Tita Mae-mae ano po yang niluluto nyo?" Tanong ni Jhohann at lumapit kay Mae-mae
Ako naman ay tumaas para tignan ang dalawa, nakita ko naman si Maerey na nag lilinis nga ng kwarto nila.
"Ako na dyan, anak" lumapit ako sa anak ko
"Huwag na po, Mama. Ako na po, kalat po namin toh" tumingin sakin si Maerey habang nag pupulot ng mga kalat
"Handa na ang hapunan sa baba, andon na si Jhohann at ang Tita Mae-mae mo" hinawakan ko ang pala-pulsuhan ni Maerey at ngumiti sakanya
"Okay po, Mama" tumango sya sakin at hinalikan ako sa labi
Habang hinihintay kong matapos si Yvonne na maligo ay inayos ko muna ang kwarto nila.
Natutuwa lang ako dahil naririnig ko ang pagkanta ni Yvonne habang naliligo.
"di ako bakla klah klah klah klah klah
di ako shokla klah klah klah klah klah
nililinlang ka lang ng yong paningin
babae po ako
so soft so sweet"Hayss ang bunso ko... Babae pala
"Ma-Mama?!" Napaharap ako at nakita ko syang tapos nang maligo, naka balot pa sa ulo nya ang twalyang nya
"A-ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong nya saakin
"Gusto lang kita makausap" lumapit ako sakanya
"Ano po yun? May ginawa po ba akong bad?" Nangangamba nyang sabi sakin at tinanggal na nya yung twalya na nasa ulo nya
"Are you a gay?" Dahan-dahan kong sabi sakanya
"Hindi po" mabilis syang umiling sakin
"Sabihin mo sana sakin ang totoo, anak" I sighed
Nakatingin lang sya sakin at hindi makapag salita. Napansin ko din ang pamumuo ng mga luha sa mga mata nya
"Opo" tumango sya "I'm sorry po" yumuko sya sakin
"Sorry for what?"
"Dahil bading po ako.." mahina nyang sabi
"Halika ka nga dito" kinuha ko ang kamay nya at kinandong ko siya
"Galit ka po?" Tanong nya sakin
"May dahilan ba para magalit ako?" Tumingin ako sakanya "Anak, kahit ano pa ang kasarian mo, tanggap kita."
"Sila, kuya po.. Hindi po nila ako tanggap.." umiwas sya ng tingin sakin
"Anak, tanggap ka ng mga Kapatid mo okay? Ta-talto na nga lang kayo, Hindi nyo pa su-suportahan ang isa't isa" mahinhin kong sabi
"Edi, makakapunta ka po sa beauty pageant ko?" Tanong nya sakin
"Oo naman" tumango ako sakanya
Mahigpit akong niyakap ni Yvonne, masayang masaya sya dahil tanggap ko kung ano man sya.
Pero sana matanggap din nila na parehong babae ang mga magulang nila...
"Nag kausap na kayo ni Yvonne?" Tanong sakin ni Mae-mae habang nag huhugas na ko ng mga plato
"Oo" marahan akong tumango "Uhm tulog na ba yung mga bata?" Tumingin ako sakanya
"Hindi pa" umiling sya sakin
"Uhm, may mga extra akong damit sa kwarto ko. Iyon muna ang suotin mo, baka mag tagal ka dito dahil may bagyo" sabi ko at ibinalik ko na ang tingin ko sa pag huhugas ng pinggan
Hindi na sya umimik at tahimik syang umalis ng kusina, after ko sa kusina ay pumunta naman ako sa bakery para tignan kung may nababasa ba.
Inakyat ko na din ang mga harina na nasa ibaba at yung mga iba pang gamit na maaring mabaha.
After kong gawin ang mga dapat kong gawin ay umakyat naman ako at pumunta sa kwarto ko, nakita ko naman si Mae-mae na tapos nang maligo.
Tinignan ko lang sya at hindi na pinansin, pumunta ako sa cabinet ko para kumuha ng damit. Umuulan nga pero naiinitan parin ako.
Lumipas ang tatlong araw ay patuloy parin ang pag ulan, andito pa din si Mae-mae sa bahay. Masasabi kong napalapit na sakanya ang mga anak namin, si Jhohann na palaging masungit ay ngayon palagi nang masaya at nasa mood, mas lalo ding naging hyper si Maerey at si Yvonne. Kaya masaya ako, masaya ako na nakikita silang masaya.
"Sabi po ni Mama, yan daw po ang ate namin" napatigil ako sa pag hihiwa ng mga gulay nang marinig ko ang sinabi ni Jhohann, nasa kusina lang din kasi sila at pinapakailaman ang aking photo album
"Ano ang name nya?" Rinig kong tanong ni Mae-mae kay Jhohann
"Hindi po binigyan ni Mama ng name ang ate namin" sabi ni Maerey
"Gusto nga pong hanapin ni Mama ang ate namin, para mag ka sama-sama na po kami. Kaso hindi po alam ni Mama kung saan nya po hahanapin ang ate namin, kaya ayon po. Umaasa nalang po si Mama na mag kita sa takdang panahon" rinig kong pag kwe-kwento ni Yvonne
Gustong gusto kong hanapin ang anak ko...
Pero paano?
Saan ako mag sisimula?
Miss na miss ko na ang first born ko...
Follow me on IG: sulatni_sunny
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...