CHAPTER 7 (TAKECARE)

10 1 0
                                    

"Oh si Charlotte yon, anong ginawa sayo?"

"Nabunggo ako, tapos sya pa yung galit" sabi ko

"Don't mind her nalang okay?" Nilapitan nya ko "By the way pag nagutom ka andyan lang si Ate Pearl" ngumiti sakin si Mae-mae

"Aarte ka na ba?" Tinanong ko sya

"Yes" tumango sya sakin

Sabay kaming lumabas ulit ng tent at pinanood ko sya kung paano ba sya umarte

Wala paring kupas ang galing nya sa pag arte

Ang galing galing nya!

Manang manang sya kay Ma'am Keanna

Habang pinapanood ko si Mae-mae na umarte ay nag ring ang selpon ko kaya naman ay umalis muna ko sa kinatatayuan ko

"Mommy?"

[Ann! Bakit nandyan ka sa Laguna? Sinong nag sabing pumunta ka dyan?] Galit na galit na sabi ni Mommy

Shocks bakit sya nagagalit?

"Mommy, sinamahan ko lang po si Mae-mae yung anak ni Ma'am Keanna" sabi ko

[Wala akong paki alam kung anak ng amo mo yan! Lumayas ka dyan ngayon din!]

"Mommy hindi po pwede okay? Pasensya na po"

[Jhoanna Aubrey Romero] paktay full name na

"But Mommy, mapapagalitan ako ng Amo ko pag iniwan ko si Mae-mae" saad ko

Bakit ba ganon si Mommy?

Bakit ayaw nyang nandito ako sa Laguna?

Pinatay ko na yung tawag dahil naririndi ako sa bunganga ni Mommy

Wala syang pakialam kung nandito ako sa Laguna ngayon

Wait..

Baka kaya taga dito yung Daddy ko kaya pinapauwi ako ni Mommy?

Pero imposible naman

Dahil sabi ni Mamang sakin ay sa ibang bansa nakatira ang Daddy ko

"Ann, mahal na mahal kita" tumingin sya sakin at ngumiti

"Mahal na mahal din kita Mae-mae" ngumiti ako sakanya

"Wow super galing naman ng mag bff" napatingin kaming dalawa ni Mae-mae kay Ate Pearl

Kikiligin na sana ako kaso naalala ko ay nag pra-practice lang pala kami ni Mae-mae ng script nya

Arghh

"Bagay kayo" tinuro kami ni Ate Pearl sabay halakhak

"Eww yuck" tinulak ako ng mahina ni Mae-mae

"Aray masakit ha!" Hinampas ko sya ng hawak kong script

Mae-mae isa pag ako umiyak rito

"Tumayo ka na nga dyan Mae-mae, mag sisimula na ulit yung taping nyo" sabi ni Ate Pearl

Kaya naman ay tumayo na si Mae-mae at nag palit na ng damit.


Napa buntong hininga nalang talaga ako nang lumabas ako ng tent.

Kinakagabihan naman ay sabay kaming kumain ng dinner ni Mae-mae

"Bukas talaga ang uwi mo?" Tanong nya sakin habang kumakain

"Oo" tumango ako sakanya

"Baka naman mamaya ipag papalit mo na ko kay Nadine ah" malungkot na sabi nya

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now