"Baka naman naiinggit sila kay Charlie kaya pinapalayo ka nila" sabi ni Marvin
Andito kami ngayon sa may Garden ng University kasama si Nadine
"Ewan ko ba sakanila" kabit balikat ko
"Ang bait kaya nung Mommy ni Charlie, kaso namatay agad ng Maaga" sabi ni Nadine
Mabait naman pala e
From: Charlie
Let's coffee later?"Sino yan?" Tanong sakin ni Marvin
"Si Charlie, inaaya nya kong mag kape mamaya" tumingin ako sakanilang dalawa
"Ano sasama ka?" Tanong sakin ni Nadine
Tumango ako
"Oh edi go" ngumiti sakin si Marvin
To: Charlie
OkayTo: Charlie
What's time?From: Charlie
Anong oras ba tapos ng last class mo?To: Charlie
4pmFrom: Charlie
Okay, see you later!To: Charlie
See you!Hindi ko sinunod ang mga sinabi ng mga kaibigan ko, pero nag iingat din ako kapag kasama ko si Charlie.
Minsan ay nakikita kong sinusundan ako nila Marvin and Nadine para ma sure nilang safe ako, pero nung una lang dahil nakampante sila nang wala namang ginawang masama sakin si Charlie.
Siguro nga Paranoid lang ang mga kaibigan ko
"So where tayo bukas?" Tanong ko kay Charlie
Andito kami ngayon sa isang Korean Restaurant sa may BGC
"Uhm tagaytay?" Nakangiting sabi ni Charlie
"Sure" tumango ako at ngumiti sakanya
Tuwing After class ay sa BGC ako tumatambay kasama si Charlie, ewan ko ba sa lalaking toh. Parang walang ginagawa sa buhay.
"Bago kita ihatid sa Mansion, daan muna tayo sa Condo" sabi ni Charlie nang makalabas kami sa Restaurant
"Oh sige" pumayag naman ako since malapit lang naman yung Condo nya sa may BGC
Habang nag lalakad kami ay hawak hawak ni Charlie yung bag ko, ganto yung gusto ko e. Parang kaming mag kapatid
"Ann" napatigil kaming dalawa ni Charlie nang makita namin si Mae-mae
Nakasuot sya ng Black Hoodie and Black Pants, naka white na face mask pa sya
"Mae-mae" sabi ni Charlie
"Stay away from her" tinanggal ni Mae-mae ang suot nyang Mask at masamang tinignan si Charlie
"Don't be Jealous" humalakhak si Charlie
"Fuck you!" Madiin na sabi ni Mae-mae
"Hey, Mae-mae. Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Mae-mae
"Let's talk" hinawakan ni Mae-mae ang kamay ko at aalis na dapat kami pero umayaw ako
"Teka lang yung bag ko" sabi ko
Nagulat ako nang padabog na kinuha ni Mae-mae yung bag ko kay Charlie
Hinila ako ni Mae-mae kaya hindi na ko nakapag paalam pa kay Charlie.
"Mae-mae, bitawan mo ko!" Sabi ko at pilit kong inaalis yung kamay ni Mae-mae sa kamay ko
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...