"Ann, hindi ka ba tutulong?" Napatingin ako kay Mae-mae
"Hindi" umiling ako
Kaya nyo naman na ng Riley mo yan e
"Riley ano ba!" Inis na sabi ni Mae-mae
"Ano ba!" Pang gagaya ni Riley kay Mae-mae na mas lalo namang kinainis ni Mae-mae
Napairap nalang ako sa asaran nila
"So corny" bulong ko
"Teka, Riley. Kuhanin ko lang yung bag ko sa kotse" rinig kong paalam ni Mae-mae kay Riley
Nag paalam sya kay Riley tapos sakin hindi?
Ano ako dito bula?
Humarap ako at nakita ko si Riley na inaayos yung mga pagkain
Bakit pa kase sumama pa ko dito!
Sana pala kay Charlie nalang ako sumama!
"Hey, bakit ang rude mo ngayon?" Naramdaman ko ang pag lapit sakin ni Riley
"Pake mo?" Tinarayan ko sya
"I thought mabait ka? So nag sisinungaling si Mae-mae?" Sabi nya
"Mabait ako sa taong gusto ko!"
"Ha? Eh bakit kwento sakin ni Mae-mae, your so kind and helpful" sabi pa nya
Wait?
So kinukwento ako ni Mae-mae sakanya?
"Kinukwento nya ko sayo?" Biglang huminahon ang boses ko
"Yes" Marahan naman syang tumango
Grabe naman si Mae-mae
Kinukwento ako kay Riley?
Grabe
"May gusto ka ba kay Mae-mae?" Deretsa kong tanong sakanya
Nanlaki naman ang mga mata nya dahil sa tanong ko
Hindi din sya agad nakaimik nang tanungin ko sya
"Putangina, so Totoo nga?" Tanong ko
"Of course not!" Umiling sya
"Sure ka?" Naningkit ang mga mata ko sakanya
"I have a Girlfriend, idi*t!" Inis na sabi nya
Ay may gf na?
"Weh?" Paninigurado ko pa
"Here" pikon nyang inilabas ang selpon nya at ipinakita sakin ang lock screen nya
Laking gulat ko nang makita ko ang mukha ni Darlene Angeles
"Gago si Darlene?" Tumingin ako kay Riley "Sikat na sikat yan sa University namin" sabi ko pa
"Yeah, she's pretty right?" Nakita ko ang pag ngiti nya
"Oo, lahat ata ng babae mababading dyan e" saad ko
"So, huwag ka nang mag selos dyan. Hindi ko naman aagawin sayo si Mae-mae" napakunot ang noo ko sa sinabi nya
"H-huh?"
"Halata ka, Ann. You have a feelings kay Mae-mae right?" Tumingin sya sakin
Hindi agad ako nakapag salita sa sinabi nya, paano nya nalaman yon?
"Hi-hindi ah" pag tanggi ko pa
"Huwag mo nang itanggi pa, halata ka." Sabi pa nya
"Oo na oo na!" Irita kong sabi sakanya "Basta huwag mong sasabihin kay Mae-mae! Wala akong balak umamin sakanya" dinuro ko sya
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...