CHAPTER 40 (GOODBYE PHILIPPINES)

4 1 0
                                    

"Wow, ang galing naman!" Masaya kong sabi

"Ako din po, Tita Ann. I got perfect score sa Music!" Binida din sakin ni Ren-ren ang score nya

"Ang gagaling naman ng mga pamangkin ko!" Pareho ko silang niyakap

"Si Rose? Naka perfect ka din ba?" Rinig kong tanong ni Mae-mae

Napatingin naman ako kay Rose na nakaupo sa kabilang side ng couch at may hawak hawak ding papel

Tumayo ako at nilapitan ko si Rose, nakita ko ang test paper nya.

"Wow, ang galing naman! 15 out of 20" ngumiti ako kay Rose

"I'm not good, Aunt. My score is only 15 over 20. It's very low." Malungkot na sabi ni Rose at yumuko

"Rose, ang galing mo na kaya! Kami nga ng Tita Ann mo nung nag aaral kami. Nakaka 1 over 20 lang kami sa mga test e" sabat ni Mae-mae

Grabeng expose yon ah!

"Kaya don't be sad okay? Ginawa mo naman ang best mo, sapat na yon" ngumiti ako kay Rose at niyakap sya

Bumalik na din sa pag lalaro ang tatlong bata kaya ako at si Mae-mae ay nasa kusina para mag luto ng tanghalian

"Kamukhang kamukha mo talaga si Liyan" sabi ni Mae-mae habang nag hihiwa ako ng mga rekado na kakailanganin nya sa pag luluto

"Nakikita ko nga sakanya yung childhood version ko" sabi ko

"What if sya yung anak mo?" Natigilan ako sa pag hihiwa ng sabihin yon ni Mae-mae

What if?

Pero napaka imposible naman....

Ang alam ko ay sa Singapore nakuha ni Louise si Liyan, so napaka imposible na anak ko si Liyan

"Nasa ibang bansa ang anak ko" sabi ko

"Hindi mo ba talaga sya hahanapin?" Tanong sakin ni Mae-mae

"Cookies, gustuhin ko man kaso nangunguna yung galit ko... Tsaka alam kong maayos na yung buhay nya" tumingin ako kay Mae-mae at ngumiti ng tipid

Nang maluto na yung Kare-kare ay pinakain na din namin yung mga bata

"Ano pumayag na sila Tita at Tito?" Tanong ko kay Mae-mae habang inaayos ko na yung mga gamit ko

Sa isang araw na ang flight ko

"Yes!" Masayang humarap sakin si Mae-mae at niyakap ako

"Thank you Lord!" Kinikilig kong sabi

"Hindi ako mahihiwalay sayo, Dutch Mill ko!" Nakangiting sabi ni Mae-mae sakin at hinalikan ako sa noo

Yes!

Thank you Lord!

"Pero paano ang showbiz mo?" Tanong ko sakanya

"Ginawan na ng paraan ni Mommy" ngumiti sakin si Mae-mae

Kaya naman ay dali dali syang umuwi ng Condo nya para mag ayos na din ng mga gamit nya, grabe ang saya ko!

"You're leaving?" Lumapit sakin si Rose

Andito kami ngayon sa bahay nila Jrose para mag karoon ng kaunting salo salo bago kami umalis ni Mae-mae

"Yes, Rose" tumingin ako kay Rose at ngumiti

"But why?" Sumimangot siya

"Kailangan, Rose" mahinahong sabi ko at hinawi ko yung bangs nya

"You're not coming back?" Tanong nya sakin

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now