CHAPTER 56 (THE TRUTH)

11 2 0
                                    

"Jhohann, Yvonne, Maerey, ligpitin nyo nga muna yung kwarto nyo" seryoso kong sabi at humarap sakanila

Agad naman silang sumunod sakin, at naiwang mag isa don si Mae-mae.

"Gusto mo bang ipahanap ko ang anak mo?" Nagulat ako nang sabihin yon ni Mae-mae

"Hu-huwag na" umiling ako sakanya

"Gusto ng mga anak mo na makilala ang ate nila, hindi mo pa din ba tanggap sya? Maraming taon na ang lumipas at patay na din ang tatay nya" sabi ni Mae-mae

"Wala ka nang karapatan na diktahan ang buhay ko" tumalikod ako sakanya at pinag patuloy ko na ang pag hihiwa ng mga gulay

"May karapatan ako, dahil hindi ka naman tuluyang nakipag hiwalay sakin. May tayo pa, Ann." Lah? May kami pa pala? After all? After ng pang iiwan ko sakanya?

"Ano bang pinag sasasabi mo? Wala nang tayo Mae-mae!" Padabog kong binitawan ang kutsilyong hawak ko

"Kung wala nang tayo, bakit suot suot mo parin yang singsing na bigay ko sayo noon? Bakit na kay Yvonne parin ang couple hairclip natin? Bakit na saiyo parin ang mga binigay kong damit sayo? At bakit na sayo parin ang mga picture natin? Kung wala nang tayo Ann, bakit na saiyo parin lahat ng yon?" Shockss nakita nya pala ang mga yon...

"Akala ko ba sawa ka na? Bakit ka nag kakaganyan? Mae-mae naman..." Hindi ko na alam kung ano ba ang mararamdaman ko ngayon

"Ann... Bakit ako mag sasawa sayo? Kahit kelan hindi ako nag sawang mahalin ka... Kaya ko lang nasabi sayo yon noon dahil nasasaktan ako... Nasasaktan ako kase nakakayanan mong ngumiti noon habang ako wasak na wasak..." Nakita kong tumulo na nga ang luha sa mga mata nya, namumula na din ang ilong nya...

"Huwag ka ngang umiyak, makita ka ng mga bata" lumapit ako sakanya at pinunasan ko ang mukha nya gamit ang dalawa kong kamay

"Mahal mo pa ba ako?" Napatitig ako sakanya nang tanungin nya ko

"Tumahan ka na" tumalikod ako sakanya at pilit kong pinapakalma ang sarili ko

"Answer my question, Ann. Mahal mo pa ba ako? O ako nalang ang nag mamahal sating dalawa?" Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pag yakap sakin ni Mae-mae habang nakatalikod ako sakanya

"Mae-mae, makita tayo ng mga bata" sabi ko at tinanggal ko ang mga kamay nya sa bewang ko

"May iba na ba? Hindi na ba ako?" Malungkot nyang sabi

Tangina...

Paano ko ba sasabihin sakanya na sya parin?

After all, sya parin ang hinahanap hanap ng puso ko...

"Bakit iniiwasan mo ang tanong ko? May iba na ba talaga?"

"Walang bago, wala akong iba, ikaw at ikaw lang talaga ang tinitibok ng puso ko... Ikaw lang.. Ang tanga tanga ko nga, dahil kung mahal kita bakit ko nagawang iwan ka noon? Hindi ko alam kung bakit minamahal mo parin ako kahit na ilang beses na kitang iniwan sa tuwing kailangan mo ko.." nilagpasan ko siya para itapon ang mga balat ng gulay

"Kung ganon naman pala, sino ang mga batang inaalagaan mo? Kanino mo silang mga anak?" Tumingin sya sakin at kitang kita ko sa mga mata nya ang pag asa, pag asang sabihin ko na mga anak nya din sila Maerey

Eto na ba ang tamang oras na sabihin ko sakanya ang totoo?

"Mamaya na tayo mag usap please? Baka makita tayo ng mga anak ko" mahinahon kong sabi kahit na pagod na pagod na ang boses ko

"Ann, kailangan ko ng sagot mula sayo.." hinawakan nya ang braso ko

Ang kulit nya..

"Ang hirap ipaliwanag Mae-mae" tumingin ako sakanya

"Anak ko nga ba sila?" Tanong nya ulit sakin

Tumango ako sakanya at hindi umimik

"Tangina... Paano nangyari yon? Naka ilang Pt tayo noon sa France... Paano sila nabuo?" Sunod sunod nyang tanong sakin

"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo okay? Pupuntahan ko muna ang mga bata" ngumiti ako ng tipid sakanya

"Sige, salamat Ann" nagulat ako nang mahigpit nya kong niyakap

Iniwan ko na muna si Mae-mae sa may kusina at tumaas para tignan ang mga anak ko, tutal alam na din naman na ni Mae-mae. Ipapa-alam ko na din sa mga anak ko.

"Mga anak tapos na kayo dyan?" Sabi ko sabay bukas ng pinto at nakita kong naka simangot ang mga mukha nila at masama ang mga tinginan sa isa't isa

"Anong nangyari? Bakit ganyan ang mga mukha nyo?" Tuluyan na nga akong pumasok sa kwarto nila at nilapitan ko agad si Jhohann at si Yvonne

"Maerey?" Tumingin ako kay Maerey na nasa isang sulok na parang iiyak na

"Mama, totoo po ba? Nanay din po namin si Tita Mae-mae?" Tumingin sakin si Jhohann

Shockss, narinig nila ang pag uusap namin?

"Yes, Jhohann" tumango ako at doon na nga tuluyang umiyak si Maerey, si Yvonne naman ay nakasimangot pa din at nakatitig sa may lapag habang nilalaro ang mga daliri nya

"Ma? Paano po? Mga magulang namin parehong babae? Nakaka diri po yung ganon" sabi ni Jhohann na ikinasakit naman ng puso ko

"Nakakadiri"

"Jhohann anak, before kasi ako at si Mae-mae ay mag kaibigan then si Mama nahulog ang loob kay Mae-mae kaya naging kami. We decided na mag karoon na kami ng baby habang nasa france kami, pero naka ilang pt muna kami pero lahat ng yon ay negative ang result. Nag ka conflict sa relasyon namin ni Mae-mae, kaya kailangan kong umuwi ng Pinas noon... Pero nang nasa Pinas ako doon ko napag tanto na buntis pala ako, at kayo ang nasa tummy ko non." Pag papaliwanag ko kay Jhohann

Alam kong bata pa sya para maintindihan nya kung ano man ang meron samin ni Mae-mae, pero gusto kong malaman nya kung ano man ang totoo.

"Ang mga magulang nyo hindi katulad ng ibang mga bata na may Mommy at Daddy sila, kayo naman ay naiiba dahil may dalawa kayong Mommy. Hindi ba't masaya yon?" Ngumiti ako kay Jhohann pero umalis lang sya sa harap ko at humiga sa kama nya

"Jhohann, anak" lumapit ako sakanya

"Mama hayaan nyo po muna si Jhohann" lumapit sakin si Yvonne at niyakap ako

Ngumiti ako ng tipid kay Yvonne, lumabas na din kami ng kwarto at bumaba.

Tumakbo naman agad si Maerey papunta kay Mae-mae at niyakap ito, ganoon din ang ginawa ni Yvonne.

Follow me on IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now