CHAPTER 31 (THEY ARE DATING?)

5 1 0
                                    

"Kase matatag ka, Ann. Kung bakit mo nagagawang kayanin lahat lahat. At tsaka wala silang alam tungkol sayo, kung ano ang totoo sayo. Kase hindi ka naman nila tunay na kilala. Kaya huwag kang pang hinaan ng loob." Mahinahong sabi ni Jrose saakin at niyakap ako

Parang lang syang si Reign... Ganon na ganon si Reign saamin noon....

Sana nga andito nalang si Reign para makilala nya ang dalawa nyang anak kay Jrose...

"Tita Ann, always remember me and Ren-ren always here for you. Don't worry about your bashers, they are bad people po" malambing na sabi ni Rose saakin habang nakayakap ako sakanya

Reign na Reign talaga sya...

Manang mana sya kay Reign....

"Thank you, Rose. Lalaban si Tita Ann for you, and ikaw din sana ay lumaban para mag kasama pa tayo" nakangiting sabi ko

"Of course Tita Ann, mag papagaling po ako para makasama ko po kayo ni Tita Mae-mae at makita po namin nila Mommy na ikasal kayo" tumingin sakin si Rose

Napaka buting bata talaga ni Rose... At ni Ren-ren din naman, pero sakanilang dalawa ay si Rose ang pinaka malambing

Sana humaba pa ang buhay nya, para makita at makasama nya ang Mommy Reign nya...

Hindi din naman nag tagal sa Mansion sila Jrose dahil kailangan ng uminom ng gamot ni Rose kaya umuwi din sila agad

"Girl, okay ka pa ba?" Lumapit sakin si Nadine

"Yeah, I'm okay" tumango ako kay Nadine at ngumiti sakanya ng tipid

"Anong update sainyo ni Mae-mae? Nag reply na ba?" Tanong sakin ni Nadine

"Hi-hindi pa" umiling ako

Naramdaman ko ang pag buntong hininga nya at saka tumalikod sakin, kinuha ko naman ang selpon ko para i-check kung may reply na ba si Mae-mae.

"Still no reply..." Malungkot na sabi ko at itinago ko na yung selpon ko sa bulsa ng short ko

Pumunta na ko sa kusina para tulungan sila Mamang na mag prepare ng Dinner.

Habang tinutulungan ko naman sila Mamang ay nag ring ang selpon ko kaya naman ay lumabas ako ng kusina para sagutin yon

Napangiti naman ako ng makita ko yung pangalan ni Mae-mae

Cookies is Calling.....

"Hi Cookies ko! Kamusta ka?" Iyon agad ang sinabi ko sakanya

[I'm fine] matamlay nyang sabi kaya nawala ang excitement na nararamdaman ko

Before naman hindi sya ganyan...

Pero baka pagod lang

[By the way, uuwi ako ng Mansion]

"Talaga? Sakto nag hahanda na kami ng hapunan!" Masiglang sabi ko

[Kasama ko si Florence, kakausapin ka nya]

"Ha bakit naman? Bakit ako?" Tanong ko sakanya

[Sige na, mamaya nalang. Paalis na kami dito] sabi nya

"Sige, I love you" nagulat ako nang bigla nalang nyang patayin ang tawag

Wala man lang I love you too?

"Baka pagod lang" sabi ko sa sarili ko at bumalik na sa kusina para tulungan ulit sila Mamang.

"Andyan sila Mae-mae, hindi ka man lang ba mag papakita sakanya?" Lumapit sakin si Nadine, andito kasi ako sa may Dirty Kitchen at hinuhugasan ko yung mga pinag lutuan kanina

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now