CHAPTER 64 (MAE-MAE)

3 1 0
                                    

Mae-mae's POV

Mae-mae's POV

"Mommy please? Pag aralin nyo po si Ann, sa school ko"

"Why anak? Ano ang reason mo?" Humarap sakin si Mommy ganon din si Daddy

"I want her not to feel that she is alone" sabi ko

"Mahal ang tuition mo, Mae-mae" sabi ni Daddy

"Please Daddy, Mommy" pag mama kaawa ko sakanila

Gustong gusto kong makasama si Ann araw araw, gusto kong protektahan sya

"Anak, may public school naman. Doon nalang namin pag aaralin si Ann" saad ni Mommy

"Edi ako nalang po ang lilipat, para mag kasama po kami ni Ann" sabi ko

"Mae-mae hindi pwede" sabi ni Daddy, sumulyap naman ako sakanya

Hays, ano ba ang pwede kong gawin para makapag aral din si Ann sa school ko?

Ah! Alam ko na!

"Papasok po ako bilang artista" sabi ko sa parents ko, napahinto naman sila sa pag lalakad at humarap sakin

"I thought ayaw mo?" Sabi ni Mommy

"Mag a-artista na po ako, basta pag aralin nyo po si Ann sa school ko" ngumiti ako sakanila

"Mae-mae naman" lumapit sakin si Mommy

"Please Mommy, gusto ko din pong maging friends nya ang mga friends ko" mahinhin na sabi ko

Wala ng nagawa ang parents ko at pumayag sila sa gusto ko! Kaya wala na silang magagawa pa. Dahil nag iisang unica ija lang nila ko.

"Jrose, she's kind kaya, and she's beautiful too" sabi ko habang katawagan ang pinsan ko

[So you have a crush on her?] Hindi ako naka imik agad sa sinabi ni Jrose

"Hindi ah, pag kaibigan, kaibigan lang dapat" sambit ko

Do I really have a crush on Ann?

I think wala naman

Bff kami e

Ngunit nag kamali ako, tuluyan nga akong nahulog kay Ann na dapat ay kaibigan lang talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko, nakita at nasaksihan ko ang mga pinag daanan ng mga kaibigan ko nung nag karoon sila ng relasyon sa isang babae.

Ayoko namang saktan si Ann, ng sobra. Sabi nga nila when you choose love, dapat tapat kase kung mahal mo bakit mo sasaktan?

"Puro na Ann ang bukambibig mo" pag re-reklamo ni Riley sakin

"Eh ikaw nga puro si Darlene, nag reklamo ba ko? Diba hindi?" Bulyaw ko sakanya

Tapos na ang eksena namin kaya nasa tent na kami, isang buwan ko na din syang hindi nakikita.

Kaya miss na miss ko na si Ann

"So kelan ka bibisitahin ni bestfriend?" Tanong sakin ni Riley andito kami ngayon sa may falls nakatambay

Pano napaka init at deserve naman naming mag palamig noh

"Ewan ko ba, nalulungkot na nga ako kase hindi ko pa sya nakikita" malungkot na sabi ko habang nilalaro ko ang tubig

"Baka naman busy" sabi ni Riley "Mabuti nalang yung akin, hindi busy" Aba! Nang inggit pa nga

"Ewan ko sayo!" Humalakhak ako sakanya

"Kawawa ka naman" pang aasar nya sakin

"Kayo nga walang label" inirapan ko sya

"Kayo din naman" kantyaw nya sakin at binasa ako kaya naman ay gumanti ako sakanya

Masaya maging kaibigan si Riley, parang nag kakaroon ako ng kuya pag kasama sya.

Mas lalong sumaya ang puso ko ng makita kong andito si Ann! Yes! Binisita ako ng crush ko!

Pero napapansin ko na parang iritable sya kay Riley, ang dami nya ding tanong sakin.

Kung baliko daw ba ko o hindi

"So tired" umupo ako sa isang tabi at kinuha ko yung tumbler ko kay Ate pearl

Buong mag hapon kami na puro shoot lang ang ginawa kaya napapagod na ko

"Bro, may jowa na pala si Ann?" Lumapit sakin si Riley na pawis na pawis na din

"Jowa? Wala ah" umiling ako

Wala namang na kwe-kwento si Ann sakin...

"Kwento sakin ni Darlene, parang may something daw kila Charlie at Ann. Pano lagi nilang nakikita na kumakain sa labas after class" pag kwe-kwento ni Riley habang pinupunasan ang mukha nya

Hmm... Posible kayang bf yon ni Ann?

Kung Bf nga yon ni Ann paano na ko?

"Hays, diba gusto mo sya?" Sumulyap sya sakin

Tumango naman ako

"Gusto ka din nya e, pero bakit ganon? Bakit may iba na sya?" Nag tataka nitong sabi

"Gu-gusto din ako ni Ann?" Tanong ko kay Riley

"Oo" He nodded "Nung nag picnic tayong tatlo, doon ko sya pina amin" ngumiti sya sakin

So may pag asa pala ko? Bakit ganon?

Bakit may bf na sya?

Bakit hindi nya sinabi ang nararamdaman nya sakin?

Bakit?...

Pumunta ako sa university ni Ann para sunduin sya, pero sabi sakin ni Madeline ay nakita nyang sumama sya kay Charlie.

Masama talaga ang kutob ko sa Charlie na yon! Kaya hindi ako komportable na mag kasama sila ni Ann!

Nakaramdam ako ng inis at galit ng makita ko si Ann at Charlie na mag kasama at dala dala pa ni Charlie ang bag ni Ann.

Hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa kong sabihin ang nararamdaman ko para kay Ann. Hindi ko alam kung anong meron sakanila ni Charlie.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Shella, nag confess na ko kay Ann" sabi ko, katawagan ko ngayon si Shella and Maidy si Riley wala busy kaya hindi sya kasama sa group voice call namin ngayon

[So gusto ka din ni Ann?] Tanong sakin ni Maidy

"Hindi" napa iling ako at umupo sa kama ko kanina pa ko hindi mapakali

[What is your plan?] Tanong sakin ni Shella

"I don't know, basta ang alam ko lang ay mahal ko sya"

[Ganto nalang, dalhin mo sya sa isang restaurant sa Cavite maganda ang ambience don. For sure matutuwa si Ann] sabi ni Maidy

[Oo nga noh? Doon kami nag ka kilala ng bf ko, malay mo doon ka din nya sagutin] saad ni Shella

Pwede pwede, tutal wala naman akong shoot bukas. Kaso papayag ba si Ann sa gusto ko? Ang tagal ko ding hinintay ang pag kakataong toh. Ayoko ng masayang pa.

Hindi din ako makatulog baka iwasan ako ni Ann, bakit kasi nag confess ako sakanya? Ang tanga tanga ko talaga! Naiinis na ko sa sarili ko! 

"Riley huwag ka, kami na ni Ann ngayon" pag mamayabang ko kay Riley

After ng 2 days naming pahinga ay balik taping na ulit kami

"Ay weh talaga? So hindi totoo ang chismis sa kanila ni Charlie?" Tumingin sakin si Riley

"Yes" masaya akong tumango sakanya

"Shala, na crush back ng crush nya" binunggo nya ko at nakangisi sakin

"I'm so happy! Oh my god!" Pag tili ko

"Nakaka rindi naman ng bunganga mo! Nakaka inis!" Tinulak nya ko pero mahina lang naman

Grabe talaga ang emotion ni Riley, napaka moody

Can't believe na magiging jowa ko si Ann, Wala pang may alam sa relasyon namin kundi kaming dalawa palang at si Riley.

FOLLOW ME ON IG: SULATNI_SUNNY

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now