CHAPTER 50 (TRIPLET'S)

2 1 0
                                    

Umalis saglit si Mommy dahil may pupuntahan daw sya, and sakto naman at free ang mga kaibigan ko ngayon.

"Pwede ko naman kayong sendan ng mga picture ng anak ko" tumingin ako sakanila

"Basta alagaan mo ang sarili mo don, wala kami don para alalahanan ka" Lumapit sakin si Madeline at niyakap ako

"Tsaka ninang pa din ako ah? huwag mong kakalimutan ang pangalan ko" sabi ni Aerish

"Opo" sabi ko

"Ako din dapat ninang" bulyaw ni Madeline

"Oo na, huwag ka nang maingay!" inis na sabi ko

Dito nag si tulog ang mga kaibigan ko dahil bukas na bukas ay aalis na ko. Sayang lang dahil hindi ko pa maabutan ang pag uwi ni Reign, next year.

"You are going to be a mother" napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Aerish at si Louise

"Bakit hindi pa kayo natutulog?" tanong ko sakanila

"Ina-atake na naman ako ng Insomia ko" sabi ni Aerish at ngumiti sakin

"Tumawag sakin si Ate Siana, at hinahanap daw ako ni Liyan" sabi ni Louise

"Nakausap nyo na ba si Mae-mae?" humarap ako sakanilang dalawa

"Sabi ng friend ni Marie, nasa maayos na lugar si Mae-mae. Natanggap sya sa isang kompanya dun sa may Paris" pag kwe-kwento ni Aerish

"Mabuti naman" sabi ko

I'm so proud of her

"Anak, ayos na ba yang gamit mo?" tanong sakin ni Mommy

"Opo, Ma" tumango ako kay Mommy

"Aalis na naman, ang Ann namin" malungkot na sabi ni Marie

"Sana sa pag babalik mo, ayos na kayo ni Mae-mae" ngumiti ng tipid sakin si Jrose

"Text ka lang samin, pag may naging problema sa pag bu-buntis mo" sabi ni Louise at niyakap ako

"Sayang, hindi mo ma aabutan ang pag uwi ni Reign" malungkot na sabi ni Madeline at niyakap din ako

"Mag iingat ka don ah? Mamimiss ka namin" sabi ni Aerish at nakita ko syang ngumiti

"Don't worry dadalawin kita don, pag may free time ako" lumapit sakin si Marie at niyakap ako ng mahigpit

"Huwag na, sayang lang sa gasolina" sabi ko sakanya

Maluha luha ako nang mag paalam na sakanila, iiwan ko na naman sila...

Lalo na sa mga bata, hindi ko na naman sila makikita...

"Babalik ka pa naman ng Manila pag malaki na ang anak mo" sabi ni Mommy habang naka sandal ang ulo ko sa balikat nya

Namimiss ko na agad sila, tulad ng sabi ni Jrose sana sa pag babalik ko ay ayos na kami ni Mae-mae.

Halos anim na oras ang naging byahe namin dahil sobrang traffic. Hininto ang sasakyan sa isang bahayna gawa sa kahoy, medyo malaki yung bahay. May second floor, at nakita kong nasa labas yung cr pati na din yung kusina.

"Pag katapos mong ayusin ang mga gamit mo, mag palit ka ng sim" sabi ni Mommy, may inabot sya sakin na isang sim card

Bakit naman kaya?

May pinag tataguan ba si Mommy?

"Kelan ka po pala babalik ng ibang bansa?" tanong ko kay Mommy

"Next year siguro, pag naka panganak ka na" tumingin sakin si Mommy at ngumiti

May dalawang kwarto sa taas, at medyo maliit ang dalawang kwarto. Medyo may kalumaan din ang bahay na toh.

"Mommy, kanino po ba ang bahay na toh?" tanong ko kay Mommy at inilagay ko sa cabinet ang mga damit ko

"Sa Daddy Alfred mo, dito sya lumaki" sabi ni Mommy habang nag pupunas sya ng binatana

Naging maayos naman ang paninirahan namin ni Mommy dito sa may Apayao, minsan ay binibisita ako dito nila Louise at Marie pag may free time sila.

"Wow" nag taka ako sa reaksyon ng Doctor habang tinitignan nya ang tyan ko sa monitoring nya

"Bakit po doc?"

"Congrats Ms. Romero, you have a triplet's baby in your tummy" nakangiting sabi ng doctor sakin

Grabe, triplet's?

"Kaya mas kailangan mong mag ingat, and kumain ka ng mga healthy food" sabi ng doctor

Shockss, tatlong bata ang nasa sinapupunan ko...

Umuwi na din agad ako, habang hawak hawak ang malaki kong tiyan. Kaya pala sobrang laki ng tiyan ko dahil tatlong bata pala ang dala dala ko.

"Oh anak, kamusta ang apo ko?" tanong sakin ni Mommy, na kakatapos lang na mag sampay

"Mommy, okay lang po sila. And lalaki po ang gender ng apo nyo" tumingin ako kay Mommy

Napatalon siya sa saya nang sabihin ko na lalaki ang magiging apo nya...

Binigay ko kay Mommy yung resulta ng ultrasound ko, kinakabahan ako baka magalit sya pag nalaman nyang triplet's ang magiging apo nya.

"Tatlo agad ang apo ko! Thank you, Lord!" masayang sabi ni Mommy

Sa sobrang saya nya ay lumabas sya ng bahay at pinag sigawan na triplets ang magiging apo nya sakin

"Triplet's ang apo ko! Mainggit kayo!" sigaw ni Mommy

Napa iling nalang ako at sinend ko yung picture ng ultrasound ko sa mga kaibigan ko. Nagulat naman ako nang tumawag sila sa gc na wala si Mae-mae.

[Hoy babaita ka, buntis ka pala] sabi ni Reign

[Grabe si Mae-mae, naka tatlo agad!] nakangising sabi ni Madeline

[Nasa lahi na talaga nila Mae-mae yan...] sabi ni Jrose

Andito pala ang babaitang toh, mabuti nalang hindi awkward huh?

[Gusto kong pumunta, kaso wala akong time] naka simangot na sabi ni Marie

[Ako din, sobrang busy ng schedule ko ngayon] sabi ni Aerish

"May next time pa naman" umupo ako sa kama

[Ano pala gender nila?] tanong sakin ni Louise

"Boy" napapikit ako nang mag tilian silang lahat

[Finally, may boys babies na din sa tropa!] kinikilig na sabi ni Marie

[Can't wait to see them!] excited na sabi ni Louise

Napaka Genuine ng mga reaksyon nila, lalo na si Reign na sabik na sabik sa mga bata.

Masaya ako nang malaman kong triplet's ang mga anak ko, pero mahirap din. Naging komplikado ang naging lagay ko, sabi ng doctor maaari akong mamatay kung di ko kakayanin ang panganganak ko. Ilang beses din akong na ospital dahil bumababa ang dugo ko, lalo na nung nanganak ako mas lalong bumaba ang dugo ko.

Follow me on IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now