CHAPTER 46 (DON'T LEAVE)

7 1 0
                                    

"Bakit ba kase ganyan ka? Hindi mo na ba talaga ako mahal?" My voice broke

"Mahal kita. Putangina mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na. Mahal kita kahit durog na durog na ko. Mahal kita kahit hinang hina nako. Mahal kita kahit hirap na hirap nako. Mahal kita kahit ubos na ubos nako. Mahal na mahal kita kahit pagod nako. Mahal na mahal kita kahit natatakot nako. Mahal na mahal kita kahit wala ng natira sakin. Mahal kita kahit ang hirap na. Mahal kita kahit diko na kayang tiisin. Mahal kita tanginaa. Mahal na mahal na mahal na mahal kita....." Sabi nya habang nakikita kong patuloy na tumutulo ang luha sa mukha nya

"Then If you love me, why are you like this? Why are you different?" Tanong ko sakanya

"Kase nahihiya ako sayo... Ikaw may permanenteng trabaho ako wala" umiwas sya ng tingin

"Diba nag ta-trabaho ka sa isang company?"

"Lahat ng yon palabas ko lang. Wala talagang tumanggap sakin, kaya ginawa ko sinubukan kong ibenta ang mga design na ginawa ko at naibenta ko naman" pag kwe-kwento nya

"Mae-mae matagal ko naman nang sinasabi sayo diba? Umuwi ka ng Pinas, dahil nandon talaga ang career mo" tangina hindi ko alam na ganon pala ang pinag dadaanan nya

"Andon nga ang career ko, wala naman ang taong mahal ko..."

"Tangina naman, Mae-mae. Sa pinapalabas mo, wala kang tiwala sakin... Hindi naman ako manlalake dito" sabi ko sakanya at hindi sya makatingin sakin

"Ngayon alam mo na? Okay na?" Sabi nya

"Umuwi ka ng Pinas, ikaw ang mag asikaso ng Company nyo"

"Ayoko...." Umiling sya

"Mae-mae naman, huwag puro ako! Alalahanin mo naman ang sarili mo" lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang mag kabilang balikat nya

"Ano ba Ann! Sabi kong ayoko e!" Sumigaw sya, sinigawan nya ko

"Kung ayaw mong umuwi ng Pinas, ako ang uuwi. Mag break na tayo, itigil na natin toh!" Irita kong sabi at pumasok ako sa kwarto

Ni lock ko ang pinto ng kwarto ko at umiyak...

Kaya ko bang iwan si Mae-mae na mag isa dito?

Kaya ba nya na mag isa?

"Ann, buksan mo toh. Mag usap tayo" rinig kong kumatok si Mae-mae sa kwarto namin kaya naman ay pinag buksan ko na sya ng Pinto

"Please don't leave me again..." Niyakap nya ko ng mahigpit

"Let's break up, ayoko na" matamlay kong sabi

"Ann naman... Ayokong mawala ka...." She said

"Ayaw mo palang mawala ako, bakit nag sinungaling ka? Hindi ka lang nag sinungaling, nag sekreto ka din sakin" madiin na sabi ko sakanya

"Please don't leave... Please" pag mamakaawa nya sakin

"I'm sorry, pero buo na ang desisyon ko" sabi ko at tumalikod na sakanya

Naramdaman ko naman ang mga kamay nya sa bewang ko

"Ngayon pa ba, Dutch Mill ko? Ngayon pa? Kung kelang pitong taon na tayo?..."

"Mag iimpake na ko" saad ko at tinanggal ko yung dalawang kamay nya sa bewang ko

Kinuha ko sa kabilang kwarto ang dalawang maleta ko at inayos ko na nga yung mga gamit ko.

Tahimik lang na umiiyak si Mae-mae habang nag aayos ako ng gamit ko, ang sakit, ang sakit sakit na nakikita syang ganon..

Pero wala akong magagawa... Eto lang ang tanging paraan....

"Dutch Mill ko...." Niyakap nya ko pero hindi ko sya pinansin at patuloy lang ako sa pag aayos ng mga gamit ko

"Please... Don't leave me.... Nag mamakaawa ako sayo, Ann.... Huwag mo kong iiwan" pag mamakaawa nya sakin at nararamdaman ko din ang pag tulo ng luha nya sa damit ko

"Hindi ka kasi sumunod sa usapan natin, edi sana hindi tayo hahantong sa ganito" itigil ko ang pag aayos ng gamit ko at humarap ako sakanya "At tsaka nag iba na din ang trato mo sakin simula noong hindi nag success ang IVF natin"

"Naging ganon naman ako dahil natatakot akong iwan mo ko... Pag nalaman mo na hindi talaga ako natanggap sa trabaho... Kaya ko gustong mag ka anak tayo para masigurado ko na hindi mo ko iiwan..." Nagulat ako sa mga sinabi nya sakin ngayon

Tangina....

Ginamit nya ang magiging anak namin para hindi ko sya iwan?

"Bakit ba kasi ayaw mong umuwi ng Pinas?" Tanong ko sakanya

"Dahil ayokong mawalay sayo... Dahil mahal na mahal kita, Ann... Mahal kita" sabi nya at niyakap ako

"Tangina, hindi na toh ang pag mamahal. Mae-mae!" Tinulak ko sya at napaupo naman sya sa may kama

"I'm sorry" nakita ko syang yumuko

"Huwag naman puro ako ang alalahanin mo... Alalahanin mo din ang pamilya mo, ang sarili mo" sabi ko sakanya

"Paano ka?"

"Okay ako, Mae-mae! Kaya ko ang sarili ko!" Napalakas ang boses ko "Kung gusto mo kong makasama umuwi ka ng Pinas" sumeryoso ang tono ko

"Ayoko..." At muli na naman syang umiling

"Bakit ba? Bakit ayaw mo? Hindi kita maintindihan, Mae-mae...."

"Ma-madami akong utang sa Pinas... Kay Louise, Kay Aerish, Kay Marie... Sa manager ko... Sa PA ko... At kay Riley..." Dahan dahan nyang sabi at pinunasan nya ang mukha nya

"Mae-maen naman... Bakit kailangan mong umutang? Bakit?" Tanong ko sakanya

"Dahil ayokong maging pabigat sayo... Kaya umutang ako sakanila... Na scam din ako ng isang tao, akala ko babayaran nya ko ng malaki pero wala e.... Tinakbuhan nya lang ako" pag kwe-kwento nya

"Mae-mae kahit kelan hindi ka naging pabigat sakin, kung hindi mo ko kayang hatian sa mga bayarin dito sa Apartment, ayos lang sakin. Walang kaso yon, sana nag sabi ka agad...." Humikbi ako

"I'm sorry, napangunahan lang ako ng takot.." yumuko sya

"Tama siguro ang desisyon ko? Mag break na tayo, i prioritize mo ang pangarap mo bago ako. At tsaka ako na ang mag babayad ng mga utang mo sa pinas" tumingin ako sakanya

"Talagang iiwan mo ko?" Her voice brokes

"Kung yun lang ang paraan para bigyan mo ng pansin ang pangarap mo, bakit hindi?" Sabi ko

"Nangyan, gusto pa kitang mahalin e" she sighed at hindi makatingin sakin

Follow me on IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now