CHAPTER 52 (SEE HER AGAIN)

1 1 0
                                    

"Huwag na, sagutan nyo nalang ang mga assignment nyo" sabi ko at ngumiti sakanila

"Tapos na po kami" sabi ni Yvonne at kinuha na nya yung mga tray na ginamit ko kanina

"Sure kayo ha" sabi ko at bumalik na ko sa pag huhugas ng mga hugasin ko

Sinara na ni Maerey ang bakery at nag walis na din sya sa may labas para bukas daw ay wala na kong gagawin.

"Bukas pala hindi ko kayo masusundo, dahil may raket ang Mama sa bayan" sabi ko sakanila at inilapag ko na sa lamesa yung niluto kong tinola

"Bakit po, Mama? Saan po ang punta nyo?" Tanong sakin ni Maerey

"Sa bayan, dahil may event daw bukas ang Mayor" sabi ko at umupo na ko sa tabi ni Jhohann

"Sama po ako, Mama" sabi ni Jhohann

"Ako din po!" Tinaas naman ni Yvonne yung isa nyang kamay at ngumiti sakin

"May mga pasok kayo, bawal kayong umabsent" sabi ko sakanila

"Please, Mama?" Pag papa cute ni Maerey sakin at ginaya na nga sya ni Jhohann at ni Yvonne

Alam na alam talaga nila kung paano nila ko mapapayag. Minsan lang naman silang humiling sakin kaya pag bibigyan ko na.

"Okay, pero ipapasundo ko nalang kayo sa Tita Nelaiza nyo" ngumiti ako sakanila

"Yehey!" Masayang sabi ni Jhohann

"Yes! Makakagala din!" Sabi ni Yvonne na masayang masaya

Kaya kinabukasan ay maaga silang nagising para tulungan ako sa mga cupcake na dadalhin ko sa may event.

Andito din ngayon si Nelaiza at si JM para tulungan din kami.

"Ipapasundo ko nalang kayo ha? Yvonne huwag na huwag mo na ulit gagawin ang bagay na yon okay?" Sabi ko sakanila dahil andito na kami sa school para ihatid sila

"Yes, Mama" tumango sakin si Yvonne at niyakap ako

"Bye, Mama. Ingat po" lumapit na sakin si Maerey ganon din si Jhohann

Umalis na din kami sa School nila dahil kailangan naming maaga dun sa may venue, pano 12pm daw kasi start ng event kaya pinag mamadali ako ni Nelaiza.

Pagdating namin sa venue ay nag ayos na kami, at tinulungan naman ako ni JM sa pag aayos. Si Nelaiza naman kasi ay pumunta na sakanyang trabaho.

"Mag pares tayo mamaya ah" nakangising sabi ni JM habang inaayos nya yung table cloth

"Oo na!" tumingin ako sakanya

Nag plating na din ako ng ibang slices ng cake, iyun kasi ang pinaka request ni Mayor.

"Galing naman" pang e-epal sakin ni JM

"Heh! Gumawa ka na nga lang dyan!" sinamaan ko siya ng tingin

Habang gumagawa ako ay may isang babae ang lumapit sakin. Pinapapunta ako sa may Office ng Mayor, dahil gusto daw akong kausapin ng bisita ni Mayor.

Kinakabahan akong pumasok ng office, ewan ko ba. Baka hindi lang ako sanay.

"le pain est très bon. ainsi que ces cookies"

Napa hinto ako ng makita ko yung babaeng minahal ko mula noon hanggang ngayon.

Napaka successful na nya ngayon, dahil puro mamahalin ang suot suot nya ngayon.

"Miss, Janna. She is the one who made the breads that you will taste" lumapit sakin si Mayor at pinakilala ako kay Mae-mae

No need na po Mayor, matagal na po kaming mag ka kilala nyan.

"Magandang araw po" pag bati ko sakanya

Aba! Hindi man lang nya ko pinansin? At umiwas lang sya ng tingin?

Pero infairness, naabot na nya ang pangarap naya noon. I'm so proud of her, kahit na iniwan ko sya noon.

"Ang tagal mo, andyan na ang mga anak mo" lumapit sakin si JM at iginala ko naman ang tingin ko para makita ko kung nasan ba ang mga anak ko

"Napa kwento pa kasi ako sa mga konsehal" tumingin ako kay JM

"Nga pala babalik ako sa bakery mo, para kunin pa yung mga natitirang mga cupcakes" paalam sakin ni JM kaya naman ay tumango ako sakanya

Napa wang ang labi ko ng makita ko si Yvonne na kausap si Mae-mae

Grabe ang taranta ko, kaya nilapitan ko agad si Yvonne

"A-anak" nanlambot ang tuhod ko nang nilapitan ko si Yvonne

"Mama!" sabi ni Yvonne at niyakap ako

"Your, son?" napatingin naman ako kay Mae-mae nang tanungin nya ko

Hindi ko alam kung sasagot ba ko o hindi? Dahil obvious naman na anak ko si yvonne. Mama nga ang tawag sakin eh.

"Mama, kilala mo po sya?" tanong sakin ng anak ko

"No, anak" umiling ako habang nakatingin ako kay Mae-mae

Tangina, wala pa ring bago. Mahal na mahal ko pa din sya

Inaya ko na si Yvonne na bumalik na kami sa may sweet corner, baka kung ano pa ang masabi ni Yvonne kay Mae-mae. Malaman pa nyang anak nya si Yvonne.

"Mama, when I grow up. I want to be like, Ms. Janna po" nakangiting sabi ni Yvonne sakin

"Sus, nagandahan ka lang kay Ms. Janna e" rinig kong sabi ni Maerey

"Who's Ms. Janna?" Tanong ni Jhohann sa dalawa nyang kapatid

Mukhang interesado ang mga anak ko sa nanay nila...

"Kaibigan yata ni Mama yon, parang nakita ko sya sa mga photo album ni Mama noon" sabi ni Maerey habang may iniinom na Dutch Mill...

"Saan ka kumuha nyan?" Tanong ko sa anak ko, dahil wala naman kaming dalang Dutch Mill

"Bigay po ni Ms. Janna." Ngumiti sakin si Maerey

"Actually, Ma. Kaming tatlo po binigyan ni Ms. Janna ng Dutch Mill and cookies" pag kwe-kwento ni Yvonne sakin

Ay talaga ba?

Hindi ako makapaniwala na bibigyan nya ang mga anak nya..

Parang dati lang ako lang ang binibigyan nya pero ang mga anak na nya

"Mga anak, pwede bang huwag kayong masyadong lumapit sakanya?" Sabi ko sa tatlong mga anak ko

"Bakit po Mama?" Tanong sakin ni Maerey

Hays, paano ko ba ipapaliwanag sakanila?

"She's kind naman po, Mama" sabi ni Jhohann

"She's my Idol!" Hagikgik ni Yvonne habang umiinom ng Dutch Mill

"Hindi nyo pa kase sya masyadong kilala. Baka mapahamak kayo, kawawa naman si Mama" pag papaliwanag ko sakanila

Dahil nangangamba ako na malaman talaga ni Mae-mae ang totoo, baka kuhanin nya sakin ang mga anak ko. Ayokong, mawala'y sakanila...

Follow me on IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now