Nag stay ilang oras sila Marie dito sa Condo ko para makapag bonding, mga walang alaga ngayon eh.
Lumipas ang ilang linggo, na hindi nag re-replay sakin si Mae-mae sa mga text ko sakanya.
Miss na miss ko na ang Cookies ko....
Binayaran ko na din ang mga utang ni Mae-mae sa mga kaibigan namin, pati na din kay Riley, sa Manager nya at kay ate Pearl
Halos lahat ng ipon ko ay don napunta pero okay lang naman, para makatulong na din ako sakanya.
"Hello po, Mommy?" lumabas ako ng kwarto ko nang tumatawag si Mommy sakin
Kakagising ko lang kaya medyo nanlalata pa ko
[Ano tong nabalitaan ko sa kaibigan ko?! Nag resign ka?] bulyaw sakin ni Mommy
Shockss nalaman na nya....
"Mommy... Nag karoon lang po ng problema..." sabi ko
[Bakit ka ba kasi nag resign ha? Dahil ba sa babaeng yon?] galit na galit nyang sabi
Ngayon na nga lang sya tatawag ganto pa...
Pero nung nasa France ako ni kamusta ay hindi sya tumatawag sakin...
Kung kilala ko lang ba ang Tatay ko ganto din ba kaya sya sakin?
Parang din ba sya si Mommy?
[Ano? Bakit di ka makapag salita? sayang ang isang taon! At pinahiya mo pa ko sa kaibigan ko!] medyo nilayo ko ang selpon ko sa tenga ko dahil masyadong masakit sa tenga
"Nag break na po kami ni Mae-mae, kaya po ako umuwi ng Pinas" sabi ko at humiga ako sa may sofa
[Sabi na! Nang dahil na naman sa babaitang yon! Susko naman Ann!]
Hindi na ko nag salita at hinayaan ko nalang sya na mag salita. Nakakapagod na ding ipaliwanag ang side ko..
Nakakapagod na...
"Wala pa ding replay?" tanong sakin ni Nadine at umupo sa tabi ko. May hawak hawak syang isang can ng softdrinks
Andito kami ngayon sa may park, kakatapos ko lang na mag trabaho sa isang bakery. Mahigpit isang buwan na din akong walang balita kay Mae-mae. Ano na kaya ang nangyayari sakanya?
"Wala pa" umiling ako at nilagay ko ang selpon ko sa bulsa ng short ko
"Bakit di mo sya balikan sa France?" tumingin sakin si Nadine at tinungga na nga yung iniinom nyang softdrinks
"Hindi ko na nga alam kung nasa Apartment pa sya. Baka mamaya ay umalis na sya, sayang naman ang punta ko" mahinahong sabi ko kay Nadine at tumingin ako sa langit
"Hay nako, ang hirap nyan" sabi ni Nadine
"Sobra" sabi ko
Pag katapos naming mag kwentuhan ni Nadine ay umuwi na ko sa Condo ko, at naabutan ko naman don si Liyan na nakaupo sa may Couch
Grabe ang laki na ng tinangkad nya ngayon...
"Tita!" Nag mamadali syang tumayo at niyakap ako
"I miss you!" Niyakap ko sya ng mahigpit
"I miss you too, Tita!" Nakangiting sabi nya sakin
Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko si Louise at si Madeline na may dala dalang pagkain
May susi kasi sila ng Condo ko, dahil nung nasa France pa ko ay sila yung tumitingin sa Condo ko, minsan naman ay nililinis nila.
"Asan ang mag ama mo?" Tanong ko kay Madeline
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...