"Mag pahinga ka muna, masama sa buntis ang mapagod" sabi ni Marie kaya naman ay sumunod ako
Pumasok ako sa Guest room at doon ako humiga, pero imbis na mag pahinga ako ay nakatunganga lang ako at hinihimas ko yung tyan ko.
"Deserve ko ba toh? Deserve ba kita anak?" Sabi ko at tumingin sa tyan ko
Tangina
Hindi ako makapaniwala
Kasalanan talaga toh ni Charlie!
"Oh kumain ka na, pinag luto kita ng menudo" sabi ni Marie at inilapag sa gilid ko yung tinimpla nyang gatas
"Salamat, Marie" tumingin ako sakanya at ngumiti ako
Ngumiti naman sya sakin at nakita kong lumabas sya ng Condo
Habang kumakain ako ay nakita ko ang kutsilyo sa may kabila ng dulo ng lamesa, nag dadalawang isip pa kong kunin yon pero kinuha ko talaga yung kutsilyo.
"Kailangan kang mawala Anak, hindi mo deserve maging tatay si Charlie. Hindi mo din ako deserve maging nanay.." sabi ko habang tinutok ko yung kutsilyo sa tyan ko
Nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo nang marinig ko ang boses ni Marie...
"Ann, ano ba! Sabing huwag na huwag mong gagawin yon!" Umiiyak na sabi ni Marie sakin habang yakap nya ako
"Marie naman kase! Hindi mo ko naiintindihan! Ayoko sa batang toh!" Sigaw ko
"Alam ko, Ann. Pero buhay ng isang tao yan... Hindi pa nga nakikita ng anak mo yung mundo papatayin mo agad" sabi ni Marie
"Anak ko? Hindi ko toh anak! Wala akong anak na ang tatay ay rapist!" Nagagalit kong sabi at pinag susuntok ko ang tyan ko
"Ann, tama na!" Sigaw ni Marie at hinawakan ang dalawang kamay ko "Maawa ka sa anak mo...."
"Maawa? Bakit naawa ba ang tatay nya sakin? Naawa ba? Diba hindi!" Bulyaw ko
"Tama na.. hindi deserve ng anak mo na mawala agad" niyakap ako ni Marie
Hindi na nga umalis sa tabi ko si Marie simula nung nangyari na muntik ko nang patayin ang anak ko.
"Ano ang balak mo ngayon, Ann? Tatlong buwan ka nang buntis" tumabi sakin si Marie
"Hindi ko alam" kabit balikat ko "Hindi pa ko nakikipag kita kay Mae-mae" I sighed
"Pwede mong ipa ampon ang bata, kung ayaw mong buhayin" sabi ni Marie
"Iyun din ang nasa isip ko pero paano ko itatago ang pag bubuntis ko?" Tumingin ako kay Marie
"May Rest House kami sa Cebu, pwede ka don mag stay. Pero sino ang kasama mo?"
"Si Nadine lang naman ang naiisip ko" ngumiti ako ng tipid kay Marie
"Sige, ipapa ayos ko yung Rest house namin" ngumiti sakin si Marie
Napaka swerte ko talaga dahil andyan si Marie sa tabi ko, hindi nya ko iniiwan.
"Anak ano ba ang meron bakit ka nag ayang lumabas?" Tanong sakin ni Mommy habang nag lalakad kami dito sa Mall
Kaming Tatlo lang nila Mommy ang lumabas dahil si Tito Alfred ay bumalik sa ibang bansa para sa business nya.
"Mommy gusto ko lang po kayo maka bonding ni Mamang" sabi ko
"Ikaw talaga, Apo. Pwede naman tayo mag luto sa Mansion, hindi yung gagastos tayo dito ng napaka laki" sabi ni Mamang
"Mamang it's my Money naman po" tumingin ako kay Mamang
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...