Nakakapanibago pala sa College dahil bawat subject ay iba ang magiging kaklase mo
"Ano pala balita sainyo ni Hans?" Tanong ko sakanya
"Okay naman kami" ngumiti sya ng tipid sakin
8am ang start ng unang klase ni Madeline kaya naman ako ay tumambay muna sa may milktea shop
9:30 am pa kasi ang start ng susunod kong klase, ayoko sa library tumambay dahil aantukin lang ako don kakabasa ng libro.
"Hi Ann" napa angat ang tingin ko nang may lalaking huminto sa harap ko
Hala si Pogi
Yung kuya ni Maldita
"Bakit mo alam ang pangalan ko?" Napakunot ang noo ko
"Dyan sa Id mo" ngumiti sya sakin "I'm Charlie by the way" pag papakilala nya
Ahh
Charlie pala name nya
"So sa Buni University ka pala nag aaral?" Tanong nya sakin
"Oo" tumango naman ako
Lumabas kami sa Milktea shop at tumambay nalang dun sa loob ng garden sa University
"Ano pala ang ginagawa mo dito?" Tumingin ako sakanya
"Pinasa ko yung mga Activities ni Charlotte" ngumiti sya sakin
"Si Mae-mae pala kamusta sya don?" Tanong ko sakanya
"She's fine with Riley, don't worry"
Ouch
Riley again
So madalas na pala silang mag kasama?
Sakit non ah
"Are you free later?" Tanong nya sakin habang kumakain ng burger
"Bakit?"
"Let's hang out sa BGC" sabi nya
"Okay" pumayag naman ako
Wala naman akong gagawin, after class
"Okay, I'll see you later" tumayo sya kaya naman ay tumayo na rin ako
"Aalis ka na?" Tanong ko sakanya
"Yes" tumango sya "Susunduin ko pa si Charlotte sa Rizal"
"Okay, take care" ngumiti ako sakanya
Tumango lang si Charlie sakin at umalis na, dali dali naman akong pumunta sa classroom namin nang makita kong malapit na mag 9:30
"Hoy sino yung kasamahan mong boy kanina?" Tanong sakin ni Madeline
Nagulat naman ako sa pag sulpot nya sa kung saan dahil kumakain ako ng kwe-kwek
"Si Charlie bakit?" Tumingin ako kay Madeline
"Gaga, na issue kayo sa department namin" sabi ni Madeline
"Talaga? Hayaan mo sila" sabi ko at kumain ulit ng kwek-kwek
"Sabagay, bagay naman kayo ni Charlie" halakhak nya
Malakas ko naman syang hinampas
"Aray!" Reklamo nya sakin
"Kadiri, Madeline!" Sinamaan ko sya ng tingin
"Totoo naman ah, tapos masyado pa kayong mag ka mukha. Eh sabi pa naman nila pag mag kamukha daw, ay mag kakatuluyan"
"Si Mae-mae lang ang gusto kong makatuluyan" inirapan ko sya
"Eh may ibang gusto si Mae-mae" pang aasar nya sakin
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
Lãng mạnBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...