CHAPTER 14 (MISS YOU)

11 1 0
                                    

"Ano pala balita sainyo ni Mae-mae?" Tanong sakin ni Nadine

"Okay naman kami" ngumiti ako kay Nadine

"Balita ko kayo na daw" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nadine

"Pa-paano mo nalaman?" Tanong ko sakanya

Nag taka naman ako dahil malakas syang tumawa

"So totoo nga?" Sabi ni Nadine at hindi mapigilang tumawa

"Hi-hindi ah" umiwas ako ng tingin

"Girl, nag bibiro lang ako kanina. Grabe yung reaksyon mo" wala parin syang tigil sa pag tawa

"Grabe kasi tanong mo" sabi ko

Pero wala namang masama kung sasabihin ko kay Nadine hindi ba?

"Pero totoo nga?" Tumingin sya sakin

"Oo" tumango ako

Napapikit ako nang sumigaw na malakas si Nadine

"Nakakahiya ka!" Sabi ko sakanya

"Girl totoo ba? Paano?" Tanong nya sakin

"Nakita nya kaming mag kasamahan ni Charlie, tapos yon umamin sya sakin then kahapon pumunta kami sa isang Cafe sa Cavite tapos dun ako umamin sakanya ng nararamdaman ko. Then tinatanong nya ko kung pwede manligaw, pero di ako pumayag dahil sabi ko sakanya ay kami na." Pag kwe-kwento ko

"Grabe, akala ko hindi ka na mag kaka love life eh" di makapaniwalang sabi ni Nadine

"Ikaw at si Marie lang ang nakaka alam tungkol samin ni Maemae, huwag na huwag mong sasabihin kay Marvin!" Pinag sabihan ko sya

"Yes boss!" Ngumisi sya sakin at sumaludo pa

Day passed ay okay naman ang relasyon namin ni Mae-mae, wala pang away na nagaganap. Ganun ata kapag bago pa yung isang relasyon noh?

Hindi pa din namin nasasabi sa mga kaibigan namin ang tungkol saamin, hindi pa din kasi namin napag uusapan ang bagay na yon.

"Saan ka punta nak?" Nagulat ako nang makita ko si Mommy sa may labas ng gate

"Uhm kay Mae-mae lang po" ngumiti ako kay Mommy

"Can we talk?" Tanong nya sakin

"Uhm, sure po" tumango ako

Pumasok kami sa Mansion at pumunta sa may Garden para doon makapag usap.

To: Cookies
Cookies ko, ma le-late lang ako ng punta dyan si Mommy kasi nakikipag usap sakin

From: Cookies
Okay po, Dutch mill ko

From: Cookies
Ingat ka po :)

Oh diba ang corny ng Cs namin ni Mae-mae, sya kasi ang pumili nyan. And nang dahil sa Cookies and Dutch mill kaya kami nag ka kilala.

"Nag kausap kami ng Daddy Alfred mo and ng Mamang mo, na sana ay makauwi ka sa Ilocos? Or dyan sa may Tondo para naman makasama ka ng Mommy?" Mahinahong sabi ni Mommy

"Paano po si Mamang? Ayoko pong iwan sya" sabi ko

"Malakas pa ang Mamang mo Ann, kaya nya ang sarili nya. And tuwing weekend naman ay pwede kang bumisita dito" sabi ni Mommy

"Pwede po bang baliktad? Sa weekends po ako pupunta sainyo. Dahil nag ta-trabaho po ako dito para hindi po sayang ang pag babayad ng tuition ko nila Ma'am and Sir"

"Anak, kaya ng Daddy Alfred mo na bayaran ang tuition mo" hinawakan ni Mommy ang dalawa kong kamay at ngumiti sakin

"Malaki po ang utang na loob ko kila Sir Cedric at Ma'am Keanna." Umiwas ako ng tingin

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now