"At paano ka dito? Ayokong iwan ka sa ganitong sitwasyon" tumingin sakin si Mae-mae
"Kaya ko ang sarili ko, mas kailangan ka ng pinsan mo"
"Kailangan mo din ako, Dutch Mill. Andon naman si Louise, Madeline, Marie, at si Aerish para kay Jrose" ngumiti ng tipid sakin si Mae-mae at niyakap ako
Sa Video Call na nga lang namin nakita ang bangkay ni Rose at sobrang bigat para sakin na makita syang ganon....
"Kumain ka na" napatingin ako kay Mae-mae nang pumasok sya sa kwarto namin at may dala dalang pagkain
Ilang araw na ang lumipas pag katapos mangyari ang libing ni Rose, at sobrang sakit para sakin nang isara na ang kabaong nya...
"Be strong, Dutch Mill. Alam kong masakit pero kakayanin natin para kay Rose. Mag papakatatag tayo para sakanya" malambing na sabi ni Mae-mae sakin
"Ang hirap umusad, ang hirap hirap" yumuko ako at pinag laruan ko ang mga daliri ko sa kamay
"Sige na, kumain ka na dyan. At baka ma late ka pa da trabaho mo" ngumiti sakin si Mae-mae at umalis sa kama ko
Kinain ko na nga yung niluto nyang pork steak na may kasamahang brownies, ewan ko kung binake nya ba yon or binili lang sa baked shop
Ang hirap pala ng ganito noh?
Ang dami dami pang pangarap ni Rose, bakit kinuha sya agad ni Lord?
Hindi pa nya nakilala si Reign...
"May binili akong, Dutch Mill. Sa nadaanan kong Filipino Grocery Store. Nasa ref, kunin mo nalang pag gusto mo" sabi ni Mae-mae habang nag tatanggal na ng make up nya
"Okay, salamat" ngumiti ako sakanya at inilapag ko sa table ko yung mga gamit ko
Ilang araw na kong wala sa mood, walang gana sa lahat...
Mabuti nalang talaga ay andyan si Mae-mae, hindi nya ko sinusukuan....
"I know it's hard but you gotta try, I'm always here for you okay?" Naramdaman ko ang pag yakap sakin ni Mae-mae
Nakahiga na kami ngayon sa kama at tabi kaming matutulog
Humarap naman ako sakanya at pinunasan ko ang mukha ko
"Don't cry na bebe ko, naiiyak din ako" sabi nya at pinunasan ang mukha ko
"Thank you, Cookies ko. Thank you for staying.." humagulgol ako sa pag iyak "Ang swerte, swerte ko dahil meron akong ikaw"
Dahil sa kakaiyak ko ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako
"Rose!" Niyakap ko si Rose nang makita ko sya
Ewan pero di ko alam kung paano ako napunta sa garden ng bahay nila
"Tita Ann"
"Miss na miss na miss ka na namin, balik ka na oh" sabi ko
"Hindi na po, pwede Tita." Ngumiti sya sakin ng
tipid "Always remember Tita na mahal na mahal ko po kayo, kayong dalawa ni Tita Mae-mae. Kayo na po ang bahala kay Mommy at kay Ren-ren.""Rose..."
"Wag ka na po mag cry, Tita." Naramdaman ko ang mahigpit na yakap nya
"Hey" dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Mae-mae na bagong ligo
"Si Rose, nakita ko sya" iyon agad ang sinabi ko
"Nanaginip ka, pana'y ka Rose" sabi nya at umupo sa kama ko
"Miss na miss ko na sya" lumungkot ang boses ko
"Miss ka na din non, for sure" sabi ni Mae-mae "Luto na ang breakfast, kain na tayo"
Tumayo ako at sabay kaming lumabas ng kwarto ni Mae-mae
Feel ko totoo ang panaginip ko dahil ramdam na ramdam ko ang mahigpit na yakap ni Rose sakin....
Naging okay ako after kong mapanaginipan si Rose, parang yon na ata ang sign para umusad ako sa pagkawala nya?
Pero hindi parin ako makaniwala na wala na sya...
Hanggang ngayon masakit pa din...
Mabigat pa..
"Happy 7th Anniversary, Dutch Mill ko!" Nagulat ako pag ka pasok ko palang ng bahay ay nakita ko si Mae-mae na may hawak hawak na isang maliit na cake
Shocks
Ngayon nga pala ang Anniversary namin...
"Wow, Happy Anniversary din Cookies ko" sabi ko at niyakap ko sya
Ibinaba ko yung gamit ko sa may sala at pumunta ako sa may dining area at nakita ko don yung mga inihandang mga pagkain ni Mae-mae.
Siyempre di mawawala ang paborito namin since birth, Cookies and Dutch Mill.
"Day off mo ba bukas?" Tanong sakin ni Mae-mae nang makaupo ako
"Oo" tumango ako
"Okay, let's have a celebrate tomorrow" nakangiting sabi ni Mae-mae
Mahigit isang taon na kami dito sa France at naging maayos naman ang pag sasama naming dalawa, may mga time lang na nag aaway kami dahil minsan ay nakakalimutan nyang mag linis ng bahay.
May kaunting ipon na din ako at ganoon din sya.
"Thank you for this, Cookies ko" sabi ko at ngumiti sakanya
"Always welcome, basta para sayo gagawin ko ang lahat" tumayo sya at lumapit sakin
"I'm so super grateful, I have a girlfriend like you" lumambing ang boses ko at hinawakan ko ang kamay nya
"Kung alam mo lang, Dutch Mill. Kung alam mo lang kung gaano ako nag papasalamat kay God na ikaw ang kasama ko sa pag tupad ng mga pangarap ko. Ang tagal na kitang minamahal, basta ang alam ko matagal kitang minahal, pero alam ko rin na, mas matagal kitang mamahalin" sabi nya at hinawakan ang mukha ko
"Thank you, Cookies. Thank you for everything" pumikit ako at inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya
Hinalikan ko si Mae-mae sa may labi, pero saglit lang naman.
Natawa naman ako nang makita ko ang reaksyon nya
"Why are you laughing?" Inis na sabi nya
"Nabitin ka ba?" Tumingin ako sakanya na nang aasar
"Yes, Dutch Mill" sabi nya at nagulat ako nang hawakan nya ang ulo ko ay hinalikan ako
Napakapit ako ng mahigpit sa upuan na kinauupuan ko, nang kumandong na sakin si Mae-mae.
"Huwag na huwag mo sabi akong bibitinin" she whispered at hinalikan ang leeg ko nakita
Napakagat naman ako sa labi ko nang mas laliman pa ang pag halik ni Mae-mae sa bandang dibdib ko
"Mae-mae let's stop this okay?" Iniwas ko ang mukha ko para tumigil ang pag halik nya saakin
Mahigit tatlong oras na nya kong hinahalikan, di naman halata na paborito nya ang bibig ko
"Why? Did you not enjoy?" Tanong nya sakin
"I mean, gusto kong mag pahinga dahil galing akong work. And you said na gagala tayo tomorrow, kaya kailangan kong mag pahinga" mahinahon kong sabi
Umalis sya sa pag kakandong sakin at tinulungan naman nya kong makatayo
Follow me on IG: sulatni_sunny
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...