CHAPTER 4 (ILANG)

13 1 0
                                    

"So what's your problem?" Malambing na sabi ni Mae-mae sakin

"Inaalala ko lang si Mommy" ngumiti ako sakanya "Tara na balik na tayo sa kwarto ni Reign" hinawakan ko ang kamay nya at bumalik na nga kami sa kwarto ni Reign

"Paano ko ba sasabihin kay Mae-mae na gusto ko sya?" Tumingin ako kay Nadine habang nag lilinis kami ng Pool

Linggo na naman kaya nag lilinis kami dito sa may Pool, andito din si Marvin. Dinadalaw nya si Nadine.

"Eh bakit ayaw mo pang umamin?" Sabat ni Marvin samin

"Mag kaka ilangan kami pag umamin ako, ayokong mawala sakin si Mae-mae" tumingin ako kay Marvin

"Ano? Forever mong itatago ang feelings mo sakanya ganon?" Tumingin sakin si Nadine

"Hays ewan ko ba" yumuko ako "Ano ba ang dapat gawin ko?" I sighed

"Wala ka bang nakikitang sign na gusto ka din nya?" Tanong sakin ni Marvin

"Wala namang nag bago sa pakikisama nya sakin" sabi ko

"Eh baka naman kaya ay straight si Mae-mae? Wala ba syang nasasabi sayo?"

"Wala" umiling ako

Simula bata ay ganon na talaga ang treatment sakin ni Mae-mae, walang bago ganon pa din naman.

So paano ko malalaman na may gusto din sya sakin?

Pag katapos namin sa Pool ay sa may Third Floor naman kami na nag linis

Habang nililinis namin yung mga kwarto sa Third Floor ay tumunog ang selpon ko

Kinuha ko ang selpon ko sa bulsa ko at nakita ko yung pangalan ni Mommy

Jhonna's calling.....

"Hello po Mommy?" Sinagot ko ang tawag ni Mommy

[Hi Anak kamusta? Malapit na ang uwi ni Mommy] masayang sabi ni Mommy

After 7 years ngayon nya lang kinamusta ang anak nya...

"I'm okay Mommy" sabi ko

[Miss na miss ko na kayo ni Mama, btw balak ka naming bilhan ng Daddy Alfred mo ng Laptop ano ang gusto mong brand?]

"Daddy?" Tanong ko kay Mommy

[Yes Anak, kasal na kami ng Daddy Alfred mo] sabi ni Mommy

"He's not my Daddy" seryosong sabi ko

Yung tunay na Daddy ko lang ang Daddy ko, wala nang iba

At tsaka kasal?

Kinasal sya nang hindi alam ni Mamang?

[Anak, alam kong nangungulila ka sa pag mamahal ng isang Ama. Pero don't worry mabait naman ang Daddy Alfred mo]

"Sige na po, mag lilinis pa po ako dito"

[Sige anak, I love you]

Napairap nalang ako sa sinabi ni Mommy, ilang taon syang walang paramdam kaya lumayo na yung loob ko sakanya

Sa loob ng Pitong taon nya sa abroad ay hindi ko man lang sya nakausap, ngayon lang naman kung kelang pauwi na sya.

Pag labas ko sa huling kwarto ay nagulat ako dahil andon si Mae-mae

"Ginulat mo naman ako" sabi ko

"Mag meryenda ka na muna oh" sabi nya at inabot sakin yung tray na dala nya

As usual limang malaking cookies yon na nasa pinggan at apat na malaking dutch mill tsaka may brownies pa

"Pinapataba mo talaga ako" ngumuso ako at kinuha sakanya yung tray na dala nya

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now