CHAPTER 60 (FIRST BORN)

7 1 0
                                    

She really did huh?

"Around manila lang din sya nakatira, and maayos ang pag trato sakanya" saad ni Mae-mae at tumingin sakin

"Talaga ba? Saang school sya nag aaral? Private school ba sya? Kelan ko sya pwedeng makita?" Sunod sunod kong tanong kay Mae-mae dahil masaya ako nang malaman ko kung nasan man ang una kong anak

"Ano pala ang pangalan nya?" Dagdag ko pa

"Uhm, malalaman mo bukas. Kaya tayo pupunta kila Louise" ngumiti sya sakin ng tipid at umalis na sa kusina

Bakit kailangan kila Louise pa?

Anong meron kila Louise?

Malapit lang ba sila Louise sa bahay ng anak ko?

Grabe ang excitement na nararamdaman ko, hindi tuloy ako mapakali...

"Mama, nakatulog ka po ba?" Tanong sakin ni Maerey habang nag aayos na ko ng sarili ko

Tapos na silang ayusan ni Mae-mae at madali naman silang ayusan dahil mga lalaki naman sila.

"Oo naman, anak." Ngumiti ako kay Maerey

"Excited na po akong makita si Akira ulit!" Kinikilig na sabi ni Jhohann

"Ay sus crush mo lang yon e" sabi ni Yvonne habang inaayos nya yung sintas ng sapatos nya

"Kayo ha, may pa crush crush kayong nalalaan" sabi ko

"Bilisan mo na dyan, Ann. Nag hihintay na sila" sabi ni Mae-mae na kanina pa naiinip

Eto ang napansin ko sa ugali nya ngayon, ang pagiging mainipin

Nag paalam na din kami kay Mamang na aalis na, sila Tito C naman ay kanina pang umaga na umalis dahil pupunta daw silang rancho ngayon.

"Kinakabahan ako Mae-mae" hinawakan ko ang dibdib ko at tumingin sakanya

Andito na kami sa bahay nila Louise, kinakabahan ako..

Baka galit sakin ang anak ko...

Pag katapos ng ginawa ko sakanya...

"Chill ka lang, Ann. Hindi mo pa naman alam kung sino" hinawakan nya ang kamay ko

Nag door bell na nga si Mae-mae at pinag buksan naman kami ng gate ni Aiko, kasama ang bunso nila na si Akira.

"Hi Ate Liyan!" Lumapit agad si Maerey kay Liyan nang makita nya ito sa may sala

Si Yvonne at Jhohann naman ay kasamahan si Akira. Si Louise hindi ko alam kung nasan.

"Oh andyan na pala kayo" napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Louise, na namumula ang mga mata.

Halata din sakanya na kakagaling nya lang sa pag iyak.

"Anong nangyari? Okay ka lang ba?" Iyon agad ang tanong ko sakanya

"Okay lang ako" tumango sya sakin "Wow ang lalaki na ng mga inaanak ko" lumapit sya kila Jhohann at nag mano naman ang mga anak ko kay Louise

Ano kaya ang nangyari kay Louise? May pinag awayan kaya sila ni Aiko?

"Tita Ann, let's go to my room po" nagulat ako nang hilahin ako ni Liyan kaya naman ay sinenyasan ko si Mae-mae and Louise na sandali muna

Idinala ako ni Liyan sa kwarto nya at ibinida nya sakin yung napaka rami nyang awards.

"Wow ang galing mo naman" nakangiting sabi ko at tumingin kay Liyan

"Thank you, Tita Ann. And alam nyo po ba may upcoming pa po akong laban para sa chess" sabi nya sakin

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now