"Kamusta pala yung entrance exams mo?" Tanong ni Mae-mae sakin
"Okay naman, wala pa ding list dun sa BUNI UNIVERSITY" sabi ko
"Nag entrance exams ka din ba sa ibang University?"
"Oo" tumango ako "Pasado naman lahat, pero hinihintay ko lang yung result dun sa BUNI"
Tinititigan ko lang si Mae-mae habang kumakain, nag dadalawang isip ako kung tatanungin ko sakanya kung may crush ba sya kay Riley
"Mae-mae, kaibigan mo ba si Riley?" Mahinahong sabi ko
Napatigil ang pagkain nya ng brownies, at tumingin sakin
"Yes" tumango sya "He's my boy best friend" hagikgik nya
"Ahh" napatango nalang ako
Boy best friend ka lang pala nya eh
Kawawa naman si Riley
"Hindi ka naman nahuhulog sa kaibigan noh?" Tanong ko ulit
Natigilan ulit sya sa pag kain at napatulala ng ilang minuto
So it's mean nahulog na ang loob nga sa kaibigan nya?
"Meron nga akong crush sa kaibigan ko eh" ngumiti sya sakin
"Sino?" Napakunot ang noo ko
Ewan ko kung narinig ba ni Mae-mae ang tanong ko o iniiwasan nya lang yung tanong ko?
Posible kayang may nagugustuhan sya sa circle namin?
"Straight ka ba?" Tanong ko sakanya
"Dami mong tanong ngayon ah" halakhak nya
"Curious lang" ngumiti ako sakanya
"Bata palang ako, aware na kong baliko ako" sabi nya
Ouch baliko sya
Pero kanino?
Sino yung nagugustuhan nya?
Imposible namang si Maidy at Shella kasi may mga bf na yon, so posibleng nasa Circle of Friends nga namin nila Madeline ang nagugustuhan nya.
Gagi ang sakit non ah?
Bumalik din agad si Mae-mae sa pag arte dahil tapos na yung break time nila, lumabas ako para mapanood sya.
Nakita ko ang eksena nila nung bunsong anak ni Sir Charles, may potential sya sa pag arte dahil grabe ang eksena nila ni Mae-mae.
Bagay na bagay talaga sa pag katao nya yung role nya
"Uuwi ka din agad?" Nagulat ako nang yakapin ako ni Mae-mae
"Mae-mae, siyempre naman. May trabaho kami sa Mansion" sabi ko at humarap sakanya
Pigil hininga tuloy ako ngayon dahil grabe ang pag kaka yakap sakin ni Mae-mae
"Ann, ayoko na dito. Gusto ko nang bumalik sa Manila" ramdam ko ang lungkot na nararamdaman nya
"This is your dream, Mae-mae. Eto din ang gusto sayo nila Ma'am Keanna" saad ko
"Namimiss ko na kayo nila Madeline" she sighed
"Namimiss ka din namin" ngumiti ako sakanya
Grabe ang tagal ding nakayakap sakin si Mae-mae, almost 1 hour.
From: Mamang
Naku, AnnFrom: Mamang
Lagut kah sa Mommy moh,,From: Mamang
Pinag hntay muh sila
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...