I felt guilty dahil kaya kong iwan ng mag isa si Mae-mae dito...
Hindi ko na alam ang gagawin ko sakanya...
Kung uuwi ako ng Pinas, baka sakaling sumunod sya sakin at para sya ang mag manage ng company nila
"Aalis ka ba talaga?..." Napatingin ako kay Mae-mae na hanggang ngayon ay umiiyak parin, kakatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko at nakapag book na din ako ng ticket ko pauwi sa Pilipinas
"Bakit ganon? Bakit iiwan mo ko? Hindi mo na ba ko mahal? Wala na ba akong puwang dyan sa puso mo? Bakit mo kayang iwan ako? Iwan ako sa ganitong sitwasyon?..." Sunod sunod nyang tanong sakin habang umiiyak
Umiwas ako ng tingin at hindi sya pinansin, tangina ang sakit sakit... Ayaw ko syang iwan sa ganitong sitwasyon... Pero eto lang ang tanging paraan para maabot nya talaga ang pangarap nya....
"Ann naman.... Bakit ka ganyan? Bakit?.. sagutin mo naman ako" naramdaman ko ang pag lapit nya sakin
"Cookies ko, alagaan mo ang sarili mo okay? Pasensya na kung iiwan kita dito... Tama ang Mommy mo eh, puro nalang ako ang inuuna mo... I prioritize mo yung pangarap mo, lalo na yung company nyo... Mahal na mahal kita... Babalikan kita kapag okay na ang lahat" tumingin ako sakanya
"Bakit ka pa aalis kung babalik ka lang din pala?" Tanong nya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko
"Bakit hindi? Eto lang ang nakikita kong paraan para unahin mo ang pangarap mo"
"Tangina... Huwag ka nang bumalik sakin kung aalis ka lang.... Palagi mo nalang ako iniiwan..." Naninikip ang dibdib ko dahil sa mukha nya ngayon...
Magang maga ang mga mata, pati ang ilong ay namumula na rin...
"Cookies ko..."
"Don't call me that nickname, ayoko nang marinig ang salitang yan! Umalis ka kung aalis ka! Huwag na huwag ka nang babalik sakin!" Lumakas ang boses nya dahilan na tumulo ang luha ko
"I'm sorry" I whispered
At nakita ko syang lumabas ng kwarto at malakas na isinara ang pinto
Ang tagal kong hinintay si Mae-mae na pumasok ng kwarto pero wala hindi ko sya nakitang bumalik ng kwarto, hanggang sa makatulog ako....
Nag da-dalawang isip tuloy ako kung tutuloy ba ko o huwag nalang?
Kinabukasan pag gising ko wala parin si Mae-mae sa Apartment, hindi ko na alam kung saan ko sya hahanapin. Nag a-alala na ko sakanya.
"Saan ka galing kagabi?" tanong ko kay Mae-mae nang makita ko syang pumasok sa Apartment
"Andito ka pa pala..." tumingin sya sakin na nangangaluma mata
Ano kaya ang nangyari sakanya?
Nakakapanibago wala na yung masigla nyang mga mata sa tuwing kausap ako...
"Paalis na din ako" mahinahong sabi ko sakanya habang inaayos ko yung mga maletang dadalhin ko
"Tama yan, huwag na huwag ka nang babalik." seryoso nyang sambit sakin
Hindi ko na pinansin ang sinabi nya at pumasok ako sa kwarto namin para ayusin yon, dahil alam kong matagal syang mag mu-mukmok
After ko sa kwarto namin ay inayos ko naman yung kusina, nag luto na din ako kanina ng kakainin nya para sa kanyang hapunan
"Aalis na ko.." panimula ko at dahan dahan akong lumapit sakanya
Nakaharap sya ngayon sa may bintana at nakita kong may hawak hawak sya ng isang beer
"Umalis ka na!" sumigaw sya kaya nagulat ako "Huwag ka nang mag paalam pa... Kase Ann ang sakit sakit sa damdamin..." randam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Mae-mae
"Always remember I love you so much, I'm sorry kung iiwan kita... I'm sorry" lumapit ako sakanya at niyakap sya ng mahigpit
"Kung mahal mo ko bakit mo ko iiwan?..." mahina niyang sabi kaya mas lalo akong umiyak habang yakap yakap sya
"Alagaan mo ang sarili mo, kumain ka sa tamang oras at i prioitize muna yung pangarap mo. Andito lang ko bilang number one supporter mo. Kahit kelan hindi mag babago ang pag mamahal ko sayo. Ikaw parin ang Cookies sa Dutch Mill ko. Mahal na mahal kita...." sabi ko sakanya bago ako tuluyang umalis
Hindi ko na narinig ang boses nya at tanging iyak nya nalang ang naririnig ko. Kinuha ko na ang mga maleta ko at inilabas na, tinignan ko muna si Mae-mae bago ko tuluyang isara ang pinto.
"Mahal na mahal kita" I whispered
Patuloy parin ang pag agos ng mga luha ko sa mukha ko, hanggang sa airport ay umiiyak parin ako. Hindi mawala sa isip ko si Maemae.
Umiiyak pa kaya sya ngayon?
Hindi ko alam kung bakit ko sya iniwan...
Ang tanging gusto ko lang naman ay i-prioitize nya ang pangarap nya pati ang kanilang kompanya.
Pag ka land ko sa pinas ay medyo sumakit ang ulo ko, ewan baka dahil lang sa init.
Hindi ako umuwi sa mansion dahil mag tataka si Mamang kung nandito ako sa Pinas, kaya umuwi ako sa condo ko. Isa sa mga kaibigan namin ay walang nakaka alam sa nangyari samin ni Mae-mae.
Pag ka dating ko sa condo ko ay kinuha ko agad ang selpon ko at nag notif sakin ang post ni Mae-mae sa kanyang fb account.
Janna Mae De Jesus
Mag isa na naman...Janna Mae De Jesus
you always leave me 🙁Gulong gulo ang isip ko, tangina...
Bakit ko nagawang iwanan ang taong mahal ko?
From: Reign
Girl? anong nangyari sainyo ni Mae-mae?Tinignan ko lang ang text sakin ni Reign at hindi ko sya ni-replayan
After kong mag pahinga ay inayos ko na din ang mga gamit ko, at nalungkot ako nang makita ko ang mga picture namin ni Mae-mae sa kwarto ko.
Mas lalo akong nalungkot nang makita ko ang mga naiwang damit ni Mae-mae sa cabinet ko...
"A-anong ginagawa nyo dito?" nag tataka kong sabi nang makita ko ang mga kaibigan ko dito sa labas ng condo ko
"Umuwi ka ng pinas, at iniwan mo si Mae-mae sa paris?" sabi ni Louise saakin at pumasok sa condo ko, ganun na din ang mga kaibigan ko
"I'm sorry" yumuko ako sa harap nila
"Why Ann? bakit mo nagawang iwan si Mae-mae? Tells us your reason" sabi ni Aerish
Tinignan ko lang sila at hindi ako umimik
"Tangina, mahal na mahal ka ng tao... Tapos iiwan mo lang? Ann naman..." tumingin ako kay Madeline ng mag salita din ito
"Gustuhin ko mang mag paliwanag sainyo kung ano talaga ang tunay na nangyari samin ni Mae-mae pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Siguro kung ano nalang ang i-kwento ni Mae-mae sainyo, yon na yon." mahinahong sabi ko sakanila
"Siguro girls, hayaan muna natin si Ann. Soon malalaman din natin kung ano ba ang nangyari sakanila" nakita kong ngumiti si Marie samin
"Sayang ang pitong taon nyo kung tuluyan talaga kayong mag hihiwalay" lumungkot ang mukha ni Made
Follow me on IG: sulatni_sunny
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...