CHAPTER 45 (WHY?)

15 2 0
                                    


[Pumayag ka sa IVF?] Tanong sakin ni Louise, katawagan ko sya ngayon dahil gusto daw akong makita ni Liyan

"Oo" sabi ko

[Well good luck, mahirap mag ka anak]

"Huwag mo naman akong takutin!" Umupo ako sa kama ko at kinuha ko yung mga paper na kailangan kong pirmahan

Medyo nahihilo na ko this past few days, kaya napag desisyunan namin ni Mae-mae na mag test na ng pregnancy test.

"Sana positive!" Sabi ni Mae-mae at ibinigay na sakin yung PT na binili nya sa may Pharmacy

"Kumalma ka nga" sabi ko sakanya

"I'm sorry, Dutch Mill ko. Na e-excite lang ako" hagikgik nya

"Oh sya, papasok na ko sa Cr" sabi ko sakanya at pumasok na ko sa Cr

Binuksan ko na yung PT at inilagay ko na yung wiwi ko don, dalawang PT agad ang binuksan ko.

Nag hintay lang ako ng ilang minuto bago ko tignan yung result

"Shocks, negative.." malungkot na sabi ko habang hawak hawak ko yung dalawang PT na negative

"Paano ko ipapakita kay Mae-mae toh? Alam kong masasaktan sya pag nakita nya yung result..." Nangangamba kong sabi

Pero kailangan, ayokong mag sinungaling kay Mae-mae. Matatanggap nya naman siguro noh?

Bago ako lumabas ng Cr ay napa buntong hininga muna ko.

Pag ka bukas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo si Mae-mae at may ngiti sa mga labi

"Ano? Positive ba?" Iyon agad ang sinabi ni Mae-mae sakin

Hindi ako umimik at binigay ko lang sakanya yung dalawang PT

Nawala ang ngiti sa labi nya nang makita nya ang result ng PT, akala ko ay iiyak sya pero niyakap nya lang ako ng mahigpit.

"I'm sorry" I whispered to her

"It's okay, baka na late lang? Mag PT ka nalang ulit next week" malambing na sabi nya sakin

"Are you sad?" Tanong ko sakanya

"Konti" ngumiti sya ng tipid sakin "Pero may next time pa" dagdag nya

Akala ko talaga ay malulungkot sya ng sobra sobra dahil negative ang naging result. Mabuti nalang talaga ay napaka lawak ng pag unawa nya.

"Negative na naman" sabi ko kay Mae-mae at inilapag ko sa lamesa yung tatlong PT na ginamit ko

Pang apat na toh at puro negative lang ang lumalabas

"Tama nga ang sabi ni Reign, hindi sa lahat ng pag kakataon ay success ang isang IVF" malungkot na sabi ko

"May next time pa" tumingin sakin si Mae-mae

"Mae-mae anong may next time pa? Hindi pa ba sapat sayo toh? Naka ilang PT na ko pero still negative parin..." Pagalit na sabi ko

"Hindi ako susuko hangga't walang nabubuo" umiling iling sya sakin

"Susko naman! Mae-mae please tigil na tayo, okay naman na tayong dalawa nalang muna" huminahon ang boses ko at hinawakan ko ng mahigpit ang dalawang kamay nya

"Sige na, lalabas lang muna ko" tumayo sya at lumabas nga ng kwarto

She's mad at me kaya?

Hindi ko naman kayang ibigay ang hinihiling nya...

Okay naman sakin na kaming dalawa nalang muna, saka na yung pag aanak

Bakit naman atat na atat sya na mag kaanak kami?

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now