EPILOGUE

15 1 0
                                    

I begged her not to leave me, pero anong ginawa nya? Iniwanan nya din ako...

Nag makaawa ako ng maraming beses sakanya...

Gustong gusto ko pa syang mahalin, pero bakit ganon? Bakit kailangan nyang iwan ako?

Sya na nga lang ang source of energy ko araw araw mawawala pa? Bakit ganon? Bakit?...

"Mag pahinga ka din uy" sabi ni Jrose na kakapasok palang sa office ko

"Edi ikaw ang mag pahinga" bulyaw ko sakanya

Nakaka stress ngayong buwan dahil marami akong event na pupuntahan, kasama na don ang La Union.

"Edi makikita mo ang mga anak mo don?" Tanong nya sakin

"Sana" sabi ko

3 year's ago sinabi sakin ni Jrose na may anak pala kami ni Ann. May nabuo sa IVF namin kaya pinursigi ko talaga ang pag ta-trabaho para mabigyan sila ng magandang buhay.

Gusto ko nang makita at makasama ang mga anak ko. Gustong gusto.

"Yung gamot mo pala, naka inom ka na?" Tanong sakin ni Jrose

"Shit, naka limutan ko" tumingin ako kay Jrose

"Jusko po! Huwag mong kakalimutan na uminom ng gamot!" Nagagalit na sabi ni Jrose

Nag karoon ako ng sakit sa dugo noon habang nag ta-trabaho ako sa France. Walang tigil ang pag ta-trabaho ko don dahil gusto kong maging proud sakin si Ann pag uwi ko ng Pinas.

Kaya umiinom ako ng gamot para hindi bumaba o matuyo ang dugong dumadaloy sa katawan ko. Inaamin ko na naging pabaya din ako sa sarili ko noon, ikaw ba naman iwan ng taong mahal mo.

"Mamay, si Mommy po umiiyak" hinila ako ni Maerey kaya nag taka ako

Si Ann umiiyak?

"Ann umiiyak ka daw?" Pumunta ako sa kusina at nakita ko ngang basang basa ang mukha ni Ann. Andito din ang aming mga kaibigan

"Anong nangyari?" Tanong ko sakanila

"I'm sorry" niyakap ako ni Ann

Bakit sya nag so-sorry?

"I'm sorry, Mae-mae. Kung hindi ako nanatili sa mga panahong kailangan mo ko. Pasensya na kung iniwan kita, hindi ko alam na ganon na pala ang pag dadaanan mo" wika nya sa gitna ng pag luha

Sinabi kaya ng mga kaibigan namin ang lahat ng pinag daanan ko noon?

"It's okay" binigyan ko siya ng isang ngiti at marahan kong hinaplos ang kanyang likod

Ayokong nakikitang umiiyak o nasasaktan si Ann, doble ang balik sakin non pag ganon.

"Sir Charles?" Napatigil ako sa pag aayos ng damit ni Jhohann ng mag salita si Ann

Tangina bakit andito si Charles?

Malalaman na ba ni Ann ang totoo?

"Anak andyan na pala kayo" lumapit samin ang Mommy ni Ann

Isa isa namang nag mano ang mga anak namin sa Mommy ni Ann, ganon na din ako. Nanginginig pa nga.

"Mga apo ko, punta muna kayo sa taas" sabi ni Tita Jhonna sa mga bata, sumunod naman sakanya ang mga anak namin

Napapansin ko sa mukha ni Ann ang pag tataka, ako naman ay nangangamba...

"Mommy bakit po andito si Sir Charles?" Tanong ni Ann sa Mommy nya

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now