"Pasensya na po sa inasal ko sainyo kahapon, Hindi ko na po kasi napigilan ang emosyon ko" pag hingi nya ng paumanhin saakin
"Ako dapat ang mag sorry sayo anak, dahil iniwan at pinamigay kita" hinawakan ko ang kanang kamay nya at tumingin sakanya
"Bakit nyo po ba ako pinamigay? Nanay ko din po ba si Tita Mae-mae?" Tanong nya sakin
Paano ko ba sasabihin sakanya na hindi nya Nanay si Mae-mae?
Kaya ko toh, deserve na malaman ni Liyan ang totoo
"Hi-hindi mo Nanay si Mae-mae"
"Po? Bakit po?"
"Ganto kase yan anak" umayos ako ng upo "Habang nag a-aral si Mama sa kolehiyo, doon ko nakilala ang tatay mo. Una palang talaga ay kaibigan lang ang turing ko sakanya, kase parang ko na syang Kuya. Pero isang araw ay doon na nya ko pinag samantalahan, pilit akong lumalaban sakanya pero ang lakas ng tatay mo. Palabas na sana ako ng condo nya non, kaso may inilagay syang panyo sa ilong ko, para makatulog ako. At doon na nga nya pinag samantalahan ang katawan ko... Nandidiri ako sa sarili ko simula non, kaya nung nabuo ka? Balak kong ipalaglag ka dahil ayokong mag alaga ng isang bata na hindi ko naman ginusto... Galit na galit ako sa sarili ko pati na din sa Tatay mo... Kung di dahil sa Tita Marie at sa Tita Nadine mo, itutuloy ko ang abortion. Kase anak noong mga panahon na yon gulong gulo ang isipan ko. Dinala ako ni Marie sa Cebu para doon ko itago angpag bu-buntis ko , sa Cebu ko na ipinag patuloy ang pag aaral ko." Pag kwe-kwento ko kay Liyan, Hindi ko na makita si Liyan dahil namumuo na yung mga luha sa mata ko
Bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko noong mga panahon na ginalaw ang katawan ko
"So, anak lang nyo po ako sa kasalanan?" Tanong ni Liyan, at nakita kong pumatak ang kanyang mga luha
"Anak pa din kita kahit na anong mangyari okay?" Hinawakan ko ang mukha nya
"Base sa kwento nyo po, mama. Ayaw nyo kong maging anak, kase anak lang pala ako sa isang kasalanan. Mama sana tinuloy nyo na lang po yung pag abort sakin.. kase ang sakit sakit po sa dibdib." Ganto pala kasakit na makita mo ang anak mo na nasasaktan
"Alam kong nahihirapan kang tanggapin ang totoo, pasensya na anak kung nararanasan mo lahat ng toh."
"Mama, kahit na ganon po ang ginawa nyo sakin, pinapatawad na po kita. Kase tinuruan po ako ni momma na mag patawad sa mga taong nakakagawa ng pag kakasala sakin" sabi ni Liyan
"Salamat anak, dahil mapatawad mo ang Mama." Sai ko at niyakap ko sya ng mahigpit
Grabe ang sayang nararamdaman ko ngayon
Ngayong ayos na kami ng anak ko
Parang akong nanalo sa lotto sa sayang nararamdaman ko ngayon
"Ayos na kayo? Tanong sakin ni Mae-mae habang inaayos ko ang mga damit na susuotin ng tatlo kong itlog
"Oo" tumango ako sakanya
"Mabuti naman kung ganon" sabi nya at umupo sa kama
"Salamat Mae-mae, dahil nakilala ko na kung sino ba ang anak ko" nakangiting sabi ko sakanya at niyakap sya
"Your welcome, kung ano ang makakapag pasaya sayo. Gagawin ko"
Nag papasalamat talaga ako sa panginoon dahil dumating sa buhay ko si Mae-mae, kahit na ilang beses ko na syang wan ay hindi parin siya tumitigil na mahalin ako.
"Ann?" Napa tingin ako sa may pintuan habang nag aayos na ko ng mukha ko, nakita ko si Louise na naka ayos na
"Yes, Louise?"
"Uhm, tungkol sa schedule ni Liyan. Gusto ko na mag karoon kayo ng bonding as a Mommy" lumapit sya sakin at ngumiti
"Se-seryoso ka ba? Okay naman na sakin na makilala ko ang anak ko. Tsaka kampante na ko dahil ikaw at si Aiko ang mga magulang nya" ngumiti ako
sakanya "Pero kung yan ang gusto mo o ni Liyan, payag ako""Monday to Friday dito sya sa bahay tutuloy, then saturday to sunday saiyo sya tutuloy" sabi nya
"Oh, pwede naman. Salamat" sabi ko at niyakap sya
After naming mag ka usap ni Louise, ay bumaba na din kami dahil andyan na sa baba ang mga kaibigan namin.
"Ann, namiss ka namin!" Napangiti ako ng yakapin ako ng mahigpit ni Reign
"Mabuti naman at nakapunta ka" niyakap din ako ni Aerish
"Ang Ann ko, malaki na!" Hinampas ko ng mahina si Madeline at niyakap din ako
Si Jrose at Marie ay hindi ko makita dahil may pinag uusapan daw ang dalawa, pero nag kita kita naman kami ng mag kainan na.
"Jhohann, huwag kang tumakbo" sigaw ko habang hinahanda na namin ang mga pagkain
Napag usapan kasi ni Aiko and Louise na mag budle fight nalang, para naman maiba.
"Mama, gusto ko po ng mangga" sabi ni Yvonne at tinuro ang mga hiwang mangga
"Mamaya na, kumain ka muna ng kanin" tumingin ako sakanya
Tumango lang si Yvonne sakin at kumain na.
Kompleto din ang mga bata ngayon pwera kay Raya na nasa training daw, nag paalam daw sila management kung pwedeng umalis si Raya ngayon pero hindi pinayagan. Dahil kailangan nilang mag training ng mag training.
After naming mag kainan ay nilinis na din namin ang pinag kainan namin, ang mga bata naman ay nag si pag swimming sa may swimming pool nila Louise.
"Kayo, Mae-mae and Ann, wala kayong balak na mag ka balikan?" Napatingin ako kay Marie ng sabihin nya yon
Andito na kami ngayon sa loob ng bahay, nag kwe-kwentuhan.
"Oo nga, sayang yung seven years nyo!" Sabi ni Marie
"Edi ikaw ang tumuloy kung sayang" pabalang na sabi ko, at sumama naman ang mukha nya
"No thanks daw, meron naman daw syang-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Jrose ng takpan ng kamay ni Marie ang bibig nya
"Balik tayo sa tanong" sabi ni Louise
"Wala kayong balak na mag ka balikan? Alang alang sa mga anak nyo?" Sabi ni Reign
Hindi ako sumagot, tumingin na lamang ako kay Mae-mae.
"May balak naman akong balikan si Ann, sya lang ang hinihintay ko" sabi ni Mae-mae at tumingin sakin
"Ann, ano ang tugon?" Lumipat ang tingin nila sakin
"Uhm, hindi ko pa kaya, hindi pa ko ready? Prioritize ko ang mga anak ko ngayon" sabi ko sakanila
"What if ligawan ka ni Mae-mae? Papayagan mo ba?" Tanong sakin ni Aerish
"Oo" tumango ako sakanila
Napapikit ako ng mag hiyawan sila
Follow me on IG: sulatni_sunny
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...