"Bumangon na kayong dalawa ni Maerey, mag de-deliver pa tayo" sabi ko sa anak ko at mabilis naman syang tumango
Lumabas na din ako ng kwarto nila, para makapag ayos na din. Si Jhohann naman ay kanina pa gising para tulungan ako sa bakery.
"Mama, bisita po tayo" napahinto ako sa ginagawa ko nang sumigaw si Jhohann
Kaya lumabas ako ng kusina para tignan kung sino ba yung tinutukoy na bisita ni Jhohann. Hindi naman sila Louise yon dahil mag sasabi naman sila sakin.
"Sino ba yan?" Sabi ko at napatigil ako nang makita kong masayang niyakap ng mga anak ko si Mae-mae
"Mama, si Ms. Janna po nandito!" Masayang sabi ni Yvonne
Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon.
"And si Aling Sonya po nandito din" sabi ni Maerey, kaya tumingin ako sa likod ni Mae-mae at nakita ko na nga si Aling Sonya
"Asan na ang bayad mo sa utang?" Tanong sakin ni Aling Sonya at nilahad ang kanyang kamay
"Upo muna po kayo, kukunin ko lang po ang pambayad ko" ngumiti ako kay Aling Sonya
Pina-upo ko muna sya ta pumasok ako sa kwarto ko para kunin ang pambayad ko sakanya. Pag bukas ko palang ng wallet ko ay nakita kong wala na pala akong pera...
Li-limang libo nalang toh, at kailangan ko pang bumili ng mga harina. Hindi naman sasapat ang kinikita ko sa bakery dahil napupunta naman yon sa pambayad ng kuryente at tubig.
"Aling Sonya, 2k po muna. Gipit pa po ako ngayon e"sabi ko at ibinigay na kay Aling Sonya ang bayad ko
"Okay sige, Basta kailangan ko next month mas malaki na dito ang ibibigay mo" sabi ni Aling Sonya at umalis na
Akala ko ay umalis na si Mae-mae pero nakita kong nasa dining table sila masayang nag kwe-kwentuhan.
"Andito ka pa pala" dumaan ako sa likod nya para kumuha ng tubig sa ref
"Do you have a lot of debt?" Rinig kong sabi nya
"Eh Anong paki-alam mo kung marami?" Irita kong sabi sakanya
"Si Mama bad mood na naman" sabi ni Yvonne
"Kumain na kayo dyan, mag de-deliver pa tayo" tinignan ko silang Tatlo at umalis sa harap nila
Iniwan ko muna ang mga anak ko at si Mae-mae sa may dining table, para maasikaso ko na din yung mga kulang na ingredients sa bakery.
"Danica, ilang box na yang mga nandyan?" Sigaw ko habang inaayos ko pa yung iba pang mga orders na tinapay saakin
"150 na po, ate Ann" rinig kong sabi ni Danica kaya naman ay kumuha pa ko ng 20 box para sabay sabay na at wala nang balikan pa
Nang maiayos ko naman na sa bulog ang mga tinapay na i de-deliver namin ay pumasok ako sa bahay at nakita ko sa sala ang mga anak ko. Ka-kwentuhan nila si Mae-mae.
"Jhohann, Maerey, Yvonne, halika na mag de-deliver pa tayo" sabi ko sakanila
"Mama, pwede po ba natin isama si Tita Mae-mae sa pag de-deliver?" Tumingin sakin si Jhohann na may ngiti sa mga labi
"Hindi pwede, baka may gagawin pa sya" lumapit ako kay Jhohann, kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko at pinunas ko yon sa likod nya
"I don't have any schedule for today" sabi ni Mae-mae at ngumiti sakin
"Huwag na, baka ma disgrasya ka pa. Wala akong pampa gamot sayo" maldita kong sabi at inirapan sya
"Si Mama ginaganyan mo po si Tita Mae-mae!" Rinig kong reklamo ni Yvonne
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...