After naming kumain sa may Restaurant ay pumunta naman kami sa Channel
"You want this?" Tanong ni Mae-mae sakin habang tinitignan ko yung isang shoulder bag
"Pwede ko namang pag ipunan" tumingin ako kay Mae-mae
"Diba sabi mo yung Ipon mo pang college mo yon?" Sabi nya "So paano mo mabibili yan?"
"Madami pa namang paraan" ngumiti ako kay Mae-mae
Bumili lang si Ma'am Keanna ng isang bag, siguro ay latest version yon ng Channel. After namin sa Channel ay pumasok naman kami sa isang Jewelry shop.
Eto talaga ang nag papasaya sakin, ang mga accessories. Pero mahal naman dito dahil nasa Mall kami.
"Ann, tignan mo bagay yung earrings na toh sayo" lumapit sakin si Mae-mae at ipinakita yung isang pares ng hikaw
Maganda nga pero mabigat naman sa bulsa yung presyo
"Bibilhin ko toh for you" nakangiting sabi nito
"Huwag na" pinigilan ko sya
"Please? For you naman toh and sarili kong Ipon ang gagamitin ko" ngumiti sya sakin
At hindi ko nga sya napigilan na huwag nang bilhin yon
Umaabot sa Limang Libo yung hikaw na yon, paano nya nakakayanang gumastos ng malaki para sakin?
Bakit nya ginagawa yon?
"So let's go na girls" sabi ni Ma'am Keanna
Hindi namin kasama si Sir Cedric sa mga pinuntahan namin dahil nasa kotse na sya nag hihintay.
"Ann, ikaw ba ay may nabili naman para sa sarili mo?" Tumingin sakin si Ma'am Keanna
"Yes po Ma'am" tumango ako
Nakabili ako ng isang pares na hair clip, halagang 500 lang yung nabili ko dahil yung sobra kong pera ay pwede kong maihulog sa alkansya ko.
Hindi ko talaga kayang bumili ng mamahalin para sa sarili ko
Hindi sa Mansion tumuloy sila Mommy and yung jowa ni Mommy. Bagkus ay tumuloy sila sa isang hotel.
Pag ka uwi namin sa Mansion ay pumunta agad ako sa kwarto namin ni Mamang para maibalot ko yung graduation gift ko kay Mae-mae.
Nakakahiya kung sya lang yung may ibinigay na regalo sakin tapos ako ay wala man lang maibigay sakanya.
Kaya yung isang pares ng hairclip na binili ko kanina ay ibibigay ko sakanya para matchy matchy kami.
"Ann?" Nag mamadali akong buksan ang pinto nang may kumatok
Nag taka ako kung bakit andito si Mae-mae
Ano naman kaya ang kailangan nito?
"Uy? Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko kay Mae-mae
"Here" napatingin ako sa isang box na bigay nya
"Ano na naman toh?" Tumingin ako sakanya
"Open it" ngumiti sya sakin
Binuksan ko yung box at nakita ko ang picture naming dalawa nung mga bata pa lamang kami.
Unang pag kikita namin yon dahil kumakain kami ng cookies at yung mukha ko dito ay bagong iyak pa.
"Happy Graduation" niyakap ako ni Mae-mae
"Happy Graduation too, salamat pala sa mga regalo mo" ngumiti ako ng tipid sakanya
Nahihiya tuloy akong ibigay sakanya yung regalo ko..
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomanceBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...