CHAPTER 63 (MY MAEANN)

8 1 0
                                    

"Ang MaeAnn ko!" Sigaw nila, mga kinikilig kasi

"Mag tigil nga kayo!" Suway ko sa kanila dahil nakaka rindi ang mga boses nila, lalo na ang boses ni Madeline at Louise jusko

"Mae-mae, ligawan mo na si Ann!" Sabi ni Marie na namumula na ang mukha

Tumingin ako kay Mae-mae at tinanguan lang si Marie

Napatigil naman sila ng may nag door bell, tumayo si Louise para tignan kung sino yon.

Sino kaya ang dumating?

Nainis ako ng sumigaw na naman si Madeline, jusko naririndi na ko sa boses nya

"Ang Raya namin!" Tumayo sila kaya tumayo na din ako

Isa isa naman kaming pinag manuhan ni Raya

"Tita Ann, namiss po kita" nag mano sya sakin tapos niyakap ako

"Namiss din kita, Raya" ngumiti ako sakanya

Ang laki ng tinangkad ni Raya, parang dati lang ay ang liit liit pa nya.

Dito sa bahay ni Louise nag si tulog ang mga kaibigan namin dahil wala naman silang gagawin kinabukasan, at minsan lang kami makompleto.

"Si Aerish, saan natulog?" Tanong sakin ni Mae-mae na kakatapos lang na maligo

"Uhm sa guest room sa taas, mag kasama sila ni Marie" sabi ko habang inaayos ang mga higa ng mga anak namin

Pagod na pagod silang Tatlo, pano buong mag hapon na nag sisi-takbo

"Sige, puntahan ko lang" paalam nya sakin at lumabas na sya ng kwarto

Ako naman ay inayos ko na yung mga gamit namin, bukas lang din kasi ng tanghali ay uuwi na kami sa bahay ni Mamang. Dahil si Mommy and Tito Alfred ay dumating na kanina.

Habang inaayos ko yung mga gamit namin ay pana'y tunog ang selpon ko, kinuha ko ang selpon ko na nasa kama para tignan kung ano ba yon.

Baka din magising ang mga anak ko, ayaw ko namang istorbohin ang tulog nila.

99+ notifications from Facebook.

99+ notification from X.

"Anong meron?" Sabi ko at binuksan ko yung selpon ko

Bakit sabog ang notification ko sa Facebook and X?

Ano na naman po ang ginawa ko Lord?

Chika Minute
Anak ng dating artista na si Keanna De Jesus at CEO ng isang beauty Product may pamilya na?

Ayon sa isang post ng isang netizen nakita nya si Ms. Janna Mae Yves De Jesus na may kasamahang tatlong batang lalaki na masayang nag kwe-kwentuhan at nag hahabulan, makikita din sa larawan ang usap-usapan noon na dating girlfriend ni Ms. Janna, akala ng lahat ay sya ang ina ng tatlong batang lalaki na kasamahan ni Ms. Janna See more...

"Tangina" di ako makapaniwala sa nabasa at nakita ko

Natatakot ako...

Natatakot ako na baka i-bash din nila ang mga anak ko, tulad ng ginawa nila sakin noon...

Ayokong iparanas sa mga anak ko ang naranasan ko noon, kung paano kagalit sakin ang mga tao

: Hala for real?

: What if kaya umalis ng showbiz noon si Mae-mae dahil nag IVF pala sila?

: Grabe ang gwa-gwapo ng mga anak nila

: Ang ganda ng combination nila!!!!!

: Palahi po!!!!

: Kalampagin nyo nga si Ms. Janna! Para malaman natin ang totoo!!!!!

"Ann" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Mae-mae

Nag taka ako ng yakapin nya ko ng mahigpit

"I'm sorry" sabi nya

"Huh? Bakit ka nag so-sorry?" Tanong ko sakanya

"Kalat ang mga picture's natin sa social media... Ayoko lang na mangyari ang nangyari noon" sabi nya habang naka suksok ang mukha nya sa leeg ko

"Ano ang balak mo?" Tanong ko sakanya

"Ipapakilala ko kayo, wala na kong paki alam kung hindi man nila kayo tanggap. Ang Importante ay kilala kayo na kayo ang pamilya ko"

"Hindi ba ma a-apektuhan ang career mo?"

"Wala na kong pake, kung pati ang career ko ay mawala. Huwag lang kayo" mas hinigpitan pa nya ang pag kakayakap sakin "Ayoko lang na mawala ka pati ang mga anak ko"

"Mae-mae, kumalma ka okay? Hinding hindi na ko mawawala sa tabi mo" ngumiti ako sakanya

"Mahal kita, Ann. Mahal na mahal kita Dutch Mill ko.."

Dutch Mill ko....

Nakaka miss ang Call sign namin na yon, saksi ang cs namin kung ano ang mga pinag daanan namin m.

Janna Yves De Jesus
Meet my boys, cutie!💙

Napangiti ako ng makita ko ang post ni Mae-mae sa kanyang Fb account, silang apat nila Jhohann yon kahapon. Mga pawis pa dahil kaka tapos lang nilang mag habulan non.

: Grabe ang pogi

: Kamukha mo lahat ah, grabe naman po ang dugo ng mga De Jesus HAHAHAHAHA

: Ang gwapo nung nasa gitnaaaaa

: Nanay o Tatay reveal naman po next

: Gosh naiiyak ako, parang noon lang ang liit liit mo pa. Tapos ngayon may sarili ka ng mga anak.

Napapangiti ako kapag nababasa ko ang mga comments ng ibang tao tungkol sa mga anak ko, grateful ako dahil hindi nila naranasan na husgahan agad ng mga tao.

@Yves De Jesus
Thank you for coming back, my Dutch Mill. I love you so much.

Parang akong kinuryente ng makita ko ang post ni Mae-mae a kanyang X account, pinost nya yung mga picture naming dalawa. Ang unang picture naming na mag kasama, kumakain kami non ng Dutch Mill at cookies, yung picture naming highschool and senior high. At mga picture namin nung nasa France pa kami.

Sa ngayon ay hindi ko alam ang mararamdaman ko, ang dami ng nagawa sakin ni Mae-mae, simula noon hanggang ngayon.

"Sana all flinex na" bulong sakin ni Louise habang nag luluto ako ng tanghalian namin

"Sa tingin mo, papayagan ko na bang man ligaw si Mae-mae?" Tumingin ako sakanya

"Oo naman, para happy family na kayo" ngumiti sya sakin

"Tsaka walang ibang ginawa si Mae-mae kundi mahalin ka, ginawa nya ang lahat para maging proud ka sakanya" sabat ni Aerish

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Aerish

"Sa buong buhay nya ikaw lang ang minahal nya ng lubos, sabi pa nga nya noon. Hindi na sya mag mamahal ulit kung hindi ikaw. Kaya ang swerte mo, Ann  bibihira nalang yung mga taong ganyan" sabat ni Madeline sa usapan habang nag pupunas ng mga pinggan

"Tsaka hindi mo ba alam?" Napatingin naman ako kay Marie habang nag pupunas ng mga kubyertos

"Ang alin?"

Ano ba ang hindi ko alam kay Mae-mae?




Follow me on IG: sulatni_sunny

Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)Where stories live. Discover now