"Ann, are you mad at me ba" nakita kong ngumuso siya
"No, I'm not" umiling ako sakanya habang inaayos ko yung buhok ko
"Bakit parang ayaw mo na kong makasama?" Tanong nya sakin
"Hindi naman sa ganon Mae-mae, hindi naman palagi ay mag kasama tayo. Kailangan din nating mag hiwalay" tumingin ako sakanya
Napatulala ako nang lumapit sakin si Mae-mae at isinara ang butones ng uniform ko.
"Ang ganda mo ngayon" she touched the bottom of my chin
"Bolero!" Umiwas ako ng tingin at tinanggal ko yung kamay nya sa chin ko
Hay na ko Janna Mae Yves!
Lalo lang ako nahuhulog sayo
Sa mga paganyan mo!
Edi ang ending ay sabay kaming pumasok ni Mae-mae, si Nadine naman ay pang hapon ang pasok nya and sa ibang school sya nag aaral.
Ewan ko pero kanina pa nya hawak hawak ang kamay ko tapos sya pa ang may hawak ng envelope bag ko.
"May reporting ba kayo ngayon?" Tumingin sakin si Mae-mae at huminto sa pag lalakad kaya napahinto din ako
"Wala naman" umiling ako
"Ang lakas ng pag tibok ng puso mo, kanina ko pa naririnig" nagulat ako sa sinabi ni Mae-mae
Shockss bakit ba kasi ako kinakabahan
"Baka naman yung tyan ko yung naririnig mo, bakit naman ako kakabahan huh?" Sabi ko
"Hindi ka ba nag breakfast?" Tanong nya sakin
"Hindi pa" napailing ako sakanya
"Halika kumain muna tayo sa tapsilogan" sabi nya at hinawakan na naman ang kamay ko
Pumunta nga kami sa may tapsilogan at kumain muna kami ng breakfast
"Ang aga aga mong gumayak tapos pag kain lang ng umagahan di mo magawa" panenermon sakin ni Mae-mae
"Baka kasi mainip ka, ayaw mo pa namang nag hihintay" ngumiti ako ng tipid sakanya
"Dami mong dahilan kumain ka na nga lang dyan" seryosong sabi ni Mae-mae at ibinigay na sakin yung inorder kong tocilog, ang sakanya naman ay hotsilog
Kumain nga muna kami ni Mae-mae at habang kumakain kami ay nakita naman kami ni Madeline
"Oh my gosh! Ann, Mae-mae!" Napahilamos nalang sa mukha si Mae-mae nang marinig ang boses ni Madeline
"Ang ingay mo! Ang daming tao oh!" Pinagalitan sya ni Mae-mae
"Kayo ha, nag de-date kayo ng palihim" pang aasar samin ni Madeline at nakangisi pa nga
"Friendship date lang toh, apaka issue mo talaga!" Sabi ni Mae-mae
Ouch
Friendship date
"Awts sakit pighati!" Madramang sabi ni Madeline at nakahawak pa sa dibdib nya na parang talagang nasaktan
"Umupo ka na nga lang napaka ingay mo!" Hinila ko sya at pinaupo sa tabi ko
Umorder nga si Madeline ng chickensilog at tsaka isang lugaw, di din gutom ang batang toh
"Hoy, mauubos mo ba lahat yan?" Tanong ni Mae-mae kay Madeline
"Oo naman ikaw ang mag babayad e" nakangising sabi ni Madeline
"Naknampucha!" Napasapo nalang sa noo si Mae-mae
YOU ARE READING
Dahil Mahal na Mahal Kita (Destiny Series #4)
RomantikBakit niya ako tinalikuran? Ganon ba ang pag-ibig? Bakit hindi nya kayang manatili sa tabi ko? Bakit palagi niya akong kailangang iwan? Jhoanna Aubrey Romero, isang magalang na bata, mapag mahal sa pamilya lalo na sa kanyang Mamang at sa nag iisa...