Parehas kaming dalawa ni maria na nasa silid na ng magising, sa sobrang sarap ng tulog namin ay hindi namin namalayan na nabuhat na pala nila kami. Kaya nag ayos lang kami tsaka na naisipan lumabas.
"Anong oras na?" Tanong ko ng nadatnan ko sila nasa sala.
"Ate luna!" Sigaw bata tsaka ito yumakap sakin.
"Angelina! Kumusta ka? May pasalubong ako sayo." Ngiti ko rito.
"Talaga ho?" Masayang sabi naman nya.
"Luna mag-aala una na, hindi nanamin kayo ginising dahil sa himbing ng tulog nyo. Napuyat ba kayo ni maria?" Nagkatingin kami ni maria sa sinabi ni kuya cloud.
"Ah nagkwentuhan kasi kami ni maria, medyo napuyat lang. Excuse me lang may kukunin lang ako." Pumasok ulit ako sa kwarto upang kunin ang chocolate bar na binili ko talaga bago kami makabalik rito para sa mga bata, meron din kina tala pero hindi pa kasi sila pumupunta rito kaya tinabi ko na muna.
"Angelina halika!" Tawag ko sa kanya at ipinakita ang anim na chocolate bar. Kita ko naman ang pag ning ning ng mga mata nya.
"May tatlong bata at may anim na chocolate, kung maghahati hati sila, tig-iilan sila?" Humayak ito sa kanya ulo at nag-isip pa kung ano ang sagot.
"Tig dalawa po ate! At ang tawag don ay division. Ang anim ay hahatiin ng tatlo, tig dalawa po ang sagot." Masiglang sabi nito at may patalon talon pa. Hinawakan ko nalang ang ulo nya.
"Ang galing mo. Ibigay mo ito sa dalawa ha. Asan pala sila?"
"Ang ama ko po ang kasama ko ngayon, nasa taniman po sina carlito pero ibibigay kopo sa kanila to, maraming salamat po."
Ngayon ko lang napansin na nandito pala ang ama nya, nandon sa sala kasama sina kuya. Sakto naman na may kumatok sa pintuan kaya don ang atensyon namin sa lahat.
"Flora!" Halos sabay pa kami ni maria.
"Nagluto ang aking ina ng sinampalukan manok kaya may dala ako." Sabay taas nito sa hawak nyang palayok.
"Sakto hindi pa kami nagl-lunch pasok ka." Aya ko sa kanya.
Kasama nya rin si Miguelito na kapapasok din."Bakit si flora masigla ang bati nyo? Sakin wala man?" Kunwaring tampo nito.
Pero hindi rin namin pinansin haha."Kumain na muna tayong lahat." Aya sa samin ni kuya cloud.
Lumapit namin ako may juan at binulungan sya ng tanong dahil nga bakit alauna na ay hindi pa sila kumakain.
"Sapagkat hinihintay namin kayong magising mahal."
"Paumanhin, napasarap ang tulog namin."
"Ayos lamang."
Pati sina Angelina at ang ama nito ay nakasibay narin samin.
Nakatabi ni flora si Miguelito si marco naman si maria, pansin ko lang hindi na dumadalaw sina Roberto rito, masyado ba silang abala?"Sina Florencio pala at Roberto bakit hindi ko nakikita, marco dba ikaw madalas ang kasama nila."
"Ang totoo nyang ang alam ko si florencio ay lumuwas para ituloy ang pag-aaral si Roberto naman ay halos dalawang lingo ko narin hindi nakikita, baka abala sa kanilang mga ginagawa." Tumango tango nalang ako sa kanya.
"Sobrang sarap ng tulog nyo kanina ni maria roon ni hindi man kayo nagising ng binuhat kayo." Dagdag ni marco.
Muli kaming nagkatingin ni maria, pati narin si flora. At pilit nalang kaming ngumiti.
"Masyado kasing marami ang kwentuhan namin ni Luna kagabe kuya."
"Pero beb, ang liwanang sa labas, kung ako kahit puyat hindi ako nakakatulog don."
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...