kabanata 55

1 0 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas simula ng naka balik kami rito. Pero hindi na katulad ng dati na halos kumakain kami sa labas, yung kahit anong araw ay pwedi kaming pumunta sa bayan. Ngayon kasi ay limitado ang paglabas namin lalo na kami ni maria, ganon din si flora, nagtataka pa nga ito nuong sinabi ni kuya cloud na dito na sya mamasukan para daw sama sama kami pero hindi pumayag si Miguelito. Pinapatigil na nga daw itong magtrabaho pero ayaw ni flora kaya bilang pag sisigurado na nakakauwi ito ay hatid sundo nya ito kahit malapit lang.
Si Manuelito naman ay nagpakita na sa buong bayan pero dahil nga sa kunwaring marami pa itong sugat ay sinabi daw ng pamahalaan na bibigyan sya ng isang lingong pahinga para daw agad syang gumaling. Hindi naman sila pweding umuwi sa kanilang mansyon dahil marami palang sira ang bahay at noong ngang umalis sila halos nakawin ang mga gamit rito. Nakakalungkot man isipin na pati rin pala negosyo nila ay nadamay dahil nga galit daw ang taong bayan sa kanila, dahil nga sa pagkawala ni Manuelito at panloloko daw kuno nya kay teresita na hindi daw nilagdaan ang kanilang papel sa kasal.. hindi ko nga maiindihan ang mga tao! Dba dapat magalit sila kay teresita dahil pinalabas nyang si Manuelito ang ama. Tss!!!

Kaya ayun nga, dito sila ng s-stay sa bahay. Katabi kong matulog si maria. Si kuya cloud at kambal naman ang magkatabi, si Manuelito at marco sa taas. Solo naman ni kram ang isang kwarto, si juan naman at si kuya joselito. Dahil nga medyo magulo ngayon sa bayan ay umalis din ang pamilya ni don pedro ibig sabihin ay kasama nila si mama, pwera nga kay kuya. Nasabi naman sakin ni kuya joselito na nagpadala daw sya ng sulat para nga sabihin na nandito ako at sana lang pasyalan nya ko dahil hindi ko napupuntahan.

Isa na rin rason dahil hangang ngayon ay pinaghahanap parin ng mga guardang sibil ang sasakyan ng nang gulo daw sa bayan at dahilan ng pagkatakot ng maraming tao rito. May nagsasabi daw na isan itong uri ng maligno, sasakyan ng aswang o dambuhalang hayop ang kung ano ano pa. Hindi naman pinigilan ni Manuelito ang pag hahanap rito dahil nga baka mag hinala sila sa kanya.

"Ayaw mong lumabas maria?" Kanina pa kasi kami dito sa kwarto, nagkekwentuhan lang kami habang nagbuburda naman sya. Mahilig ako mag design ng mga damit pero sa pagbuburda wala akong tsaga, kung may makina pa siguro pwedi pa.

"Mamaya nalamang Luna. Akin munang tatapusin ito."

"Sige ikaw bahala, sa labas lang naman ako mukang naglalaro nanaman sila." Kanina pa kasi sila nag-iingay malamang naglalaro nanaman sila. Nagdala lang naman si kram ng bola dito, paramihan yata sila ng gamit ni kuya cloud. Gumawa sila ng ring kahapon sa may gilid ng bahay at tinuruan nga ang mga kaibingan namin na maglaro. Si kambal naman tuwang tuwa matagal na daw syang walang ensayo.

"Walang pikunan ha!! Laro lang yan!"
Munti na kasing magkapikunan si juan at Manuelito kahapon, mabuti at napaghiwalay agad sila nila kuya.

Medyo may alam na si Manuelito sa paglalaro dahil sa lumipas na araw pananatili nya doon sa kasalukuyang panahon ay naglalaro sila ni kuya tuwing hindi ako kasama.
Si juan namay ay parang natural na sa kanya ang galing sa paglalaro. Nasabi nya nga kahapon ay minsan na nyang napanaginipan ang ganong klaseng laro.

"Kulang kami ng isa beb! Sama ka!!"

"Tss! Saan ka nakakita ng nakasayang nagbabasket ball?"

"Wala pa! Kaya nga sinasali kita e!"

"Ayoko! Pikon ka naman pag natatalo!" Hindi pa naman ako naglaro talaga ng basketball pero marunong akong magshot dahil tinuruan ako ni bal pano ang tamang pasisyon pag isashot na ang bola. Then minsan nag pustahan kami tig limang piso, kung sino naka shot sa ang panalo, wala ni isa nashot si kram ayun binawi lahat ng talo nya. Hahaha.

"Ui hindi ha!!"

"Whatever kram! Maglaro ka na lang dyan." Umupo ako sa may duyan na ginawa ni juan noon sakto naman na hindi malayo sa kanila kaya nakakapanood parin ako.

LUNAWhere stories live. Discover now