kabanata 56

0 0 0
                                    

Akap ako ni maria, habang umiiyak sya. Oo sya yung umiyak hindi ako. Dahil nasaksihan daw nya lahat ng ginawa ko kanina, at natakot daw sya para sakin. Pero kahit ganon ay ramdam ko parin ang pag nginig ng mga kamay ko.

"T-tahan na nga maria." Nasabi ko sa kanya pero alam ko naman na pinapakalma nya rin ang sarili nya.
Kaming dalawa lang sa kwarto. Nasa sala sila at kasama parin yung lalaki. Ayaw akong payagan ni kuya cloud na makausap yung tao. Ni hindi ko pa nga alam talaga ang mga nangyayare.

"Ikukuha kita ng tubig para mahimasmasan ka." Kahit bawal pa akong lumabas sa silid ay lalabas parin ako dahil nga kailangan uminom ni maria, maging ako rin.

Dahan dahan ang pagbukas ko ng pintuan para hindi nila agad ako makita. Kahit alam kong maya maya rin ay mapapansin nila ako.

"Totoo ang aking binangit mga ginoo. K-kaya nagpakalayo layo ako sa samahan ngunit hindi ko akalain na hangang rito ay gumagawa rin sila ng kasamaan." Rining kong sabi ng lalaki kaya hindi agad ako gumalaw.

"Paano namin makaka siguro na totoo ang iyong sinabi." Tanong sa kanya ni juan.

"Hindi ko talaga maatim na pumatay o manakit lamang ng binibini sapagkat may anak akong babae, at n-nasaksihan ko rin ang pagpatay nila sa aking asawa. S-sila ang pangkat mismo ang bumaboy s-sa aking asawa." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi nya lalo na ng nakita ko ang ang butil ng luha sa gilid ng mata nya. Hindi ko akalain na nangyare pala sa kanya ang bagay na yon.
Naka kuyon ang kanyan mga kamao habang nagsasalita.

"L-lumayo ako sa kanila, nagtago sapagkat hindi ko nais maranasan ng anak kong si Angelina ang ginawa sa kanyang ina. Ngunit dahil malaki ang utang na loob ko kay ginoong kidlat nais kong tumulong sa paghuli sa kanila."
Ang lahat ng galit na naramramdam ko kanina ay parang napalitan ng awa dahil na rin sa mga nalaman ko.

"A-anak mo si Angelina?"
Sabay sabay pa silang napaharap sakin.

"Luna ang sabi ko ay huwag ka munang lumabas." Galit na sabi sakin ni kuya cloud.

"M-may kukunin lang ako kuya pero hindi ko naman sinasadya na marining ang usapan ninyo."

"Anak mo si Angelina yung batang madalas pumunta rito?_" Dagdag na tanong ko.

"Oho binibini, at a-ang totoo nyan ay nakilala na kita sapagkat, lagi ka nyang ikinekwento sa akin, at nababangit rin nya ang pagturo mo sa pagsusulat at pagbabasa sa kanila. K-kaya maraming salamat po."
Yuko nito sakin.
Nakaramdam ako ng matinding konsensya dahil sa mga mura at pag sigaw ko sa kanya kanina. Mas lalo akong nahiya sa kanila lalo na sa sarili.

"K-kung ganon ay ituro mo sa amin ang kuta o lugar ng mga sinasabi mong pangkat tsaka kana umuwi. Wag ka nag makialam sa problema namin. Asikasuhin mo nalang si angelina."

"Bal, pumasok ka na muna sa loob."

"Kinakausap ko lang sya bal."

"Luna!!!" Warning tone ni kuya cloud.

"Kuya gusto ko lang syang makausap."

"Tsaka mo na sya kausapin, pagkaya mo ng kontrahin ang emosyon mo."

"K-kuya kaya ko naman." Mahinang sabi ko sa kanya.

"No luna, hindi mo kaya dahil hangang ngayon ay meron kang Postpartum depression."

"Kuya sa mga babaeng nanganak lang yon hindi ba."

"Naglihi ka, pati rin katawan mo ay nag expect sa anak mo! Lalo na yang utak mo! Pwedi mong maranasan yon dahil may nabuo parin bata dyan sa sinapupunan mo. And now you have. Hindi mo makontrol ang galit mo, hindi mo makontrol ang pag iyak mo! Pansin ko rin na sa tuwing mag-isa ka nakatulala ka lang. Madalas kang mairita, konting bagay pinapalaki mo." Galit na sabi sakin ni kuya na parang ako ngayon ang kaaway nya. Pero hindi ba normal naman yon sa babae. N-nakuha ko ba ang ugali ni mama?

LUNAWhere stories live. Discover now