CHAPTER 4: Truth Hurts

1.3K 35 3
                                    

Sumakay na ko ng bus. Hindi ako sumabay kay bren, kinakabahan ako sa pwede niyang gawin. Baka may plano siyang hindi maganda.



Kung mahirap magbintang, mas mahirap magtiwala kaya dito na lang ako sa sigurado.





Kaya lang nanghihinayang naman ako nuh. Sayang pamasahe! pero kung nakatipid nga ako hindi naman na ko naka uwi sa 'min. Kaya okay na to, safe pa.





Madilim na. Wala akong cellphone kaya hindi ko matext si Jek. Alam ko namang hindi yun nag aalala, baka sinumbong na kasi ako kay tita. Saksakan ng Sumbongero yun eh.





Pagbaba ko ay naglakad na ko papasok. Safe naman, subdivition naman kami nakatira.




Think positive lang! But the only negative part is— hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Bren. Si Bren ba talaga nag sabi non?





Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si jek na naka upo at nanunuod ng shrek.





"Bakit ngayon ka lang?" Sabi niya at pinause yung pinapanood niya.





"Ano naman sayo? Sinumbong mo na ba ko sa mama mo?"





"Hindi. Bakit? Gusto mo?" Ngumiti siya at pinagpatuloy ang panunuod ng shrek.





"Hindi, pina-alala ko lang baka nakalimutan mo eh" Sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ko.





Nakakatakot si Bren. Parang kahapon lang todo alcohol pa siya sa kamay niya tapos kanina sabi niya maganda daw yung kamay namin lalo na pag magkasama. Dahek! Ano ba talaga? Saan ba niya tinago ang totoong bren?





Nagbihis na ko at bumaba. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Napatigil ako sa pagsasalin nang malamig na tubig nang maalala ko yung sinabi ni Ms. Sarrosa na bawal ang malamig sa 'min. Napa 'tsk' na lang ako at binalik ang malamig na tubig sa ref.





Uminom ako ng hindi malamig at muntik ko nang maibuga sa gulat nang biglang sumulpot si Jek.





"Para sayo daw oh." May inabot siya sakin— box na may gift wrapper na spider man at may letter sa taas 'To jim'





Spider man? Bata?





"Ayos ah. Ano akala niya gagamba ka? Dapat butiki." sabi ni Jek at nagtatakbo pabalik sa sala. Akala naman niya hahabulin ko siya.





Inilagay ko muna sa taas ng ref yung gift na may gift wrapper na spider man. Sino ba may bigay nun?





Nagluto muna ako, magugutom kami pareho pag inantay ko si Jek na magluto. Habang nag luluto ay napapatingin ako dun sa gift. Kanino ba galing yun?





Pagkatapos naming kumain ay pumunta si Jek sa harap ng ref at napakamot sa batok. Siya kase ang toka sa hugasin ngayong araw. Meron kaming chart na nakadikit sa pintuan ng ref, nakasulat dun kung sino ang maghuhugas.





Naghugas na siya at umakyat naman ako, dinala ko na yung gift.





Umupo ako sa kama ko at binuksan yung gift at pagkakita ko sa laman ay sumaya ang gabi ko.





Box ng cellphone! Binuksan ko yung box at may isa pang letter sa loob.





New phone and sim card. Happy? May load na yan. Sinave ko na din number ko diyan. -Bren





Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon