CHAPTER 43

518 14 2
                                    

"He's okay. Madami lang siyang sugat at nagkaroon ng problema sa kaliwa niyang paa" Sinubukan kong kumalma at maging maayos pero naunang lumabas ang mga luha ko.

"S-Salamat doc" Sabi ng mama ni Light habang nagpapahid ng luha.


Nakaupo ako sa upuan katabi ng mama ni Light. Pareho kaming umiiyak.. Dahil sa magkaibang dahilan.

Binuksan ko ang bag ko. Napasapo na lang ako sa noo ko nang hindi ko mahanap ang cellphone ko.

"'Wag ka ng umiyak. Okay na si Light" She tapped my shoulder. Wala akong masabing salita. Lalo na ng magtama ang paningin naming dalawa. Lalong tumulo ang luha ko. I need someone to cry to. Niyakap ko si Tita at humagulgol ng iyak. She's just tapping my shoulder, no words came out from her mouth. Silence hugs the two of us, i need this.

"Kung anuman ang problema mo. Wag kang mahiyang maglabas sa iba. Mas nakakagaan ng loob yun, jim. Para na din kitang anak kaya wag kang mahihiya sakin. Alam kong iba ang ibig sabihin ng mga luha mo. Babae din ako, jim. Napagdaan ko na ang mga pinagdadaanan mo" Sabi ni Tita.


Lalo lang humigpit ang yakap ko kay tita.


"Hindi ko na alam tita. Naguguluhan na po ako. Hindi ko po alam kung paano ko aayusin lahat" Humikbi ako.


"Pag isipan mong mabuti, jim. Hindi masamang ayusin ang mali ng nakaraan sa kasalukuyan" Kumalas ako sa yakap ni Tita at ngumiti. Siguro nga, kailangan ko tong pag isipan. Kailangan kong gumawa ng deaisyon na ikakaayos ng lahat.


"Puntahan na natin si Light" Tumayo ako at sinundansi Tita.


Pagbukas namin ng pinto ay bumungad agad si Light samin. Nakahiga siya at puno ng sugat ang katawan. May nakabalot sa kaliwang paa niya. Bigla siyang lumingon samin, nakita ko ang pagtulo ng luha niya na agad niyang pinunasan.


"Jim" I smiled at him.


Naunang lumapit si Tita at yumakap kay Light. Nagsimula na ding umiyak si Tita. Ang dami niyang sinabi kay Light habang umiiyak. Lumapit ako sa kanila at napatingin si Tita sakin.


"Kakausapin ko lang si Doc" Ngumiti si Tita at nagpahid ng luha. Umalis na siya at naiwan kami ni Light sa loob.


"Okay ka lang ba?" Umupo ako sa upuan malapit sa tabi ng kama niya.


Tumango siya. Katahimikan na naman ang bumalot saming dalawa.



Napapansin ko, parang nagiging allergy na ko sa katahimikan. Kapag kasi tahimik ang paligid ko, bumabalik yung mga bagay na ayoko ng alalahanin.


"Ikaw ang parang hindi okay, eh" Sabi niya.


Napayuko lang ako.


"Dapat hindi ka na lang pumunta dito" Napa-angat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Light.


"It's your wedding day, jim. Alam kong matagal mo na 'tong hinintay" Nagulat ako sa sinabi niya. Alam niya?


"A-Alam mo?"


"Somina told me. Papunta nga ako kanina sa kasal mo pero biglang naaksidente yung sinasakyan ko. I really want to see you smile while walking towards the man you love.." Huminga siya ng malalim. "Pero nasira ko pa ata yun"


Agad kong hinawakan ang kamay niya.


"Hindi. 'Wag mo ngang isipin yan"



"Ayokong makita kang gan'yan, jim. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na malungkot yung mga mata mo.. Lalo na ako yung dahilan"


"Hindi naman ikaw yung dahilan nito, Light. Wag mong sisihin yung sarili mo" Umiwas siya ng tingin sakin.


Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon