CHAPTER 47

630 18 7
                                    

BREN VELLANA'S POV



"Nahihilo ako, Bren" Yun ang huling sinabi ni Mia bago siya himatayin. Hindi ko alam ang gagawin ko nung hinimatay siya, nagsisiksikan na ang mga tao at hindi ko na makita si jim. Buti na lang may isang matandang lumapit samin at tinulungan akong alalayan si Mia. Sumakay kami ng tricycle at sa sobrang taranta ko, hindi ko na nahanap si Jim.



Umandar na ang tricycle at lalo akong nataranta. Nasaan ka na ba, jim?



Nang makarating na kami sa bahay ay pinakisuyo ko muna si Mia kay Manang Lisa. I need to go back there, for Jim. Hindi ko siya pwedeng iwan doon.



"Babalik lang po ako ng Bayan" Nagtatakbo ako papunta sa bayan. Hindi ko na ininda yung putik. I really need to go back. Baka umiyak yun.



Sumakay ako ng tricycle.



"Naku, medyo magtatagal ang biyahe at iikot pa tayo sa kabilang daan. Maputik kasi diyan eh. Baka hindi kayanin ng gulong ko"



"Okay lang po"



Sumakay na ko ng tricycle at umandar. Biyaheng langit si kuya ah. Kulang na lang palipadin yung tricycle.



Pagdating ko sa Bayan ay dumiretso agad ako sa tindahan ng isda na pinuntahan ni Jim kanina. Pero hindi ko na siya nakita. Si manong estong na lang ang nakita ko doon, parang nakikipag away pa nga siya sa tindera.



"Sinasabi ko sayo Rosing pag ito nalaman ng mga Ve--" Napatigil si Manong estong sa pagsasalita nang makita ako.



"Nakita niyo po ba si Jim?" Hinihingal kong tanong kay Manong. Matagal siyang tumingin sakin bago sumagot.


"Umuwi na siya" Napasapo ako sa noo ko. Siguradong magagalit yun. Bipolar pa naman yung babaeng yun.



Sumakay na lang ulit ako ng tricycle pauwi. Bigla akong kinabahan habang nakasakay. Nakauwi kaya ng maayos si jim? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya.



Nang makarating na ko sa bahay ay pumasok agad ako sa loob. Nagtaka ako nang hindi ko makita si Manang Lisa at si Mia sa sala. Dito ko lang sila iniwan kanina eh.



Diretso ako sa kusina dahil may naririnig akong nag uusap.



Pagpasok ko doon ay nakita ko si Jim at si Mia. Magaling na siya?



Nagulat ako nang batuhin ni Jim si Mia ng plastik na may lamang isda.



"Jim!" Nagtatakbo ako papunta kay Mia.



"Bakit mo siya binato?" Those were the last words I said before the tears came out from her eyes.



"Bakit hindi mo siya tanungin?" Tumalikod siya.



Naglakad siya palabas pero huminto ulit.




"Kung ginawa mo yun para gumanti, bren. Congrats, Nakaganti ka na" 'Yon ang huli niyang sinabi bago nagtatakbo paalis ng kusina.



Napatigil ako sa huli niyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin?



Napatingin ako kay Mia na umiiyak na din.



"Ano bang nangyari?" I asked Mia. She just curled her arms to mine.



"Hindi ko alam. Bigla na lang niya 'kong binato" Inalalayan ko si Mia na tumayo.



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon