CHAPTER 6: This week

1K 29 3
                                    

From: Bren 'Panget' Vellana

Goodmorning.



Isang text agad ang bumungad sa 'kin. Kagabi din tinext niya ko ng 'Good night. Sweetdreams' Ano ba to? Pinapakilig ba niya ko? Kung ako sa kaniya, itigil na niya..



Effective e.



Hindi ko na siya nireplyan, wala na kong load. Bumaba na ko at naghilamos at nag toothbrush. Wala si Jek. Hindi ko siya nakita tapos ilang araw na siyang hindi pumapasok.



"Jek." kumatok ako sa kwarto niya para papasukin siya sa school, ako malalagot sa mama niya eh.



"Ano? Nagbibihis na ko."


"Papasok ka?"



"Oo." Ang aga naman niya umalis?



"Ang aga naman? Kumain ka na ba?" Kunwari concern. Hahaha.



"Sa school na lang ako kakain, madami kase kong hahabuling notes." bumukas yung pintuan niya "Wag kang magsusumbong kay mama."



"Susumbong kita kapag inulit mo pa yung pag inom mo." Umalis na siya sa harapan ko at kinuha yung bag sa kwarto niya.



"Alis na ko." Tumango na lang ako at pagkatapos ay nagluto na. Medyo weird siya ngayon, hindi nga yun pumapasok ng maaga eh. Kahit na madami siyang hahabulin, late pa din siya. Pero ngayon, iba talaga nagagawa ng broken heart.



*Ding dong*



Bakit ba ang aaga ng mga tao ngayon? Ano bang meron?



Lumabas na ko para buksan yung gate.



"Hey."



"Ano? Aga aga e."



"Pa-breakfast" ngumiti siya at ano daw? Hala kumakapal na mukha ni Bren a? Naka uniform na siya at nakita ko yung super-duper-kumikintab niyang kotse sa labas.



"Naghihirap na ba kayo at nakikikain ka na sa ibang bahay?" Sabi ko at nag cross arms.



"Hindi. Pasok na tayo." Hinila niya ko at sinara niya yung gate.



"O-oy. Bawal ka dito!" Hinihila ko siya pabalik pero patuloy lang siya sa paglalakad papasok sa loob ng bahay.



Tinakpan niya yung bibig ko tapos hinila ako papasok.



"Bitawan mo yung braso ko!" Sabi ko nang alisin na niya yung mabango niyang kamay sa bibig ko.



Binitawan niya yung braso ko at naglakad ng tuloy tuloy sa sofa, umupo siya at binuksan yung TV. Aba!



"Anong breakfast?"



"Anong-- Dito ka talaga kakain? Umalis ka na dito. Bawal ka dit---" Napatigil ako nang Meron akong naamoy na... nasusunog? AY TOKWA! Yung niluluto ko!



Nagtatakbo ako sa kusina para tingnan yung hitsura nung bacon na parang pinagsakluban ng lahat ng pwedeng sumaklob.



"Ayan, nasunog." sabi ko habang nanlulumo. Wala na kaming stock! Last na 'to at mamaya pa lang kami mamimili ni Jek.



"Ano yan?" sabi ni Bren habang tinutusok-tusok ng tinidor yung bacon habang tumatawa.



"Yan ba breakfast natin?" Sabi niya.



Blackmailing Bren VellanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon