Naglalakad ako mag isa sa hallway ng locker area. May kinuha lang ako sa locker ko.
Kinakabahan pa din ako dahil sa mga nangyari kanina. Ang hirap pa din huminga kahit na ang layo ko na sa kaniya. Hayy.
*Bzzzt*
Muntik na kong mapatalon sa gulat ng mag-bivrate ang cellphone ko. Nakakatakot kasi dito eh! Tapos gabi na kaya medyo madilim din dito sa loob kahit may ilaw.
"Hello?"
"Nasan ka na? Gabi na ah! Kasama mo ba si morice?" Narinig ko ang boses ni tita sa kabilang linya.
"May ginawa lang po kami sa Theater Org. Pauwi na p--" *Toot* *toot* *toot*
Biglang namatay ang tawag. Binulsa ko na ulit yung cellphone ko at nagpatuloy sa paglalakad. Mag isa lang akong naglalakad sa kahabaan ng hallway. Sino ba naman ang hihinto dito diba? Nakakatakot kaya.
Nang makarating na ko sa may pintuan palabas ay biglang..
"Ahhhhhh!" Tinakpan ni jewell yung bibig ko.
"Ang ingay mo"
"Bigla bigla ka kasing sumusulpot!" Lumapit ako sa kaniya at Hinila yung buhok niya.
"A-aray!" Binitawan ko yung buhok niya nang biglang umihip ang malakas na hangin. Parang horror movie lang ah?
"Nasan si bren?" Tanong niya sakin at nagkibit balikat lang ako. Pagalis ko kanina sa theater org. Nandun pa siya. Sabi niya nga sasamahan na daw niya ko pero hindi ako pumayag. Baka himatayin ako pag kami na lang dalawa.
"Baka umuwi na?" Sabi ko at naglakad nang dirediretso.
"Sabay kami eh. Samahan mo ko, hanapin natin.." Hinila ako ni jewell sa direksyon papunta ng Building B.
"O-oy! Kailangan ko ng umuwi!" Sabi ko pero hindi pa din niya ko binibitawan.
"Samahan mo muna ko sa Therter Org. Baka nandun eh.." Naglakad kami pabalik sa Org. at habang naglalakad ay hindi ko maiwasang kabahan. Ang dilim na kaya! Tapos yung mga ilaw medyo malabo na at kami na lang ata ni jewell dito kung hindi pa umaalis si bren at yung guard.
Pagbalik namin ay naka-lock na ang Theater Org.
"Wala na si bren. Iniwan ka na. Mag commute ka na lang.." Sabi ko at hinila na siya pabalik.
"Te-teka lang! Ano yun?" Bigla akong kinabahan ng magturo si jewell sa madilim na parte ng Building. Shemay naman! Pinagti-tripan ba ko nito?
"Wala yun.." Hinila ko ulit siya para maka-uwi na. Hinahanap na ko ni tita at natatakot na ko.
"Meron! Nakita ko!" Sabi niya.
"Ano ba kasi yun?!" Naiinis na ko. Tinatakot ba ko ni jewell? Wag ngayon! Baka masakal ko siya ng di oras!
"May puti.." Shete lang! Natatakot na talaga ko.
"Guni-guni mo lang yun.." Naglakad na ko at iniwan si jewell.
"Ayun oh!" Automatic akong napalingon sa tinuro ni jewell kahit kinakabahan.
Pero wala akong nakita. Bwisit talaga to!
"Wala naman eh!"
"Wala nga! Hahahaha" Sabi niya at sumabay na sa paglakad ko.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)