"Para po" Huminto ang jeep at bumaba na ko.
Nakita ko ang ilang balloons at ilang mga tao sa loob ng cake shop. Tinext ko si Light na hindi ako makakapunta kay Lio.
*Ting*
Tumunog ang bell nang pumasok ako.
"And'yan ka na pala. Tulungan mo na ako dito" Sabi sakin ni Manang Jola. Siya ang nagbabantay ng cake shop sa umaga at ako naman sa gabi. 24 hours tong cake shop ni tita.
Tinulungan ko si Manang Jola. Hindi na ko nakapagpalit ng damit kaya naka-uniform pa ko. Madami ang bumibili kaya natagalan bago ako makapagpalit.
"Manang. Palit lang ako" Tumango siya sakin at pumasok na ko sa CR at nagpalit ng baon kong damit. Humarap ako sa salamin. Inayos ko ang pusod ng buhok ko at saka lumabas.
"Uwi na ako jim ha. Gabi na din kasi eh. Hinahanap na ko ng anak ko. At oo nga pala, And'yan pa yung bagong baker natin sa likod. Yung Brel ba yun?"
"Bren po" Sabi ko. Nandito pa si bren?
"Ahh. Ang bait nga ng bata na yun eh. Pagod na sa pag-gawa ng cake maghapon. Tinulungan pa kong maglinis" Tumingala si Manang para tumingin sa orasan.
"Osige. Mauna na ko"
"Ingat po kayo" Tumango lang si Manang at umalis na. Umupo ako sa upuan katapat ng kaha. Tiningnan ko ang mga cake sa display at parang nagutom ako.
"Gushtoh moh?" Muntik na kong mapatalon ng may magsalita sa likod ko. Medyo natawa pa siya pero hindi natuloy dahil nabulunan siya ng kinakain niyang cake.
Inabutan ko siya ng tubig at napakagat ako sa labi dahil sa pagpipigil ng tawa.
"Tumatawa ka?" Sabi niya ng makabalik na sa normal.
"Hindi ako tumatawa"
"Talaga lang ah. Gusto mo?" Pagaalok niya sakin ng cake. Kahit gutom na ko ay hindi ko tinanggap.
"Kuhanin mo na. Wag ka ng mahiya" Sabi niya ng nakangiti. Napalingon ako sa kaniya at doon ko nakitang basang basa ang T-shirt niya. Hindi ko alam kung sa pawis ba o sa tubig na natatapon kanina habang umiinom siya. Pawis din ang mukha niya at sobrang huggard na niya.
"Alam ko na okay? Wag mo na kong titigan ng ganyan" Tumalikod siya at natawa ako ng marinig ang bulong niya
"Hirap talaga ng gwapo" Pumunta siya sa Kwarto sa loob ng Cake shop-kung saan nag be-bake. Na tinatawag naming Likod.
Maya maya'y lumabas na siya. Hindi ako lumingon pero naamoy ko agad ang pabango niya. Hindi pa din siya nagbabago ng pabango.
Hindi siya nagsalita. Naramdaman ko na lang ang presensya niya sa gilid ko at ang pagtunog ng upuan.
"Bakit ka pumasok dito? I mean You don't need to have work. Your tita still supports you" Lumingon ako sa kaniya at nakita kong nagpalit na din siya ng damit at maayos na din ang hitsura niya.
"Sakto" Sabi ko.
"Huh?"
"Kaya ako pumasok dito kasi sinosoportahan pa din ako ng tita ko" Matagal siyang natulala sakin bago tumango.
"Okay"
Matagal kaming natahimik at sa katahimikan na 'yon ay hindi ako mapakali. Naiilang ako. Awkward.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)