Sabi nga ni morice..
Every once upon a time deserves a happily ever after.
But
It doesn't mean that every once upon a time should have a happily ever after.
"A-anong sinasabi mo? Nagbibiro ka lang, hindi ba?" Nanginig ang buong katawan ko dahil sa sinabi niya.
Sana nga joke lang ang lahat. Sana, pero..
"Hindi" Ayokong humarap dahil ayokong makita niya ang mga luha sa mga mata ko.
"J-jim"
"Umalis ka na"
Tatlong salitang iniwanan ko sa kaniya bago ako magtatakbo paalis.
Lahat ng pangako ay patuloy na gumuguho sa isip ko. Ayokong lumingon kaya tinatakasan ko na lang. Patuloy ang pagtakbo ko at hindi ko na din makita ang daan dahil sa mga tubig na humaharang sa mga mata ko.
Sa isang iglap nawala ang lahat. Sa isang iglap natabunan ng luha ang mga ngiting ginawa namin kanina.
Nagtatakbo ako hanggang sa makarating ako sa bus station. Wala na kong pakialam sa tingin ng iba o sa hitsura ko ngayon. Hindi ko mapigil ang mga luha ko.
Mahirap pangunahan ang sitwasyon pero paano ko pipigilan ang sarili ko sa pagtapos nito kung ang maging kapalit ay lalong pag gulo? Ayokong mangyari yun.
Ayokong mangyaring si bren ang tumapos dahil napili na niya ang tama. Mas mabuting sakin na lang manggaling dahil ako naman talaga ang dahilan ng lahat. Ako na ang tumapos para hindi na magulo pa.
Isa pa, Maayos na siya. Maayos na sila ng daddy niya. Maayos na ang pamilya niya. Ayoko ng masira yun nang dahil lang sakin, nang dahil lang sa tulad ko.
Makakalimutan ko din to. Makakausad din ako sa kung nasaan ako ngayon, makakaalis din ako pero ngayon.. Kailangan ko munang umiyak. Ito lang ang kaya kong gawin sa pagkakataong to.
Sumakay ako ng bus at walang bren na sumunod sakin.
Tama, wag na siyang sumunod. Mahihirapan lang ako kapag nakita ko pa siya.
Umandar na ang bus at pinunasan ko ang luha ko.
Hinawakan ko ang pendant ng kwintas na suot ko. Wala na. Hanggang dito na lang to.
Hinubad ko ang kwintas at nilagay sa bag ko kasama ang keychain na jar.
Hihintayin ko yung araw na kaya ko nang tanggaping hindi ko na dapat suotin ang kwintas na to. Magsasanay na ko, simula ngayon.
*Bzzzzzzzzzzzt*
MyCoffeeBean♥ Calling...
Nanginginig ang kamay kong pinatay ang tawag niya.
*Bzzt*
From: MyCoffeeBean♥
San ka? Nagjojoke ka lang hindi ba :) San ka? Reply ka. Hinahanap kita :( Uwi na tayo :( Please reply ka :(
Pumikit ako bago pinindot ang reply.
To: MyCoffeeBean♥
Seryoso ko. Itigil mo na to bren.
BINABASA MO ANG
Blackmailing Bren Vellana
Teen FictionMeron akong nalaman... SIKRETO NIYA. Halika, kwento ko sayo :)